Dumating ang mga magulang ni Cloe at puno sa pag-alala ito nang sila ay dumating. "Cloe, anong nangyari sa asawa mo?" pag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Hindi agad sumagot ang kaniyang anak bagkus yumakap ito sa ina at humagulgol. "Anak, anong nangyari?!" gulat na tanong ng kaniyang ina. At si Angelo ay umiyak na rin na tinakpan ang mukha gamit ang kaniyang kamay. "Ma, may brain cancer ang aking asawa..." turan niya na nakayakap pa rin sa kaniyang ina. "Ano?!" Diyos ko!" bulalas ng kaniyang ina at hinigpitan ang pagyakap sa kanilang anak. Ang kaniyang ama naman ay dahan-dahang umupo sa tabi ni Angelo, na halos walang boses na lumabas. Parehong naawa ang kanilang mga magulang sa kalagayan nilang dalawa. At nasaktan rin sila sa nangyari. Tuluyan silang nagkauwi sa bahay a