"Mitch, gising na," nakaramdam ako ng pag-tapik sa pisngi ko. "Mitch… sweetie." Iminulat ko ang mata ko habang nag-iinat at bumungad sa akin ang mukha ni Irene na nakangiti habang nakatingin sa akin. "Anong oras na ba?" tanong ko. Luminga ako sa paligid, pero kami lang ang nandito sa kwarto. "Nasaan ang iba?" "Nasa cottage na sila, kakain muna raw tayo bago umuwi pabalik sa Manila," sagot n'ya. Tumango ako at bumangon sa kama, kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table para tingnan kung anong oras na dahil hindi naman niya ako sinagot. Alas tres na pala ng hapon. Aabutin kami nito ng gabi sa byahe. "Tara na, baka tayo na lang hinihintay roon," sabi ko at tumayo. Kumapit sa braso ko si Irene palabas ng kwarto namin papunta sa cottage kung saan kami kakain. "Iyon oh, nandito