Chapter 27: Anastasia

2044 Words

"Pumunta ka sa bahay mamaya pagkatapos ng practice mo, sisimulan na natin ang ating project," ito ang laman ng text ko kay Mariano. Pagka-send ko ng text ko na 'yun ay inilapag ko ang aking cellphone sa ibabaw ng kama ko bago lumabas ng kwarto para puntahan si Yaya. Kanina pa kasi ako rito sa bahay. Nauna akong umuwi kay Mariano dahil hindi naman parehas lahat ng subject naming dalawa tapos mas hapon na s'ya nakakauwi dahil may practice game pa sila sa basketball. "Ya, may dadating akong bisita mamaya," sabi ko. Nandito na ako sa kusina at naghahanda na sina Manang kasama si Yaya ng lulutuin para sa hapunan namin para mamaya. "Sino hija?" tanong ni Yaya sa akin. Sumulyap s'ya sa akin saglit mula sa hinihiwa n'yang sibuyas. "Si Mariano po, kaya pakidagdagan na lang po ang pagkain natin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD