Chapter 17: Mitchell

2074 Words
"Hija, sandali," lumingon ako sa tumawag sa akin. Yaya pala ni Anastasia. "Bakit po?" nakangiti ng bahagya na tanong ko. "Salamat sa paghatid mo sa alaga ko," sabi n'ya bago kinuha ang kamay ko. "Pagpasensya mo na 'yan." Ibinuka ko ang palad ko para tingnan kung ano ba ang inilagay niya roon. "Hindi ko po ito matatanggap Ma'am, hindi naman ako tumulong para po makakuha ng bayad at isa pa po, medyo may kasalanan po talaga ako sa nangyari kay Anastasia," magalang na tanggi ko at iniaabot ko 'uli ang pera na inilagay n'ya sa kamay ko kanina. "Hindi iyan bayad hija. Nagpapasalamat ako sa'yo kaya binigyan kita ng pera para may pan-taxi ka at ng hindi ka na mahirapan pang bumiyahe," nakangiti na sagot n'ya sa akin, "kaya sige na, kunin mo na ito." Nag-aalangan na inilagay ko sa bulsa ang pera na bigay sa akin. "Salamat po." Ngumiti s'ya sa akin. "Ingat ka sa b'yahe." Tumango ako at ngumiti bago ako tumalikod para umalis na. Naglakad ako palabas ng subdivisions nina Anastasia. Pumara ako ng taxi ng may makita akong paparating. Sinabi ko na sa Hamburgh University ako pagkasakay ko sa loob. Nasa b'yahe na ako ng maramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng bulsa ng palda ko para tingnan kung sino ang nag-text sa akin. Napangiti ako pagkabasa ko sa text. Walang nakalagay na pangalan ng nag-text pero alam ko kung kanino 'yun galing, kay Anastasia. "Aba nga naman, akalain mo na marunong din palang magpasalamat at mag-sorry ang bruha na iyon," bulong ko habang nakatingin sa text ni Anastasia. Pagdating ko sa university, maglalakad na sana ako pabalik sa second class ko ng mapatingin ako sa relo ko. Lunch time na pala kaya sa canteen na lang ako dumeretso. "Oh bespren, bakit mukhang happy ka?" sabi sa akin ni Cath nang lumapit ako sa kanila nina Irene at Irish. Naupo ako sa bakante na upuan sa tabi ni Cath. Ayokong tumabi kay Irene at tiyak na mamanyakin na naman ako ng babae na 'yun. Dalawang araw na nga akong puyat dahil dalawang gabi na s'ya na sa bahay namin natutulog at sa dalawang gabi na 'yun, ilang beses na may nangyari sa aming dalawa. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ginagawa namin, actually masarap s'ya kaya hindi ako makatanggi pero kasi need ko rin matulog dahil hindi ako maka-focus sa discussion kapag inaantok ako. "Bakit mo naman nasabi?" tanong ko. Napatingin ako kay Irene na katapat ko ng upuan, nakasimangot siya habang nakatingin. Natatawa ako na nagbawi ng tingin sa kanya. "Wala naman, iba kasi ang ngiti mo ng pumasok ka rito sa canteen," kibit balikat n'yang sagot sa akin. "Anong order n'yo, kami na lang ulit ni Irish ang bibili." "Kahit ano na lang sa akin Cath," sagot ko, "salamat." Tumango s'ya sa akin bago bumaling kay Irene. "Ikaw, Irenapot?" "Che! Tigilan mo nga iyang paglalagay ng pot sa pangalan ko, nababantutan ako," nakasimangot na sabi niya kay Cath, na tinawanan lang nila ni Irish. "Barbeque at kanin lang sa akin at saka soft drinks." "Okay, maiwan na namin kayo," sabi ni Cath at sinulyapan kami pareho ni Irene, bago naglakad paalis kasama si Irish. Nakakailang hakbang pa lang yata ang dalawa ay bumalik sila sa table namin. "May nakalimutan pala kaming ipagbilin sa inyong dalawa." "Ano naman?" kunot ang noo na tanong ko, si Irene naman ay nakatingin lang at naghihintay ng sagot ni Cath. "Nakalimutan namin sabihin na, please lang igalang n'yo ang table natin, baka naman pati rito magkainan pa rin kayo," sabi ni Cath sabay tawa nilang dalawa ni Irish. "G*go!" sabi ko sabay taas ng daliri ko sa kanya. Daming alam! Hindi na lang um-order doon at kanina pa ako nagugutom. "Mitchell, kay Irene lang daw ang daliri mo na 'yan," sabi naman ni Irish, sabay tawa na naman nila ni Cath at nag-high five pa bago tuluyang iwanan kami. "Ang cute mo talaga Mitch. Noon curious lang ako sa ganun, pero ngayon dahil sa galing at sarap mo, baklang-bakla na ako sa'yo," sabi ni Irene sa akin. Natawa na lang ako sa kanya at napailing nang may bigla akong naramdaman sa gitna ng mga hita ko kaya napaigtad ako sa gulat. Sumilip ako sa ilalim ng lamesa at nakita ko ang paa ni Irene. "Hoy! Ano ba? Baka may makakita naman." "Wala, masyado silang busy para mapansin ang gagawin ko," sagot n'ya sa akin at muli na naman na pinagapang ang paa sa gitna ng mga hita ko. Napasinghap ako ng madali ng paa n'ya ang pinaka-sensitive na parte ng p********e ko. "Irene, ano ba? Tigilan mo na," mahinang bulong ko at pinigilan ang paa n'ya. Shuta naman kasi, nakaka-turn naman ang ginagawa n'ya! "Bakit ba? Hindi ba masarap?" tanong n'ya, "Sa in'yo 'uli ako matutulog mamaya ha?" "Na naman?! Huwag naman muna, pabawiin mo naman muna ako ng tulog," sabi ko. "Damot mo," nakangusong sabi n'ya sa akin tapos sabay bawi ng paa na pigil-pigil ko sa pang mamanyak sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na sina Cath dala ang mga pagkain namin. "Bakit mukhang sambakol ang mukha mo, Irene?" sabi ni Irish habang inilalagay sa harapan ni Irene ang pagkain n'ya. "Wala," sagot n'ya. Tumingin sa akin sina Cath at Irish na parang nagtatanong kung anong nangyari. Nagkibit balikat lang naman ako bago nagsimulang kumain, afritada ang binili para sa akin ni Cath. "Wait lang, bakit pala wala si Anastasia ngayon?" tanong bigla ni Cath. Nagkatinginan naman si Irene at Irish na parang ngayon lang nila napansin na wala si Anastasia. "Umuwi na sa bahay si Anastasia," sagot ko, "Na-injured kasi ang paa n'ya kaya need n'ya ipahinga ng dalawang araw." "Bakit? Napaano?" tanong ni Irish na nakakunot ang noo. "Natapilok s'ya habang naglalakad," sagot ko. "Wow! Updated. Bati na kayo?" nakakaloko na sabi ni Cath. Inirapan ko naman s'ya. "Malamang alam ko, classmates kami sa dalawang subject, 'di ba?" Hindi na sila sumagot sa sinabi ko. Bakit ba, tunay naman 'yung sinabi ko, 'yun nga lang kulang sa detalye dahil hindi ko sinabi na ako ang dahilan ng injury n'ya. "Guys ano kaya kung mag-outing tayo sa Saturday?" sabi ni Cath, out of the blue. Lahat kami ay nag-angat ng tingin sa kanya mula sa pagkain namin. "Saan naman?" tanong ni Irene. "Sa Batangas, madamin doong magagandang resort. What do you think? Kahit overnight lang tayo dahil may pasok na tayo sa Monday," sabi ni Cath, at tiningnan niya kami isa-isa. Hindi agad kami nakasagot. Wala naman akong balak talagang sumagot dahil magpapaalam pa ako kina Inay. "Sige, sige, gusto ko 'yan. Tayo lang lima?" sagot naman ni Irish. Tumango si Cath. "Oo, kayo na bahalang magsabi kay Anastasia." "Okay. Yey! Excited na ako agad, kami magkasama ni Mitch sa kwarto," sabi ni Irene na ang laki na ngayon ng ngiti. Napailing na lang ako. Mukhang mapapagod na naman ako sa araw na iyon, pero sige lang masarap naman kasi. Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na agad kami sa mga sunod naming klase. Mabilis lang naman ang oras at halos hindi ko namalayan na tapos na ang klase ko na panghapon. Wala naman kaming practice ngayon kaya pwede na akong umuwi. Palabas na ako ng building namin ng tumunog ang phone ko, nag-text si Cath, labas na rin daw s'ya at sabay na kaming umuwi. "Mukhang mananawa ka na naman sa tahong ni Irene sa Sabado bespren," natatawang sabi ni Cath sa akin. Sakay kami ng kotse n'ya pauwi sa bahay namin. Ngayon lang 'uli n'ya ako ihahatid dahil nga noong nakaraang araw ay si Irene ang kasabay ko pag-uwi at pagpasok. "Baliw! Masarap kaya, bakit ko naman pagsasawaan?" natatawa rin sagot ko. "Iyon naman! Ang takaw na rin n'ya sa tahong," sabi n'ya kaya napahalakhak kami pareho. "Magaling din ba si Irene kumain bespren? Kasi si Irene proud na proud sabihin sa akin kung gaano ka raw kagaling sa pagkain at pagkamay." Luh?! Pati naman 'yun sinasabi pa n'ya kay Cath. Ang daldal kaya ng babae na 'to baka mamaya may mapagsabihan na naman s'yang iba tapos may magpakain na naman sa akin na iba. "Pati 'yun sinasabi n'ya sa'yo?" sabi ko. "Oo, hindi naman detalyado masyado sinasabi n'ya lang na sobrang galing at sarap n'yo, kung saan n'yo ginawa o kung anong posisyon," sagot ni Cath sabay halakhak. Putik! Hindi pa ba 'yun detalyado para sa kanya. "Hayaan mo na bespren, sa akin lang naman nagsasabi si Irene ng details, kay Irish naman ay hindi, basta ang alam lang ni Irish ay may nangyayari sa inyo ni Irene," sabi pa n'ya. So alam din pala ni Irish, naisip ko tuloy si Anastasia bigla. Iniisip ko kung alam din n'ya ba ang namamagitan sa amin ni Irene. "Si Anastasia, alam n'ya ba?" tanong ko. "Hindi yata, bakit?" tanong n'ya na sinulyapan ako saglit bago muli nag-focus sa kalsada. "Wala naman," sagot ko. Mabuti na 'yun hindi alam ng babae na 'yun ang meron sa amin ni Irene, dahil baka kung ano na naman ang isipin n'ya sa akin. Huminto ang kotse ni Cath sa tapat ng bahay namin. Bumaba kami pareho at pumasok sa loob. "Nay, nandito na po ako kasama ko po si Cath," tawag ko ng wala akong makitang tao sa sala namin. "Magbihis ka muna at malapit na akong makaluto," sabi n'ya sa akin, "Dito ka ba matutulog ngayon Catherine?" "Opo Nay, rito po ako matutulog at makikikain," nakangiti na sagot ni Cath kay Inay. "Sige, akyat muna kayo at tatawagin ko kayo pagluto na," sabi ni Inay, bago s'ya bumalik sa kusina. Umakyat kami ni Cath sa k'warto ko. Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng mga pamalit namin. May mga damit si Cath dito sa cabinet ko dahil nga malimit s'yang matulog, tumambay at makikain dito sa amin. At home na at home kami sa bahay ng isat-isa dahil meron din akong mga damit sa kanila. "Palit ka na," sabi ko ng iabot sa kanya ang damit n'ya. "Talikod ka muna, baka makita mo katawan ko," sabi n'ya sa akin kaya napataas ang kilay ko. "Kumakain ka na kasi ngayon ng tahong, malay ko ba kung bigla mo na lang akong pagnasahan." Isang batok ang ibinigay ko sa kanya. Daming alam! "Aray naman," sabi n'ya sabay hagikhik. "Sira ulo ka kasi kung ano-ano sinasabi mo d'yan," nakangusong sabi ko, "Hindi kita pagnanasahan, ayoko sa bilasa na." "Ang yabang! Hoy! Malalaspag ka rin, si Irene pa, eh sarap na sarap sa'yo," sabi n'ya sa akin. "Lintik ka ang bunganga mo marinig ka pa ni Inay at ni Kuya," sabi ko. Nag-peace sign lang s'ya sa akin na nakangiti. "Maiba tayo bespren, anong meron sa in'yo ni Anastasia at kinuha n'ya sa akin ang number mo kanina?" tanong niya na nakatingin sa akin ng seryoso. Naupo ako sa kama paharap sa kan'ya. "Kinuha n'ya ang number ko?" Tumango si Cath sa akin. Naisip ko naman 'yung text ni Anastasia kanina. Kaya pala alam n'ya ang number ko dahil kinuha n'ya kay Cath. "Bakit meron s'yang number mo?" tanong ko. "Aba malay ko. Baka kinuha n'ya kay Irene o kay Irish. Hindi ko naman natanong sa dalawa kasi iniisip ko pa kung anong meron at number n'ya ang kinuha mo," sabi n'ya, "So ano ngang nangyari, anong meron at kinuha n'ya ang number mo?" "Wala, nag-text lang s'ya sa akin ng thank you at sorry," sagot ko. Nahiga ako sa kama na nakalawit pa rin ang paa sa sahig. "Thank you at sorry? Bakit? Ano na naman bang ginawa mo?" "Wala, ako kasi sinisisi n'ya kaya s'ya natapilok, na med'yo tama naman pero hindi ko naman kasi sinadya. Tapos hinatid ko s'ya sa bahay nila," kwento ko kay Cath. "Talaga? Aba bago 'yan ah, kelan pa 'yun natuto na mag-sorry sa'yo, 'di ba laging kumukulo ang dugo ng babae na 'yun kapag ikaw ang sangkot," sabi niya na parang nag-iisip din ng sagot n'ya sa sinabi n'ya. "Aba malay ko roon, nagulat nga rin ako." "Ingat ka bespren, baka mamaya kaya ganun sa'yo 'yun kasi crush ka n'ya tapos biglang mag-away si Irene at Anastasia dahil sa'yo. Nakz naman! Kapag nangyari 'yun ang haba ng buhok mo gurl," Tatawa-tawa na sabi niya. "Baliw! Malabo pa sa sabaw ng pusit na magkagusto sa akin ang babae na 'yun." sagot ko. Habang sinasabi ko 'yun kay Cath, meron akong nararamdaman na hindi ko ma-explain, parang bitterness na ewan. Hayst!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD