"Tayo lang?" tanong ko ng maupo ako sa table rito sa canteen kung saan nakaupo sina Irish at Cath. Nag-text kasi si Irish sa akin kanina na magkita raw kami rito para sabay-sabay kaming mag-breakfast. Tapos pagdating ko rito sila lang dawala ang dinatnan ko. Tumango silang dalawa sa tanong ko. "Bakit? Nasaan sina Irene at Mariano?" "Hindi namin sure. Basta ng i-text ko si Irene kanina, nag-reply s'ya na hindi s'ya makakasama pati si Mitchell, so, I guess magkasama ang dalawang iyon ngayon," sagot ni Irish sa akin ng nakangiti. Nakangiti rin si Cath na parang natutuwa pa na magkasama na naman ang dalawa. Naiinis ako sa nalaman ko. Badtrip! Actually, noong sabado pa ako badtrip ng nasa Moonbucks pa kami. Naiinis ako kay Irene dahil napaka-clingy n'ya kay Mariano kaya nga ng makita na