DAD'S PLAN EUNICE HAZE VALERIANO "Ano ba?! Bitiwan niyo ko!" sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanyang mga braso. Diretso at walang imik siyang pinasakay ng mga ito sa isang puting van. Nakita niya ang pagkakataon na tumakbo nang isasara na ng mga ito ang pinto ng van. Hindi naman siya nakapiring o nakatali sa hindi malamang dahilan kaya inihanda niya na ang sariling tumalilis ng takbo. Akmang gagawin niya na ang naisip nang marinig niya ang boses ng kanyang kuya Eulysses. "Eunice!" tawag nito mula sa driver's seat habang nakasilip ang ulo sa pagitan ng mga upuan. Bahagyang napanatag ang loob niya nang masigurong si Eulysses nga ang nasa driver's seat saka malakas na pinakawalan ang hiningang kanina pa pinipigil. Pinaningkitan niya ito ng mata habang