Napatingin ako kay Mariano dahil naghikab na naman s'ya. Pang ilan na n'ya 'yan. Sabagay hindi ko naman s'ya masisisi dahil medyo gabi na rin ngayon at kanina pa kami sa ginagawa namin research pero hindi pa kami tapos. Pagkatapos namin kumain kanina ay umakyat na kami agad dito sa kwarto. At gaya ng sinabi n'ya kanina bago s'ya maligo, pinaligo n'ya muna ako bago kami magsimula sa project namin. "Anastasia, bukas na lang natin tapusin, antok na ako," sabi nya. "Tapusin na natin, konti na lang naman. Ikukuha na lang kita ng snacks para mawala antok mo," sabi ko at tumayo pero hinila n'ya ako paupo ulit, kaya pabagsak akong naupo sa lap n'ya. Niyakap niya ako mula sa aking likuran bago inilagay ang kanyang baba sa balikat ko at nagsumiksik sa leeg ko. "Payakap lang Nat, pampawala ng