"Anastasia, ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Mariano, "Ana, oi, ayos ka lang ba?" "H-ha? Oo, A-ayos lang," nauutal na sagot ko. "Sigurado ka ba? Natulala ka kasi bigla habang tinatapalan ang noo ko," sabi n'ya na pinagmamasdan ako ng mataman. Luh?! Imagination ko lang pala ang halik n'ya sa akin kanina! OMG! Ano na bang nangyayari sa akin talaga? Don't tell me, may gusto na ako kay Mariano! Kanina ninakawakan ko s'ya ng halik tapos ngayon, na-imagine ko na hinalikan n'ya ako! "May naalala lang ako," sagot ko at umayos ng upo. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. "Okay," sagot n'ya, "Uuwi na ako Anastasia." "Sige, hahatid kita," sagot ko na pilit ginawang normal ang tono. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot na uuwi na agad s'ya. "Huwag na, b'yahe na lang ako