"Asia, labas ka na? Wait mo ko sa gilid ng building n'yo," 'to ang laman ng text ni Irene, na natanggap ko nang palabas na ako ng classroom ng huling subject ko.
"Yes, kakalabas ko lang. Bakit?" reply ko at naglakad na para lumabas ng building namin.
Halos wala ng estudyante na makikita sa pathway, 'yung iba nakauwi na ang iba naman ay nasa classroom pa nila dahil hindi pa tapos ang klase nila. Depende naman kasi iyon sa course mo.
Sumandal ako sa gilid ng building namin para hintayin si Irene. Ano naman kaya ang gusto ng babae na 'yun. Lakas makapagpahintay pero kapag inaaya ko naman minsan hindi maaya dahil may lakad.
Tiningnan ko ang wrist watch ko tapos kinuha ko ang cellphone ko dahil ten minutes na yata akong nakatayo rito ay hindi pa dumadating ang babae na 'yun.
I texted her, tinanong ko kung nasaan na s'ya. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay ang maghintay.
"Ugh! Nasaan na ba ang babae na 'yun? Kapag hindi pa 'yun dumating sa loob ng limang minuto, aalis na talaga ako," bulong ko na inis na inis.
Panay ang tapik ng paa ko sa lupa habang hinihintay si Irene. Nakakainis talaga. Tiningnan ko muli ang oras at nakita kong limang minuto na ang nakalipas. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may reply ba si Irene pero wala.
Tumalikod na para umalis. Ayoko ng maghintay.
"Asia! Asia, wait!" dinig kong may tumatawag sa akin kaya huminto ako sa paglalakad at lumingon. Nakita ko si Irene na tumatakbo papunta sa akin.
Tinaasan ko s'ya ng kilay nang makalapit sa akin. Naiirita talaga ako.
"Sorry, may tinapos lang ako kaya ako natagalan," sabi n'ya na hinihingal pa.
"May gagawin ka pa pala, so bakit pinaghintay mo pa ako? naiinis na sabi ko, "Alam mo na ayoko ng naghihintay."
"Sorry na. Akala ko kasi tapos na ako, tapos noong i-check ko may kulang pa pala sa ginawa ko, so 'yun. Sorry na, 'wag ka na magalit," sabi n'ya at niyakap ako. Ganyan s'ya kapag may naiinis sa amin dalawa ni Irish, dadaanin ka n'ya sa lambing.
Huminga ako ng malalim para ma-relax ako kahit papaano. Masyado s'yang sweet para awayin.
"Okay. Okay na. Tigilan mo na 'yan, ano ba?" sabi ko at pilit s'yang inilalayo sa akin. Hinalik-halikan n'ya kasi ako sa pisngi para amuin.
Natatawa s'yang lumayo sa akin. "Bati na tayo?"
"Oo na, hindi ka naman papayag na hindi," nagpipigil na mapangiti na sagot ko dahil para s'yang bata kapag ganito s'ya umasta. "Saan ba tayo pupunta at nagpahintay ka pa sa akin?"
Inilagay n'ya ang hintuturo n'ya sa bibig at kinagat. Base sa reaksyon n'ya sa tanong ko mukhang maiirita na naman ako sa magiging sagot n'ya. Mannerism na n'ya 'yung ganito kapag alam n'ya na p'wede namin ikagalit o ikainis ni Irish ang sasabihin n'ya.
Nag-crossed arm ako at nagtaas ng kilay. "What? Bakit ka nagpahintay?"
Hehe… Magpapasama kasi ako sa'yo na manuod ng practice game ngayon ng women's basketball team ng university natin," napapakamot sa kilay na sagot n'ya.
Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya. "Kelan ka pa nahilig sa larong iyon?"
Tiningnan ko s'ya ng nagtataka. Wala naman kasi s'yang hilig sa sports para manood ngayon.
"Basta, gusto ko ng manood ngayon. Please Asia, samahan mo na ako," paawa effect pa talaga s'ya habang nakikiusap sa akin.
"Okay," sagot ko. Sige pagbibigyan ko s'ya para malaman ko kung ano bang meron doon at bigla na lang n'yang gusto manood ngayon.
"Yiee! Thank you Asia, the best ka talaga!" sabi n'ya na tuwang-tuwa at niyakap pa ako habang may paglundag-lundag pa.
Inilayo ko s'ya sa akin dahil nauuga ako sa ginagawa n'ya, para s'yang paslit kung umasta talaga kapag may gusto s'ya na napagbigyan pero kapag may mali kang ginawa daig pa n'yan ang matanda kung mangaral.
Nakakapit s'ya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa basketball court ng university.
"Aba ang lawak," sabi ko pagpasok namin sa loob. Walang sinabi ang lawak ng court na ito sa dating pinasukan ko. Sabagay isa ang university na ito sa pinakakilalang school sa Manila.
Naupo kami sa med'yo unahan pero hindi 'yung pinakaunahan talaga. Gusto sana roon maupo ni Irene pero hindi ako pumayag. Ayoko roon dahil baka tamaan ako ng bola. Masyado akong maganda para ilagay ang sarili ko sa pwede akong masaktan.
Pagkaupo namin ay inilibot ko ang tingin ko. Madami rin nanunuod kahit na practice game lang ito sabi ni Irene.
"Number 5 go, go!" sigawan ng mga nanonood dito kaya tiningnan ko kung sino ang number 5 na player at parang masyado yatang madaming fans dito.
"Yes! Ang galing mo Mitchell!" sigaw ni Irene at napatayo pa habang ako med'yo natulala ako.
Hindi rin ako mahilig sa sports pero sa napanood ko ngayon na galaw ni Mariano, aaminin kong na-empress ako.
Ang galing niya, kahit madami ang nagbabantay sa kanya ay nai-shoot n'ya pa rin ng walang kahirap-hirap ang bola sa 3 point line. Palakpakan ang nanunuod dahil sa ginawa ni Mariano.
Tiningnan ko ang oras ng laro, mukhang kanina pa ang nagsimula ang practice game na ito dahil last two minutes na lang ang laro, lamang pa ang kalabang team ni Mariano ng dalawang puntos.
Sa kalaban na ang bola ngayon, madami rin sumusigaw sa pangalan ng may hawak ngayon ng bola na binabantayan ni Mariano, man to man defense ang ginawa ng team nila.
Magaling mag-dribble si Lopez, iyon ang pangalan na isinisigaw ng ibang nanunuod dito pero mukhang kayang sabayan ni Mariano 'yun dahil hindi ito masyadong makaporma, kaya nainip na yata at itinira na lang iyon agad.
Pagkatira ni Lopez ng bola ay sumabay rin si Mariano ng talon. Napanganga ako dahil ang taas ng talon niya at halos lumuwa ang mata ko dahil nahabol niya pa ang bola.
Sigawan lahat ng nanunuod dito kasama na itong si Irene na halos magwala na dahil sa napanood.
Kaagad tumakbo papunta sa home court nila si Mariano para i-shoot ang bola, pero mabilis din nakabalik ang kalaban at ready na agad dumepensa, napatingin ako sa oras at konting oras na lang ang natitira, segundo na lang.
Kahit hindi ako ang naglalaro ay kabado ako na hindi ko maintindihan.
Tumingin si Mariano sa oras habang nagdi-dribble, 12 seconds na lang ang natitira sa oras n'ya.
Pinagmamasdan ko si Mariano, parang hindi man lang s'ya kinakabahan. Normal lang ang mukha n'ya bukod sa madaming pawis na tumutuo roon.
Nagulat ako ng bigla s'yang ngumiti sabay ng mabilis na pag-dribble ng bola at sabay tira niyon kahit sobrang layo n'ya pa sa basket. Natahimik ang lahat kasama na ako sa pag-aabang.
"Woah! Woah!" sigawan lahat halos ng nanunuod at tumayo pa habang nagpapalakpakan.
Shoot ang bola, panalo ang team Mariano dahil 3 puntos ang nagawa n'ya sa kaunting segundong natitira.
Napabuga ako ng hininga na hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan.
"Ang galing ni Mitchell, Asia!" paglundag-lundag at masayang-masaya na sabi ni Irene at niyakap ako.
Tumango ako habang yakap n'ya. Oo, ang galing nga maglaro ni Mariano. Aaminin kong humanga ako sa kanya ngayon.
Tuwang-tuwa ang mga ka-team niya at pinagtulungan buhatin at ihagis-hagis sa ere. Tawa naman ng tawa si Mariano.
Napangiti ako, masaya rin naman palang manuod ng ganito. Nakakakaba at exciting.
Pagkatapos ihagis-hagis si Mariano ay naupo sila sa mga bench nila at uminom.
"Asia, tara lapitan natin si Mitchell," sabi ni Irene at hinila na ako pababa para puntahan si Mariano.
"Mitchell!" sigaw niya kay Mariano nang malapit na kami sa p'westo nila. Kumaway pa nga si Irene habang ako ay poker face lang.
Nag-angat ng tingin si Mariano sa amin at ngumiti. "Nanunuod kayo?"
Sumulyap lang s'ya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin kay Irene.
"Oo, ang galing mo maglaro," puri ni Irene, "Kaya naman pala sharp shooter ka rin kahit hindi sa basketball."
Kita kong namula ang pisngi at tenga ni Mariano nang sabihin 'yun ni Irene sa kanya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Alam ko na may iba talagang ganap sa dalawang ito na hindi ko alam.
"Mitch, una na kami sa shower room," paalam ng mga kasamahan niya.
"Sige, sunod na rin ako," sagot naman ni Mariano.
"Salamat sa panonood," sabi na lang n'ya kay Irene at hindi na nagkomento sa pasakalye ng isa.
"Welcome Mitch, basta ikaw nanginginig pa," sagot ni Irene.
Napahawak naman si Mariano sa batok n'ya na natatawa. Kahit naman ako gusto kong matawa sa sinabi ni Irene, ang corny kasi, pero pinipigilan ko lang. Ayokong tumawa sa harap ni Mariano.
"Sige, una na ako. Maliligo pa ako at pawisan ako masyado. Salamat 'uli," sabi n'ya kay Irene at sumulyap din sa akin.
Tumango si Irene, ako naman ay walang reaksyon na kahit ano.
Umalis na si Mariano bitbit ang sports bag n'ya para pumunta sa shower room nilang mga player.
"Tara na, umuwi na tayo," sabi ko. Tumango s'ya kaya naglakad na kami palabas ng court.
Panay ang kwento ni Irene tungkol sa napanood namin na laro ni Mariano,. Gusto ko sana s'yang barahin dahil bakit pa kailangan ikwento 'uli sa akin eh nandoon din naman ako at napanood ko rin kung ano ang napanood niya. Ang bagal tuloy namin maglakad.
Papunta na sana kami ng parking lot ng tumigil s'ya sa paglalakad. Kunot ang noo na tiningnan ko s'ya kung bakit.
"Wait lang Asia, may nakalimutan lang akong ibigay kay Mitchell," sabi n'ya, "Mauna ka ng umuwi."
Nagmamadali na s'yang umalis at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.
"Badtrip! Iwanan daw ba ako pagkatapos magpasama sa panunuod," naiinis na bulong ko habang naglalakad papunta kung saan ako naka-park.
Sumakay ako ng kotse ko at binuhay ang makina para umalis na sana pero naisip ko na sundan si Irene kaya bumaba ako ng kotse ko at naglakad papunta sa shower room ng mga player.
Pagdating ko doon ay tahimik na ang paligid, parang wala ng tao na natitira roon kay nagpalinga-linga ako para hanapin si Irene.
"Saan na ba nagpunta ang bruha na 'yun?" bulong ko habang papasok ako mismo sa shower room ng mga player. Dahan-dahan lang ako dahil baka may tao pa sa loob at makaabala pa ako.
Pagpasok ko sa loob inisa-isa ko ang bawat cubicle para tingnan kung nandoon si Irene pero malapit na ako sa pinakahuling cubicle ay hindi ko pa rin nakikita si Irene. Balak ko na sanang umalis sa lugar na iyon ng makarinig ako ng ingay mula sa huling cubicle.
Para iyong daing na hindi ko maintindihan kung iyak ba o ano. Med'yo nakaramdam pa ako ng kilabot dahil ako lang ang tao rito at naisip ko na baka may multo.
"Tangina ka Irene, mapapatay kita!" inis kong bulong habang dahan-dahan na lumalapit sa pinanggagalingan ng ingay.
Pikit ang isang mata na sumilip ako sa loob para lang mapamulaga dahil sa nakikita ko.
Walang multo roon, ang nakita ko ay si Irene habang nakataas ang isang paa sa bowl at nakakabukaka, wala na s'yang suot na palda habang si Mariano ay nakatapis lang ng tuwalya sa katawan na nakaluhod sa harapan ni Irene habang dinilaan ang maselang parte ng katawan nito.
At ang ingay na naririnig ko ay likha ni Irene dahil sa ginagawa sa kanya ni Mariano.
Hindi iyon iyak dahil mukhang sarap na sarap s'ya sa ginagawa sa kan'ya habang nakapikit at nakasabunot sa buhok ni Mariano.
Dahan-dahan akong naglakad paalis sa lugar na iyon. Pinilit ko na hindi makagawa ng kahit anong ingay na p'wede nilang marinig.
Nang makaalis ako ng tahimik sa shower room ay parang nakahinga ako ng maluwag.
"T*ngina!" mahinang mura ko dito sa court. Iyon pala ang pasakalye ni Irene palagi na napapansin ko.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi noon ni Irish about sa binyag ni Irene. Natawa ako ng mapakla.
"So ito pala ang binyag n'ya, si Mariano ang nakauna sa kanya," bulong ko.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa nakita ko at nalaman ko. Nakakalito!