"Saan ka pupunta?" nakapikit na tanong ko kay Anastasia. Natutulog pa kasi kami at nagising lang ako dahil sa paggalaw n'ya mula sa pagkakayakap ko. "Nasa labas si Yaya," sagot n'ya, "Kanina pa s'ya kumakatok." Nagmulat ako ng mga mata dahil sa sinabi n'ya. "Bakit daw?" "Ewan ko, basta narinig ko ang katok at ang pagtawag n'ya sa pangalan ko," sagot niya. Inalis n'ya ang pagkakayakap ko sa kanya, hinila n'ya ang 'yung manipis na kumot para ibalot sa kanyang katawan bago tumayo at naglakad papunta sa may pintuan. Kahit inaantok pa ang diwa ko ay napangiti ako dahil sa itsura n'ya. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kaninang madaling araw. Habang pinagmamasdan ko siya, napapaisip ako kung bakit ganito ako ka-adik sa kanya. Iyong tipong kahit wala naman s'yang ginagawa para akitin