Chapter 26: Mitchell

2109 Words

"Nay, aalis na po ako," Humalik ako sa pisngi ni Inay bago ako naghikab. "Hindi ka kakain?" tanong ni Inay, "Antok na antok ka pa." Hindi agad ako nakatugon dahil naghikab 'uli ako. Antok na antok pa ako talaga tapos nakadagdag pa sa antok ko ang sipon ko. Wala na naman akong lagnat pero sipon naman ang pumalit. "Sa university na lang po ako kakain," sagot ko, "Nakakaantok po ang sipon, Nay." Sinalat ni Inay ang noo ko. "Wala ka naman ng lagnat, pagkakain mo mamaya, uminom ka 'uli ng gamot sa sipon, may dala ka ba?" "Opo, meron po akong dala Nay, sige po alis na ko," tumango si Inay sa akin kaya lumabas na ako ng bahay. Nag-aabang ako ng tricycle pero kagaya nang mga nakaraang araw may huminto na namang kotse sa harapan ko. "Tara na Mitch," sabi ni Irene nang ibaba n'ya ang bintana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD