WARNING MATURE CONTENT AHEAD! CHANCES MARDE NICHOLAS LOPEZ "NASA garden po sila," wika ng isang nakaitim na lalaki habang nakaturo sa direksyon kung nasaan ang hardin nang tuluyan siyang makalabas ng silid. Naalala niya ang boses nito, ito ang lalaking nakaupo sa tapat niya kanina. Napansin nitong nakatitig siya kaya't alanganin itong nagbaba ng tingin at kumamot sa ulo. He scoffed before following the direction of the garden he pointed. Nadatnan niyang masayang nag-uusap at nagtatawanan ang lahat ngunit nang makita siya ng mga ito ay biglang tumahimik at sumeryoso ang paligid maliban kay Eunice na patuloy pa ring tumatawa. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi nito nakita ang pagdating niya. Damn! He missed her already kahit na ilang oras pa lang silang nagkalayo dahil sa pakulo n