Nakasimangot akong naunang pumasok sa bahay namin. Naiinis ako sa nakita ko kanina sa ginawa ni Irene na paghalik kay Mariano. Kung noon kaya ako naiinis sa kanila kapag PDA sila masyado dahil naiinis ako kay Mariano, ngayon ay hindi iyon ang dahilan. Kay Irene na ako naiinis, ngayon. Meron sa aking pakiramdam na ayoko na masyado s'yang malapit kay Mariano. Hayst! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Nandito na pala kayo. Kamusta ang outing n'yo?" salubong sa amin ni Yaya nang pumasok kami sa loob ng bahay. "Ayos lang po Ya," sagot ko at deretso na naupo sa couch. Naupo rin si Irish at Irene sa tabi ko. "Nag-dinner na ba kayo?" tanong sa amin ni Yaya. Sumagot sina Irish at Irene, pero ako ay hindi. Nakapikit lang ako dahil nawala talaga ako sa mood. "Asia, okay ka lang?" ta