TASTE OF OWN MEDICINE MARDE NICHOLAS LOPEZ MASAKIT ang ulong idinilat niya ang mga mata upang ipikit muli dahil sa sobrang liwanag sa silid na kinalalagyan niya. Naiinis at unti-unti niyang idinilat ang mata upang mag-adjust sa liwanag. Walang tao sa loob ng puting silid maliban sa kanya, pagkakataon niya nang tumakas upang iligtas ang asawa sa dalawang mukhang perang iyon. Pinilit niya ang sariling makatayo sa kinuupuan ngunit para siyang sinemento roon dahil ultimo leeg niya ay hindi niya maipihit. "f*****g hell," frustrated na wika niya saka muling nagpumiglas ngunit wala iyong silbi dahil hindi pa rin siya masyadong makagalaw. "Arggggghhhh! f**k! f**k! f**k!" paulit-ulit na sigaw niya, naanggat niya na ang upuan mula sa marmol na sahig kaya gumagawa iyon ng nkakabinging ingay na m