Chapter 16: Anastasia

2076 Words
"Hello guys, good morning sa in'yo," bati ni Irene, nang dumating sila at lumapit sa table namin. Tumingin ako sa dalawa, si Irene at Mariano, na sabay na naman dumating ngayon dito sa university. Pangalawang araw na ngayon na lagi silang dumadating ng sabay tapos mukhang puyat at pagod na naman. Napailing na lang ako bago sila inirapan pareho, specially si Mariano. Naiinis ako na hindi ko maintindihan dahil alam ko naman kung bakit ganan ang mga itsura nila. Tss! Ano sila mag-asawa para palaging gawin ang bagay na 'yun? Napasimangot ako dahil naalala ko na naman bigla ang nakita ko sa shower room nung nakaraang araw. Halos hindi yata ako nakatulog dahil doon, dahil sa t'wing ipipikit ko ang mga mata ko, iyong eksena nilang dalawa ang nakikita ko. Tinalo ko pa ang nakapanuod ng horror movie. "Puyat na naman kayo ah, fiesta na naman ba? Mukhang walang tulugan ang kainan n'yo ni bespren," sabi ni Cath kay Irene sabay sulyap kay Mariano na may nakakalokong ngiti. Sinimangutan lang s'ya ni Mariano habang si Irene ay abot tenga ang ngiti. Badtrip! Hindi ko alam na ganito kalibog ang kaibigan ko tapos sa babae pa talaga? Don't get me wrong, hindi ako against sa LGBT, hindi ko lang maintindihan. Hayst! Bahala nga sila. "Anong kakainin n'yo?" tanong naman ni Irish. Wala s'yang derektang sinabi pero 'yung ngiti at kislap ng mga mata n'ya alam kong nanunukso rin iyon. "Wala, kumain na kami ni Mitchell," sagot ni Irene kay Irish, kaya nagkatawanan sila ni Cath bago nag-high five. Mukha silang mga buang. "Kape lang sa akin." Napatigil sila dahil sa pagsasalita ko. Mabuti naman dahil hindi ako natutuwa ngayon. Umalis sina Cath at Irish para bumuli ng pagkain nila. Gaya ng palaging nangyayari mabilis lang silang nakakabalik sa table namin dahil palagi silang pinapauna sa pila ng iba. Ininom ko ang kape ko habang napapasulyap sa p'westo nina Mariano kaya nakakaramdam ako ng irita dahil sa nakikita ko. Wala ng ginawa si Irene kung hindi ang himasin ang braso ni Mariano. Tumayo na ako dahil naiirita talaga ako sa nakikita ko. Hindi ko lang alam kung bakit, basta ang sakit nila sa mata. "Saan ka pupunta?" tanong ni Irish sa akin. "Mauuna na ako sa classroom, may nakalimutan pala akong gawing assignment," pagsisinungaling ko na sagot. Hindi ko naman kasi p'wedeng sabihin na naiirita ako sa nakikita ko. Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tumalikod na ako para umalis. Nasa kalagitnaan na ako ng canteen ng marinig ko si Mariano na nagpaalam din na mauuna. "Wait lang!" dinig kong sigaw ni Mariano. Hindi ko alam kung sino ba ang tinatawag n'ya kaya hindi ako lumilingon, isa pa wala akong pakialam. Bahala s'ya sa buhay niya. "Wait lang sabi," biglang may humawak sa braso ko kaya nagulat ako dahilan para matapapilok ang paa ko. "Punyeta ang sakit!" impit kong sigaw. "Ay sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ni Mariano at hinawakan ang paa ko. "Lintik ka talaga! Bwiset ka talaga sa buhay ko!" inis na inis na sabi ko at binawi ang paa ko na hawak n'ya. Naglakad na ako papunta sa building namin ng med'yo hingkay. Ang sakit pa kasi. Sarap talaga n'yang sipain. "Ang sungit, hindi ko naman sinadya," dinig kong binubulong-bulong n'ya. Hindi ko s'ya pinansin at deretso lang akong naglakad hanggang makarating sa classroom namin. "Ahhhhhh," pabagsak akong naupo sa upuan ko ng makarating ako. Para oasis ang silya ko ngayon sa gitna ng desyerto. Crema de puta ang sakit ng paa ko. Ang sarap patayin ni Mariano! "Samahan kita sa clinic," sabi n'ya sa akin. "Ayoko! Ayokong kasama ka!" mataray na sagot ko sa kan'ya. Puro kapahamakan ang dala n'ya sa akin, daig pa n'ya ang may balat sa pwet. "Di 'wag! Arte mo! Ako na nga ang nagmamagandang loob na samahan ka," mataray na sagot n'ya sa akin. Ang kapal n'ya para tarayan ako! Bwisit talaga s'ya! "Ako pa ngayon ang maarte? Eh kung hindi ka ba naman kasi t*nga, hindi ka sana basta ng hahawak ng braso ng may braso!" sigaw ko na. Inuubos na talaga n'ya ang pasensya ko. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin at 'yung iba pa nga ay nakapalibot sa amin. "Mas t*nga kang lampa ka!" ganti n'ya sa akin. Sasagot na sana ako pero hindi natuloy dahil dumating na si Ms. Alvarez. "Anong meron d'yan?" tanong ni Ma'am pagpasok n'ya kaya kan'ya-kan'yang upo ang mga kaklase namin. Naglakad si Ms. Alvarez sa p'westo namin para tingnan kung anong meron. "Ano na namang problema n'yong dalawa?" tanong ni Ma'am. Alam n'ya kasi na hindi talaga kami magkasundo ni Mariano, na palagi kaming nagbabangayan kahit nasa klase n'ya pa kami. "Wala po," sagot ko, samantalang si Mariano ay umiling lang. "Anong wala? Uulitin ko, anong meron na naman dito?" nakataas ang kilay n'ya na tiningnan kami pareho. "Inaaya ko lang po si Anastasia sa clinic, pero s'ya pa ang galit," sagot ni Mariano. Anak ng! College na kami pero bakit feeling ko parang high school pa rin kami at may sumbungan pa na nagaganap sa teacher. At ang walanghiyang Mariano na ito at ako pa ang gustong gawing masama! Tiningnan ako ni Ms. Alvarez na parang nagtatanong kung bakit ako pa ang galit kaya kahit ayokong magsumbong dahil para kaming bata ay nagsalita ako. "Paano po ako hindi magagalit, s'ya ang dahilan kung bakit masakit ngayon ang paa ko," sagot ko. "Hindi ko nga sinadya, hindi ka makaintindi!" inis na sabi ni Mariano. "Ikaw ang hindi makaintindi kasi tanga ka!" sabi ko na hindi papatalo. "Mas tanga ka!" "Ikaw ang tanga!" "Stop!" awat sa amin ni Ms. Alvarez, "Parang hindi n'yo ako kaharap ngayon kung magsabihan kayo ng tanga." Napayuko ang ulo namin pareho ni Mariano dahil sa sinabi ng teacher namin. Nakakahiya! Parang hindi na namin s'ya iginalang. "Sorry po," sabay na sabi naming dalawa. Huminga ng malalim si Ms. Alvarez na parang kinakalma ang sarili dahil sa sobrang iritasyon sa aming dalawa. "Anastasia, pumunta ka na muna sa clinic, mukhang namamaga na 'yang paa mo," sabi ni Ma'am sa akin, kaya tumango ako. "Mitchell, samahan mo si Anastasia, ako na bahalang mag-excuse sa in'yo sa next class n'yo. Aish! Bakit kailangan si Mariano pa ang sumama sa akin? P'wede naman kasing iba na lang. Naiirita ako sa mukha n'ya. Inalalayan ako ni Mariano na tumayo. Hindi ako makatanggi dahil sobrang sakit na ng paa ko kesa kanina at tama si Ma'am, mukhang namamaga na nga iyon dahil parang sumikip na sa suot kong sapatos. Nakayakap ang isang kamay ni Mariano sa bewang ko habang ako naman ay nakaakbay sa kan'ya. Kung hindi lang masakit ang paa ko ay hindi ko gagawin ang p'westo na 'to. Malay ko ba kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon, baka nga pinagnanasaan n'ya na ang katawan ko. "Anong nangyari?" tanong ng nurse at umalalay rin sa akin para iupo ako sa upuan. "Natapilok po," sagot ni Mariano. Naupo ang nurse at tiningnan ang paa ko. "Namamaga na. Ms., hihilahin ko ang paa mo para mas madali maalis ang pamamaga, medyo masakit nga lang ng konti," sabi n'ya sa akin, bago tumingin kay Mariano. "Pakihawakan lang para hindi s'ya magpumiglas." Tumango si Mariano, at hinawakan ako sa balikat. Bigla akong natakot kasi baka sobrang sakit dahil bakit kailangan pa ng may pipigil sa akin. "Aray!" sigaw ni Mariano, kaya napatingin sa kan'ya ang nurse na nakakunot ang noo dahil s'ya ang umaray at hindi ako. "Kinagat n'ya ako," naiiyak ang boses na sumbong n'ya sa nurse at ipinakita ang braso n'ya na may bakas ng kagat ko. Napangiwi ako dahil ang laki at ang pula ng kinagat ko. "Sorry, sobrang sakit kasi." Napangiti lang ang nurse at hindi nagsalita sa nangyari. Tumayo s'ya at kumuha ng benda at binalutan ang paa ko. "Huwag mo munang gagamitin 'yang paa mo para hindi mabantag o mas lumala, tapos bili ka ng gamot na 'to at inumin mo tatlong beses sa isang araw," sabi ng nurse at inabot sa akin ang reseta. "Sige po salamat," sabi ko. Ngumiti sa akin ang nurse at tumango. "Ipahinga mo muna 'yang paa mo kahit dalawang araw lang, bigyan na lang kita ng excuse letter." Tumango ako tapos iniisip ko kung paano ako uuwi? Hindi ako makakapagmaneho, tapos wala naman ang driver namin dahil day off n'ya ngayon. Inalalayan ako ni Mariano na tumayo. "May p'wede ka bang tawagan para sumundo sa'yo?" umiling ako. "Hatid na kita." Napakunot naman ang noo ko sa alok n'ya. "Bakit marunong ka ba mag-drive?" "Oo, hindi naman porke't mahirap ako ay hindi na ako marunong," sagot n'ya. Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng university. "Weh? Paano ka natututo eh, wala ka namang sasakyan?" "Basta marunong ako, hindi ko kailangang magkwento," sagot n'ya, "Papahatid ka ba o hindi?" Ang taray! Sipain ko s'ya paggaling ng paa ko makita n'ya. "Iyon ang kotse ko, ito ang susi," inabot ko ang susi na kinuha ko sa bulsa ko. Pinagbuksan n'ya ako ng kotse at tinulungan na maupo bago s'ya sumakay sa driver seat. "Address mo?" plain na tanong n'ya sa akin bago buhayin ang makina. Sinabi ko ang address ko sa kan'ya at agad n'yang minaobra ang kotse ko palabas sa university. Sa labas lang ako ng bintana nakatingin sa buong b'yahe namin. Ayoko s'yang tingnan dahil mukhang mainit ang ulo n'ya. Bahala s'ya! Pagdating sa bahay ay tinulungan n'ya akong bumaba sa kotse, kaagad naman tumulong si Yaya kay Mariano nang makita kami. "Ano bang nangyari?" tanong ni Yaya habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay. Iniupo nila ako sa couch, nilagyan ni Yaya ng throw pillow ang paa ko. "Natapilok po s'ya, pasensya na po," sagot ni Mariano kay Yaya. Sumulyap si Yaya sa akin na parang tinatanong ako pero hindi ako sumagot. "Hija, halika at uminom ka muna ng juice sa kusina," 'aya ni Yaya at hinila na si Mariano papunta sa kitchen. Huminga ako ng malalim nang makaalis sila. Ang malas ng araw na ito para sa akin. Badtrip! Kailangan ko pa tuloy umabsent ng dalawang araw dahil dito. "Aalis na raw ang kaibigan mo hija," sabi ni Yaya. Nagmulat ako ng mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Yaya. Isang simpleng tango lang ang ginawa ko kay Mariano, kaya napailing s'ya bago lumabas ng bahay namin. Sumunod si Yaya kay Mariano palabas, ewan ko kung bakit. "Hija, bakit naman hindi ka man lang nagpasalamat sa kanya?" tanong ni Yaya nang makabalik mula sa labas. Naupo s'ya sa paanan ko. "Bakit ako magpapasalamat Ya? Kung hindi naman dahil sa kanya hindi ako matatapilok at mapipilayan," sagot ko. Actually kaya hindi ako nagpasalamat kay Mariano dahil nahihiya rin ako sa way ng pagtrato ko sa kanya kanina ng hindi ako maniwala na marunong s'yang magmaneho. Para kasing nilait ko s'ya hindi nga lang directly. Badtrip naman kasi itong pride ko kaya 'yun, mas pinili ko na lang na dedmahin ang babae na 'yun. "Kahit na hija, nag-sorry naman yata sa'yo ang tao at baka naman hindi n'ya ginusto na mangyari sa'yo 'yang ganan," sabi ni Yaya kaya nakaramdam ako ng pagkakonsensya. "Gusto ko pong mahiga sa kwarto ko Ya," sa halip ay sagot ko. Ayaw ko ng pag-usapan si Mariano, dahil lalo lang akong makokonsenya kapag ganun. Napailing si Yaya sa akin pero inalalayan n'ya akong bumangon at tumayo. Naglakad kami paakyat sa hagdan ng dahan-dahan dahil ang hirap maglakad. Parang ang taas ng hagdan namin dahil ang tagal naming nakarating sa pinahuling baitang. Tinulungan akong mahiga ni Yaya sa kama pagkatapos ay nilagyan n'ya uli ng unan ang ilalim ng aking paa. "Thank you Ya," sabi ko. Ngumiti si Yaya sa akin bago lumabas ng kwarto ko. Napabuga ako ng hininga dahil nakokonsensya talaga ako. Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko. Tinawagan ko ang number ni Irish, na agad naman n'yang sinagot, kinuha ko ang number ni Cath. Pagkabigay na pagkabigay sa akin ni Irish ng number ni Cath ay pinutol ko na ang tawag namin para tawagan si Cath. Gaya ni Irish agad n'yang ibinigay ang number na hiningi ko kahit na nagtataka s'ya. I hang up agad ng makuha ko ang pakay ko. I compose a message to Mariano. Yes, number ni Mariano ang kinuha ko kay Cath. "Thank you sa paghatid and sorry," 'yan ang text ko sa kanya na dali-dali kong sinend dahil baka magbago pa ang isip ko. Nakakainis! Mahirap kapag isa kang demonyita na may konsensya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD