Ang unang pasok ko sa university sa regular na klase. Nakakatuwa nga dahil mas marami akong nakikilala. Ang pagkakaiba na lang ay malimit na kaming magkita ni Mike. Second year na kasi siya, freshman lang ako. Business Administration siya at HRM naman ako. Kung minsan ay nakikita ko siya sa canteen pero hindi naman na ako kinakausap. Simula ng mag-opening ang pasukan ay hindi na niya ko nilalapitan kahit ang pansinin man lang. Noong una ay naiintidihan ko ang pagbabago. Magkaiba kami ng building. Ni isang minor subject ay hindi kami magkaklase. Kapag nakakasalubong ko naman ay nag-iiwas ng tingin o hindi kaya’y umiiwas na makasalubong ako. Mayroong part sa akin na gusto ko siyang lapitan at kausapin. He’s a friend. Naging malapit din naman kami sa isa’t-isa. Nakakalungkot kasi siya ang una