Chapter 12: Anastasia

2002 Words
Nandito ako sa canteen at umiinom ng kape. May pagkain din ako sa lamesa pero hindi ko pa nakukuhaan kahit konti. Hinihintay ko kasi sina Irish at Irene na dumating. Masyado yata akong napaaga dahil naunahan ko pa 'yung dalawang 'yun na usually ay mas maaga sa akin. "Hi Asia, kanina ka pa ba?" tanong sa akin ni Irish, nang dumating s'ya bago bumeso sa akin. "Hindi naman masyado. Order ka na ng may kasabay na akong kumain," nakangiti na sagot ko. Tumango s'ya sa akin bago pumunta sa counter para bumili ng almusal n'ya. "D'yaran! Kain na tayo," ngiting-ngiti na sabi niya nang makabalik sa table namin dala ang pagkain n'ya. Masaya ang loka dahil hindi s'ya pumila ng matagal. Paano ba naman kasi pinauna na s'ya ng halos lahat ng studyante na nakakakilala sa kanya, kahit nga yata hindi s'ya kilala ay pinauna s'ya. Iba na talaga kapag maganda ka. "Ginamit mo na naman ang charm mo," nakangiti kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng pancake sa plato ko at nagsimula ng kumain. "Charm ka d'yan, hindi ko pa nga nagagamit kanina," sagot n'ya at kumagat sa hotdog na binili niya. "Yabang! Mas maganda pa rin ako sa inyo ni Irene," may kayabangan na sabi ko. Totoo naman 'yun sa aming tatlo ako ang pinakamaganda. "Masyado pang maaga para magkabagyo Anastasia," natatawa na sabi n'ya sa akin. Hinampas ko s'ya sa braso hindi dahil sa sinabi n'yang about sa bagyo, kun'di dahil binanggit n'ya ng buo ang pangalan ko. Ugh! Ang bantot talagang pakinggan para sa akin. Nagkukulitan kami ni Irish, nanh may pumasok sa canteen. Hindi ko alam kung bakit pero parehas kaming napatingin ni Irish sa mga pumasok, ay hindi pala, halos pala lahat napatingin sa dalawang babae na pumasok sa canteen na walang iba kun'di sina Irene at Mariano. Nagkatinginan kami ni Irish bago muling ibinalik sa dalawa ang pansin namin. "Good morning guys!" masiglang bati sa amin ni Irene, bago bumeso sa amin ni Irish. Si Mariano ay ngumiti lang kay Irish, tapos ng mapatapat sa akin ay kilay lang ang ginamit na pambati. Hindi naman mataray na kilay, 'yung kilay lang na parang panghalili sa tango na pagbati. Ay! Basta ganun n'ya ako binati. "Bakit magkasabay kayong pumasok?" hindi ko napigilang itanong dahil mukhang wala naman balak magtanong ni Irish. "Mamaya na Asia, order muna ako ng food namin ni Mitch," sa halip ay sagot n'ya sa akin. Ibinaba n'ya ang bag n'ya sa tabi ng bag ni Irish. Ngumiti s'ya kay Mariano, ng ubod ng tamis bago pumunta sa counter. "Upo ka na Mitchell," sabi ni Irish. Naupo naman si Mariano, magkatapat kaming dalawa ng upuan kaya napagmasdan ko ang mukha n'ya. Parang may kakaiba sa mukha n'ya na hindi ko ma-explain kung ano. "Ang bilis ko, 'di ba?" tatawa-tawa na sabi ni Irene, nang makabalik sa table namin dala ang tray ng pagkain nila ni Mariano. Isa-isang inilgay ni Irene ang mga pagkain sa harapan ni Mariano. "Kain na sweetie," sabi niya dahilan para maibuga ko ang iniinom ko na kape. Gross! Lahat sila ay napatingin sa akin dahil doon, kaya dali-dali akong nagpunas ng labi ko gamit ang panyo. "Sorry, nagulat lang ako. Bakit sweetie?" nakakunot na tanong ko sa kanya. "Secret!" sabi n'ya ng nakangiti. Napasimangot na lang ako sa sagot n'ya sa akin bago napasulyap kay Irish . Isang kibit balikat lang ang sagot n'ya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at tinuloy ko na ang pagkain ko. Habang kumakain napapasulyap ako kina Mariano at Irene. Parang may something between them na hindi ko alam. Kung paano sila magtinginan at magngitian parang may kakaiba talaga. "Hello people!" masiglang bati ni Cath sa amin. Nakipag-brofist s'ya kay Irish at ganun din kay Irene. Naupo s'ya sa katabi kong upuan. "Kamusta naman ang mga bulaklak na nadiligan?" Pagkatapos sabihin ni Cath iyon, nagkandasamid si Mariano sa iniinom na tubig. Tinapik-tapik ni Irene ang likuran ni Mariano habang nangingiti. "Okay ka lang bespren?" natatawa na tanong ni Cath kay Mariano. Nag-sign lang si Mariano sa kamay ng f*ck you kay Cath habang masama ang tingin sa kaibigan. "Tayo na, at baka mag-away pa kayong magkaibigan," sabi ni Irish. Tumayo na kaming lahat, para pumunta sa aming mga klase malapit na kasi mag-bell. "Sweetie, sabay na lang kayo ni Asia, male-late na ako kung sasamahan pa kita sa classroom n'yo," sabi ni Irene kay Mariano na namumula ang pisngi. Tumango lang s'ya sa sinabi ni Irene. Sobrang curious ko na sa nagaganap. Like what the hell? Ano bang meron? Bakit ako lang ang parang walang alam sa kaganapan dahil si Cath, ngiting-ngiti habang nakatingin sa kaibigan n'ya, tapos si Irish ay napapailing na lang pero nakangiti rin. Nagpaalam na kami sa isat-isa bago kami sabay na naglakad ni Mariano papunta sa building namin. "Ano bang meron sa in'yo ni Irene," hindi ko mapigilan itanong sa kanya. Sumulyap s'ya sa akin tapos napakamot ng kilay. "Wala," sabi n'ya. Tss! Wala daw pero namumula naman ang mukha n'ya. "Lier___" hindi ko na natapos ang sasabihin ko pa sana ng bigla n'ya akong hilahin sa braso palapit sa kan'ya dahilan para mapayakap ako sa kanya ng wala sa oras. "Hoy, hindi lang kayo ang naglalakad, konting ingat naman!" sigaw n'ya pero hindi ko alam kung kanino. Natulala lang ako sa nangyari pero mas natulala ako sa p'westo namin dalawa. "Okay ka lang ba?" tanong n'ya sa akin at inilayo ako ng bahagya sa katawan n'ya. "O-oo," nautal na sagot ko. Putik! Bakit ako nautal? At bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? "Tara na at baka ma-late na tayo," sabi na lang n'ya sa akin. Tumango lang ako at hindi sumagot. Pagdating namin sa classroom saktong tumunog na rin ang bell kaya kakaupo pa lang namin ay dumating na rin si Ms. Alvarez, ang teacher namin sa Business Law. Nagsimula na ang klase pero parang lutang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit panay ang sulyap ko kay Mariano. "Mamaya ka pa ba?" tanong n'ya sa akin. Nakatayo na s'ya malapit sa may pinto. "Ha?" wala sa sarili na tanong ko sa kanya. "Sabi ko, kung mamaya ka pa ba aalis dito? Tapos na ang klase natin," sabi n'ya kaya napatingin ako sa paligid ko. Wala na palang tao sa loob kun'di kami lang dalawa. Dali-dali akong tumayo at binitbit ang bag ko. Sabay 'uli kaming naglakad papunta sa next class naming dalawa. Magkatabi pa rin kami ng upuan gaya sa unang klase namin. Nagsimula na ang klase namin at gaya kanina ay parang wala pa rin ako sa sarili, natatagpuan ko pa rin ang sarili ko na natutulala habang nakatingin kay Mariano. "May sasabihin ka ba?" mahinang tanong nya sa akin. Nakatalikod ang teacher namin at may sinusulat sa white board. Umiling ako. "Wala, bakit?" "Kanina ko pa kasing napapansin na tumitingin ka sa akin," sagot n'ya. Nakatingin s'ya sa akin ng seryoso. "Huwag kang assuming, Mariano. Hindi kita tinitingnan," sabi ko. Hindi ako aaminin na tinitingnan ko nga s'ya. "Okay," balewalang sagot n'ya sa akin at ibinalik ang focus sa teacher namin. Ganun din ang ginawa ko, pinilit kong mag-focus sa sinasabi sa amin pero hindi ko talaga magawa, pero at least kahit paano napigilan ko ang sarili ko na sumulyap kay Mariano. ____________________ "Bakit ikaw lang? Asan si Irene?" tanong ko kay Irish ng dumating s'ya rito sa mall. Nag-aya kasi ako sa kanilang dalawa at sinabi kong dito na lang kami magkita dahil mas nauna naman natapos ang klase ko. Hay! Speaking of klase, wala akong naintindihan kahit katiting ngayong araw na ito dahil lang sa letcheng aksidenteng pagkayakap ko kaninang umaga kay Mariano. Daig ko pa ang nakatira ng ipinagbabawal na gamot dahil lutang talaga ako sa buong maghapon. "May gagawin pa raw si Irene," sagot ni Irish, nang nakangiti sa akin. Naupo s'ya sa katapat ko na upuan. Nandito ako sa fast food chain ng Inasay, rito ko sinabing magkita kaming tatlo sa text ko kanina sa kanila. Nakapag-order na nga ako para sa aming tatlo pero hindi naman pala makakapunta ang babae na 'yun. "May gagawin? Ano naman?" nakakunot na tanong ko. Ano ba naman kaya ang gagawin n'ya at pinili n'ya na hindi pumunta? "Ewan ko, baka manliligaw," tatawa-tawa na sagot n'ya sa akin. "Manliligaw? Ano 'yun lalaki?" sabi ko. "Oo, binata na 'yun. May binyag na," natatawa pa rin sagot ni Irish sa akin bago sumubo ng pagkain n'ya. Pinalo ko s'ya ng kutsara sa noo. "Niloloko mo ba ako? Matagal na 'yung may binyag, pinagsasasabi mo?" "Aray naman," sabi n'ya at nag-pout. "Ibang binyag naman kasi ang sinasabi ko, hindi 'yung binyag natin sa religion." Lalo yata akong naguluhan sa sinabi ng bruha kong kaibigan. Ano pa bang binyag ang ibig niyang sabihin? "What? Hindi ko makuha," nakasimangot na sabi ko. Ginulo n'ya ang buhok ko. "Huwag mo ng alamin, bawal sa bata." Hinampas ko ang kamay n'ya. "Bata ka d'yan, magkasing-edad lang tayo." Hindi s'ya sumagot at tumawa lang sa sinabi ko, kaya sumimangot ako. Habang kumakain ay inisip ko kung ano ba ang ibig n'yang sabihin sa sinabi n'yang may binyag na si Irene. "Hindi na virgin si Irene?!" malakas na sabi ko dahilan para mapatingin sa amin 'yung iba pang kumakain. Nagyuko ako ng ulo dahil bigla akong nahiya. Kainis! "Bunganga mo naman Asia," amused na sabi niya sa akin. "Che! So ano nga? Tama ba ang sinabi ko hindi na virgin si Irene? Iyon ba ang tinutukoy mo sa binyag?" sunod-sunod na tanong ko. Tumango si Irish sa akin. "Kanino n'ya isinuko ang bataan?" "Ewan ko," nakangiti na sagot n'ya sabay kibit ng balikat. "Dali! Kanino nga?" pangungulit ko. Hindi ako naniniwala na hindi n'ya alam kung kanino ibinigay ni Irene ang sarili. "Hindi ko nga alam Asia, and beside kahit pa alam ko wala ako sa posisyon para sabihin 'yun sa'yo kasi private life na 'yun ni Irene," sagot ni Irish. Hindi na ako nagpumilit pa. May point naman s'ya roon pero ang daya nilang dalawa, alam ko na alam ni Irish kung kanino ibinigay ni Irene ang sarili. Nakasimangot na ituloy ko ang pagkain ko. Hindi na ako nagsalita pa, nawala na ako sa mood. "Uwi na tayo," sabi ko. Kakalabas lang namin sa Inasay. "Salamat sa pagsama sa akin. Ingat ka pauwi." "Nagtatampo ka ba?" tanong ni Irish sa akin. Hawak n'ya ako sa magkabilang balikat ko. Hindi ako sumagot, nakasimangot lang ako. Huminga s'ya ng malalim. "Asia naman, kala ko naiintindihan mo ang point ko." Inalis ko ang kamay n'ya sa balikat ko. "Oo, naiintindihan ko pero naiinis talaga ako. Sige na, uwi ka na, bukas okay na ko." Naglakad na ako palayo sa kanya. Ramdam ko na nakasunod ang tingin n'ya sa akin pero hindi talaga ako lumingon. Nakakatampo kasi na tatlo kaming magkakaibigan tapos ako lang angmay hindi alam. Ano ako salingpusa?! Naglakad-lakad ako sa mall, wala naman akong bibilihin talaga, nag-uuli lang ako at baka sakaling may magustuhan at saka pampalipas na rin ng inis. Sumakay ako ng escalator dahil sa taas ko naman balak magtingin-tingin pero malas kasi nagkamali ako ng pag-apak sa hagdan. "Sh*t!" bulong ko at hinintay ang pagbagsak ko pababa dahil hindi na ako nakakapit sa hawakan, pero sa halip na sahig ang bagsakan ko ay malambot na katawan ang sumalo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, dahil malaking kahihiyan kung sakali na nahulog ako pababa. Tinulungan ako na tumayo ng ayos ng taong sumalo sa akin. "Salamat," sabi ko at humarap sa savior ko at ganun na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko ng makita kung sino ang taong nagligtas sa akin sa isang kahihiyan. "Ok ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili," sabi sa akin ni Mariano. Ewan ko kung tama ang basa ko sa mga mata n'ya, parang may pag-aalala roon. "O-oo, a-ayos lang. Salamat," nauutal na sagot ko sa kanya. Badtrip! Bakit ba ganito ako umakto sa harapan ngayon ni Mariano?! Nasisiraan na yata ako ng bait! Jusko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD