"Ay kalabaw!" sigaw ko.
Nagulat kasi ako sa malakas na busina ng sasakyan habang nagpupunas ng alikabok sa ibabaw aking sapatos.
Sapo-sapo ang aking dibdib na nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang walang modo na binusinahan ako.
"Lintik talagang babae na 'to," bulong ko nang makita na kotse pala ni Cath ang may gawa, tapos kita ko rin na tawa s'ya nang tawa sa loob ng kotse n'ya dahil sa naging reaksyon ko.
Binuksan ko ang kotse n'ya at sumakay sa loob. Pagkaupo ko ay hinampas ko s'ya sa balikat.
"Badtrip ka ang aga-aga! Gusto mo yata akong patayin!" naiinis na sabi ko.
"Patayin agad, para bumusina lang. Kung gusto kitang patayin sana sinagasaan na lang kita," tatawa-tawa pa rin na sagot n'ya sa akin.
Inirapan ko lang s'ya. Nakakainis!
"Bakit mo ko sinundo?" tanong ko. Umaandar na ang kotse n'ya.
"Sino bang may sabi na sinusundo kita? Dumaan lang naman ako rito, tapos bigla ka na lang sumakay," sagot n'ya sa akin.
"Itabi mo at bababa ako," sabi ko. Hinawakan ko na ang bukasan ng pinto ng kotse n'ya. "Itabi mo sabi."
"Para kang tanga. Binibiro ka lang, init ng ulo mo," napapailing na sabi niya sa akin.
"Nagbibiro lang din ako," sagot ko sabay tawa.
"Baliw!" sabi n'ya, "Kamusta naman?"
Sumulyap ako sa kanya saglit. "Kamusta naman, alin?"
"Ikaw, kamusta ka? Kamusta ang pakiramdam ng nagsuko ng bataan?" tanong n'ya sabay halakhak.
"Hoy mahiya ka naman! Hindi ako nagsuko ng bataan!" defensive na sagot ko dahil hindi naman talaga ako nagsuko ng bataan.
"Hindi? Weh? Ano lang ginawa n'yo pala?" tanong n'ya na sinulyapan ako saglit.
"Bakit mo ba tinatanong?" sabi ko. Ayokong magk'wento, nahihiya ako. At saka hindi naman ako kiss and tell.
Huminto ang sinasakyan namin dahil nandito na kami sa university. Bababa na sana ako pero hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse.
"Pa-unlock," sabi ko sabay turo sa gilid ko.
Umiling s'ya sa akin habang nakangisi. "Nope. Hindi ka baba rito hanggat hindi mo kinukwento sa akin kung ano ang ginawa n'yo ni Irene."
"Bubuksan mo o bibigwasan kita?" matapang na sabi ko na parang kaya ko talagang gawin iyon sa kanya.
Susko! Ipis nga nakokonsensya pa akong patayin, manakit pa ba?
"Sige nga, saktan mo nga ako?" hamon n'ya sa akin.
Ugh! Ang daya porke't alam n'ya na hindi ko kaya.
"Eeehh! Ang chismosa mo!" sabi ko at humalukipkip. "Ano ba kasing gusto mong malaman? Dalian mo at baka ma-late na tayong g*go ka!"
"Gusto kong malaman kung anong pakiramdam mo noong kumakain ka ng tahong ni Irene? Anong lasa?" nakangising sabi n'ya sa akin.
Binalikan ko 'yung pakiramdam ko ng araw na 'yun. Napangiti ako sabay kagat ng hintuturo ko. "Maserep pala 'yun. Masabaw."
Sukat sa sinabi ko ay humalakhak siya. Napahampas pa talaga s'ya sa manobela ng kotse n'ya.
"So, gusto mo pang kumain 'uli?" tanong n'ya ng kumalma sa pagtawa.
Tumango ako ng nakangiti. Syempre naman gusto ko pa, basta kasing bango at sarap ng kay Irene, willing akong araw-arawin.
Kaya naman pala adik na adik siya sa ganun, masarap naman pala talaga. Nakakaadik nga talaga.
"Yes, basta ba may willing magpakain," sagot ko.
Tumango siya habang nakangiti. "Ikaw, nagpakain ka rin ba?"
Napakamot ako sa kilay ko, bago tumango. "Oo nagpakain ako, okay na? Tara na at malapit ng mag-bell."
Wala naman sana akong balak umamin kaso, knowing her, hindi rin naman niya ako tatantanan.
"Iyon naman pala. Hahaha!" sabi n'ya, "Anong pakiramdam? Masarap bang kumain si Irene?"
Tumango ako habang nagpipigil mapangiti. Masarap kumain si Irene, na-enjoy ko talaga.
"Ayiee! Ang landi mong g*ga ka!" tumatawa na sabi n'ya. Binuksan n'ya na ang lock ng pinto ng kotse n'ya kaya bumaba na ako.
"Bye na! Una na ako sa'yo, male-late na ako," nag-wave lang ako sa kanya at nagmamadali ng naglakad papunta sa building namin.
Pagdating ko sa classroom halos lahat ay nakaupo na sa kanilang mga silya, nandoon na rin si Anastasia sa upuan n'ya at parang malalim na naman ang iniisip.
Naglakad ako palapit sa p'westo n'ya dahil magkatabi kami ng upuan.
"Excuse me," tawag ko sa pansin ni Anastasia dahil dadaan ako, masasagi ko ang tuhod n'ya.
Tumingin s'ya sa akin na parang lutang bago walang salita na iniisod ang tuhod.
Naupo na ako sa upuan ko. Pinakikiramdaman ko s'ya habang tinitingnan ko sa peripheral vision ko.
Parang ang lalim ng iniisip n'ya talaga tapos panay pa ang buntonghininga n'ya. Kahapon pa s'yang gan'yan, muntik pa nga s'yang malaglag sa escalator kahapon, mabuti na lang at nakita ko s'ya agad kaya dali-dali akong humabol para hindi s'ya malaglag.
Habang nakikinig ako sa sinasabi ni Ms. Alvarez sa unuhan wala sa kanya ang buong focus ko. Nako-concious ako dahil ramdam ko na may nakatingin sa akin kanina pa at alam ko kung sino ang salarin.
Humarap ako sa gawi ni Anastasia para hulihin s'ya sa pagkakatitig n'ya sa akin pero mali ang timing ko dahil pagharap ko halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya agad akong napaatras at ganun din s'ya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nagkatinginan kami at sabay na nag-iwas ng tingin.
"Ano bang meron? Ang weird, parang may tensyon na kakaiba," sabi ko sa isip-isip ko.
Natapos ang klase namin na wala akong naintindihan masyado.
Dali-dali na lumabas ang mga kaklase namin, nag-uunahan pa nga ang iba kaya hindi pa ako tumatayo. Ayokong makipagsiksikan sa kanila na parang mga bata. Napatingin ako sa katabi ko, parang ganun din s'ya dahil nakaupo pa rin s'ya at hinihintay na makalabas lahat ang kaklase namin.
Nagkibit ako ng balikat, may something din pala kami na common.
Tumayo na ako nang makalabas silang lahat. Nilampasan ko si Anastasia na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin at parang wala yatang balak na tumayo para umalis.
Nasa gitna na ako ng pathway ng lumingon ako para tingnan kung nasa likuran ko na ba si Anastasia pero wala pa rin.
Napakamot ako sa ulo ko bago bumalik sa classroom na pinanggalingan ko kanina.
Nakita ko s'ya na nakaupo pa rin at nakapikit.
"Aish! Ano bang problema n'ya at ganyan siya?" bulong ko bago pumasok sa loob para lapitan s'ya.
Mukhang hindi n'ya ramdam ang presensya ko dahil hindi pa rin s'ya nagmumulat ng mga mata.
Ang amo ng mukha n'ya kapag ganitong nakapikit s'ya, lalo s'yang gumaganda. Ipinilig-pilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko.
Luh?! Saan nanggaling ang pagpuri ko na 'yun?
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya para tingnan s'ya ng maige. Iniisip ko kung tulog ba s'ya o ano.
"Ay kabayo!" Napaupo ako sa gulat ng bigla na lang s'yang magmulat ng mga mata.
"Anong ginagawa mo?" tanong n'ya sa akin, "Balak mo ba akong halikan?"
Ano raw? Tama ba ako ng dinig? Halikan daw s'ya.
"Kapal mo. Tinitingnan ko lang kung tulog ka ba," sagot ko.
"Tinitingnan mo kung tulog ako tapos kapag sigurado ka ng tulog ako ay saka mo ako hahalikan ganun ba?" sabi n'ya habang isinusukbit sa balikat ang bag.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko at naglakad na palabas. Badtrip! Ako na nga ang concern, na pagbintangan pa.
"Saan ka pupunta?" tanong n'ya, "Bumalik ka na lang nga hindi mo pa ako hihintayin."
Huminto ako at lumingon sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Ang gulo n'ya. Para s'yang bolbol!" sabi ko sa isipan ko habang hinihintay s'ya na makalapit sa akin.
Tahimik kaming naglakad papunta sa second class namin. Pagpasok namin sa loob, lahat nakatingin sa amin ng may pagtataka sa mga mukha nila. Sabagay hindi ko naman sila masisisi dahil nakikita naman nila na palagi kaming magkaaway ng babae na 'to tapos ngayon sabay kaming pumasok.
Parang gusto nilang magtanong sa amin pero hindi na nila nagawa dahil dumating na ang aming teacher.
Nakinig ako sa discussion tapos paminsan-minsan ay sumusulyap ng pasimple sa katabi ko na si Anastasia.
Hindi ko alam pero parang may nagbago sa pagitan namin dalawa.
"Tara na," sabi n'ya. Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung sino ba ang kausap n'ya.
"Para kang tanga. Sino bang tinitingnan mo d'yan, eh tayo na lang ang nandito?" sabi n'ya bago tumayo.
Napakunot ako ng noo. So ako pala ang kausap n'ya at inaaya. "Saan ba tayo pupunta?"
"Sa canteen, malamang. Lunch time na Mariano, gutom ka ba o ano? Wala ka sa sarili mo," sabi n'ya at naglakad na para lumabas.
"Sungit!" bubulong-bulong na sabi ko bago tumayo at naglakad na rin palabas.
Gaya kanina ay sabay kaming pumunta ng canteen. Pagdating doon nakita namin sina Cath, Irish at Irene na nakaupo na.
Parang mga tanga ang reaksyon nilang tatlo dahil nakanganga pa sila habang nakatingin sa amin ni Anastasia.
"What? Bakit ganyan itsura n'yo?" mataray na tanong ni Anastasia sa mga ito.
Sabay-sabay silang umiling habang nakangiti.
Tama si Anastasia mukha silang mga tanga today.
"Guys! May himala talaga," sabi ni Cath. Nakaupo na kami ni Anastasia sa upuan, magkatapat kami ng p'westo.
"Oo nga. Naniniwala na talaga ako sa himala," segunda naman ni Irish.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa, puro sila kalokohan.
"Hi Mitchell," bati sa akin ni Irene, sabay pisil ng hita ko. Sh*t! Parang nakuryente ako sa kamay n'ya.
Mukhang tama nga ang kasabihan na malakas ang epekto ng taong nakauna sa'yo.
"Hi," sagot ko na nakangiti ng bahagya sa kanya.
"Sinong o-order ng pagkain natin?" nakataas ang kilay na tanong ni Anastasia habang nakatingin sa akin.
Luh?! Beast mode na naman.
"Kami na lang ni Irish," sagot ni Cath, "Ano bang kakainin ninyo?"
"Kanin, fried chicken, salad at juice lang sa akin," sagot ni Anastasia. Kumuha s'ya ng pera at inabot iyon kay Cath.
"Ikaw bespren, anong gusto mong kainin bukod sa pagkain sa tabi mo?" sabi n'ya sabay hagalpak ng tawa kasama si Irish.
Mga buang ang mga hinayupak!
"Kahit ano na lang, ikaw na ang bahala," nakasimangot na sagot ko.
"Okay," sagot n'ya sa akin, "Ikaw Irene, anong gusto mong kainin bukod kay Mitchell?"
Nagtawanan na naman sila ni Irish pagkatapos sabihin iyon.
Kakainis! Nakakahiya! Napatingin ako kay Anastasia na nakakunot ang noo ngayon na parang hindi maintindihan ang pinag-uusapan namin lahat.
"Kung p'wede nga lang kainin dito si Mitch gagawin ko, s'ya pa lang busog na busog na ako," sagot ni Irene pero sa akin nakatingin at may pagkagat pa ng labi. Torture!
Nagkatawanan na naman sina Cath at Irish at may pag-high five pang nalalaman.
Feeling ko ang init ng buong mukha ko dahil sa kanila. Sarap nilang pagbuhulin lahat.
"O-order pa ba kayo o hindi na?" mataray na tanong ni Anastasia kina Cath habang naka-crossed arms.
"O-order na nga po Madam," sagot ni Cath at hinila na si Irish para bumili ng pagkain namin.
"Ano bang meron sa inyong dalawa?" nakataas ang kilay na tanong ni Anastasia. Palipat- lipat ang tingin n'ya sa amin ni Irene.
"What do you mean sa anong meron Asia?" tanong ni Irene pabalik.
"Para kasing may something sa inyo na ako lang ang walang alam," sagot ni Anastasia.
Tahimik lang ako na nakaupo sa tabi ni Irene. Napatingin ako sa ilalim ng lamesa dahil gumalaw ang mga hita n'ya, nagde-kwatro s'ya ng upo kaya med'yo mas lumilis ang palda n'ya at mas ma-expose ang mga hita n'ya sa akin.
"Walang something sa amin ni Mitchell," sabi ni Irene kay Anastasia bago bumaling sa akin, "Hindi ba Mitch?"
Pagkasabi n'ya sa akin ng salitang 'yun ay inilagay na naman n'ya ang kamay n'ya sa hita ko. Akala ko patong lang ng kamay ang gagawin n'ya pero hindi pala dahil dahan-dahan humaplos iyon pataas.
"O-oo wala nga," sabi ko at pilit ngumiti sabay pigil sa kamay ni Irene. Putik na babae na 'to, napaka-wild walang patawad kahit nasa school canteen kami.
"Talaga lang ba? Kaya pala pinagpapawisan ka," sagot ni Anatasia sa akin habang nakatingin sa akin ng seryoso.
"Mainit kasi," sagot ko sabay paypay ng palad ko sa tapat ng pisngi ko.
Anak naman ng pitong baka! Bakit ba feeling ko may ginagawa akong masama sa way ng pagtingin n'ya sa akin. Tsk!