Chapter 18: Anastasia

2070 Words
"Asia!" sabay na sigaw ni Irish at Irene, kasabay nang bigla rin nilang pagpasok sa kwarto ko. Tsk! Hindi man lang kumatok, mga walang manners. Tinaasan ko sila ng kilay pareho. "Bakit kayo nandito?" "Wala, binibisita ka lang namin dahil nalaman namin kay Mitchell na umuwi ka raw dahil na injured 'yang paa mo," sagot ni Irish, bago tiningnan ang paa ko. "Okay, ngayon nakita n'yo na ako, pwede na kayong umalis," sabi ko sa dalawa kong kaibigan na kakaupo lang sa kama ko. "Sungit mo. Gusto mong gawin kong dalawa 'yang injury mo?" sabi ni Irene na nagpipigil ng ngiti. Sanay na naman sila sa katarayan ko. Sabi ko nga, sila lang ang nakatagal sa ugaling meron ako. "Subukan mo, at ng si Mitchell mo ang sunod kong balian ng paa," sagot ko. Napaawang naman ang bibig ni Irene dahil doon, habang si Irish ay napa-oh lang sa sinabi ko. "What? Akala mo hindi ko malalaman?" sabi ko. Tss! Nakakainis balak n'ya talagang hindi sabihin sa akin ang tungkol sa kanila ni Mariano. Ang daya! "Paano? Kelan mo pa nalaman?" maang na tanong sa akin ni Irene. Ngumisi ako. "Paano? Let's say na, nahuli ko kayo sa akto." "Akto?" tanong ni Irish "Sa akto ng ano?" tanong ni Irene na parang may hint na ng gusto kong sabihin, namumula kasi ang pisngi n'ya. "Nakita ko kayo habang nag-aano," sabi ko na natatawa. Patawa-tawa lang ako pero deep inside medyo iritado pa rin ako. Hindi ko pa rin gusto ang nakita ko pero kaibigan ko si Irene at kung saan s'ya masaya susuportahan ko s'ya kahit na hindi ako komportable. "What? Ang daya! Ako alam ko lang pero hindi ko pa sila nakikita sa akto, tapos ikaw na walang alam ang nakakita. It's unfair!" madrama na sabi ni Irish. Sinimangutan naman s'ya ni Irene. "Saan mo kami nakita?" Hindi makatingin sa akin ng diretso si Irene, namumula pa rin ang pisngi niya. "Doon sa shower room," sabi ko. Napatakip naman ng kamay sa bibig si Irene sa sinabi ko. Tapos pati tenga n'ya namumula na. "Shower room? Wait? Noon bang nanood kayo ng practice game ni Mitchell?" napamulagat na tanong ni Irish sa akin. Tumango ako. "Shocks! Nakaya n'yo 'yun ni Mitchell?" Kinuha ni Irene ang isang unan ko at itinakip sa buong mukha n'ya. Hiyang-hiya talaga s'ya. "Hoy, sumagot ka!" pangungulit pa rin ni Irish, habang inuuga ang balikat ni Irene. "Sinong nag-aya?" Natawa naman ako sa tanong ni Irish. Pati talaga 'yun tinanong. Para namang aamin itong si Irene, eh hiyang-hiya na nga. "Eeh! Nahihiya na ako talaga," sabi ni Irene nang mag-alis ng takip sa mukha. "Pero sige, tutal wala naman na akong maitatago pa kasi nakita mo ako sa ganun sitwasyon, sige aamin na ako. Ako talaga ang nag-aaya lagi kay Mitch. Ako ang gumagawa ng paraan para hindi s'ya makatanggi." Humalakhak naman si Irish sa sinabi na 'yun ni Irene, ako naman ay ngumiti lang. "Tangina! Hindi ko akalain na mahilig ka pala," tatawa-tawa pa rin sabi ni Irish. "Saan nagsimula 'yan? Ibig kong sabihin lesbian ba si Mariano?" tanong ko. "Hindi yata?" sagot n'ya na hindi sigurado, "Ewan ko, ang alam ko NBSB s'ya." NBSB? Tapos pumayag makipag-anuhan kay Irene? Parang ang gulo. Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Paano kayo nagsimulang gawin 'yung ganun?" "Bakit masyado ka yatang curious at seryoso, Asia?" tanong ni Irish sa akin. Napatingin tuloy sa akin si Irene. "Wala, curious lang ako dahil bakit sa dami ng tao si Mariano pa? Wala ka bang taste?" sagot ko na medyo may kasinungalingan. Honestly, hindi ko talaga alam kung bakit ako masyado curious sa kanila. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. "Ay grabe ka! Bulag ka ba Asia? Ang ganda kaya ni Mitchell tapos may abs pa. Pack na pack!" sabi ni Irene na parang nag-i-imagine pa nga at may pagkagat pa sa kanyang labi. "Oo na, sagutin mo na tanong ko, paano nagsimula 'yang s*x thingy na 'yan sa inyo?" "Oo na! Atat ka masyado," sagot n'ya, "nagsimula 'yun dahil natalo sya sa pustahan nila ni Cath." Parang lalo along naguluhan sa sinabi ni Irene. ''Huh? Pustahan? Ikaw ang premyo?" "Nge! Hindi. Ano ako trophy?" sagot n'ya na nakanguso. "Hindi ka trophy Irene, isa kang pokpok," sabi ni Irish kaya hinampas s'ya ni Irene. "Gago!" sabi ni Irene kay Irish, bago bumaling sa akin. "Ang pustahan kasi nila kung sino ang matatalo ay may ipapagawa ang nanalo. At ang ipinagawa ni Cath kay Mitch ay 'yun." Napakunot ang noo ko. "Ano 'yun? s*x?" Tumango si Irene. "Parang ganun na nga." "Bakit ka pumayag?" tanong ko. Hindi ko makuha talaga. "Dahil gusto kong malaman kung ano bang pakiramdam kapag may ka-sex." mabilis na sagot n'ya sa akin. "Bakit hindi sa lalaki? Bakit sa babae pa?" tanong ko. Kung curious pala s'ya bakit hindi sa lalaki, 'di ba? "Hindi ko bet makipag-s*x sa lalaki, Asia. Mas bet ko talaga si Mitchell," sagot n'ya. "So hanggang kelan mo balak makipag-s*x ng makipag-s*x kay Mariano?" tanong ko na lang. "Honestly hindi ko alam, lalo ngayon na gusto ko na si Mitch," sagot n'ya. Napatingin naman si Irish sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya samantalang ako eh nakakunot ang noo. "Gusto?" sabay naming tanong ni Irish kay Irene. Tumango s'ya sa aming dalawa. "Gusto ko s'yang maging girlfriend." "What?!" sabi ko. Nagugulat ako sa mga revelation n'ya ngayon. Dati curious lang daw tapos ngayon gusto ng jowain. "Bakit? Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Irene sa akin. Napatigil ako saglit dahil sa tanong ni Irene na 'yun. Bakit nga ba ganun ang reaksyon ko? "Wala. Nagulat lang ako," sabi ko. "Wait nga Asia, wala ka naman gusto kay Mitch, 'di ba?" tanong ni Irene. "Wala. Hindi ko s'ya type, isa pa straight ako," deretsang sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Wala akong gusto kay Mariano. Hindi-hindi ko s'ya magugustuhan. "Mabuti. Ayoko na magkasamaan tayo ng loob dahil sa isang babae," nakangiti na sabi ni Irene sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya bago sumulyap kay Irish na kanina pa ako pinagmamasdan. "Bakit?" tanong ko. Kanina pa s'ya kung tumingin parang may gustong sabihin. "Wala," sagot n'ya sa akin. Inirapan ko lang s'ya. Naiinis ako sa tingin n'ya. "Ay maiba tayo," basag ni Irene sa titigan namin ni Irish, kaya napatingin ako sa kanya. "May outing pala tayo sa Saturday, kaya pagaling mo na agad 'yang paa mo." "Outing? Sino kasama?" tanong ko. "Sina Cath at Mitch, sa San Juan, Batangas ang location," sagot ni Irene. Iniisip ko kung sasama ba ako. Tiyak na mag-aaway lang kami roon ni Mariano. "Ayoko ng pagkakakunot ng noo mo Asia, hindi ka pwede na hindi sasama, dapat kompleto tayo," sabi ni Irene sa akin na nahulaan ang iniisip ko. Ngumiti ako. "Sasama ako syempre." "Yan, okay. Excited na ako." sabi ni Irene na tuwang-tuwa. ____ "Hija, sure ka ba na papasok ka na ngayon? Okay na ba talaga ang paa mo?" tanong ni Yaya sa akin. Nandito na ako sa harap ng kotse ko. At kanina pa tanong ng tanong si Yaya sa akin. Sabi n'ya kasi bakit daw hindi na lang ako sa Monday pumasok tutal Friday na ngayon. Sabi ko naman, okay na ang paa ko. Absent na nga ako ng two days ayoko ng um-absent pa. Naiiwan na ako sa klase. "Opo Ya, okay na ko. Papasok na po ako ngayon, kaya ko na. May lakad pa nga po ako bukas, 'di ba?" sabi ko. "Ay oo nga pala! Nakalimutan ko. S'ya sige, mag-iingat ka," sabi ni Yaya kaya tumango ako. Sumakay na ako ng kotse ko para pumasok. Dalawang araw lang akong absent pero pakiramdam ko isang linggo na. Nakakatamad tuloy. Pagdating ko sa university ay sa canteen ako dumeretso ng punta dahil tiyak naman na nandoon sina Irene at Irish. Pumasok ako sa loob ng canteen at hinanap sila Irene. Nakita ko sila sa usual spot namin. Wala kasing umuupo roon na iba kaya laging doon kami nakapwesto. Palapit na ako sa p'westo nila ng halikan ni Irene sa pisngi si Mitchell. Ang PDA nila masyado, akala mo sila. Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Cath, katapat ko ng upuan sina Mariano at Irene. "Welcome back Anastasia," sabi sa akin ni Cath. Ngumiti lang naman ako sa kanya tapos tumingin ako kina Mariano. Pilit inaalis ni Mariano ang kamay ni Irene na nakakapit sa braso n'ya, tapos parang hindi s'ya makatingin sa akin ng deretso. "Sasama ka bukas sa outing, 'di ba?" tanong ni Cath kaya sa kan'ya 'uli ako napatingin. "Yes, hindi rin naman ako tatantanan ng dalawa kung hindi ako sasama," sagot ko at tumingin kina Irish at Irene, na nakangiti habang tumatango-tango. "Okay, mabuti para kompleto tayo," sabi ni Cath sa akin, "Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin, okay lang ba sa in'yo?" "Sige ayos lang naman," sagot ni Irish, "Saan tayo magkikita?" "Sunduin ko na lang kayo isa-isa, mga 5 a.m ng umaga," sabi ni Cath na sinang-ayunan naman ng lahat. "Okay, settled na. So, tayo mag-almusal, anong kakainin n'yo?" tanong ni Cath. Sila 'uli ni Irish ang bibili ng pagkain namin. "Kape lang sa akin," sagot ko. Sinabi rin naman nina Irene ang sa kanya, si Mariano, gaya ng dati kahit ano lang ang sinabi n'ya, si Cath na ang bahala 'uli na mag-decide. Umalis na ang dalawa para bumili kaya kaming tatlo lang ni Mariano at Irene ang naiwan sa table. Pinagmasdan ko ang dalawa, panay ang bulungan nila, parang may sinasabi si Mariano kay Irene na ayaw sundin ni Irene. Namumula na ang mukha ni Mariano tapos bahagyang susulyap sa akin. Napakunot tuloy ang noo ko, iniisip ko kung ano na naman bang meron sa dalawang ito at parang may nangyayari na naman iba base sa reaksyon ni Mariano. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko pero pagkuha ko parang may nalaglag akong narinig kaya sumilip ako sa ilalim ng lamesa para tingnan kung ano 'yun. Pero hindi 'yung nalaglag ang nakita kung hindi ang kamay ni Mariano na pilit inilalagay ni Irene sa loob ng palda n'ya. Hindi ako makapaniwala sa nakita kaya wala sa sarili na inalis ko ang ulo sa pagkakasilip sa ilalim ng lamesa, sa pagmamadali ko tuloy nauntog ang ulo. "Ouch!" daing ko habang hawak ang ulo ko na nauntog sa lamesa. "Bakit? Anong nangyari, Asia?" tanong ni Irene sa akin. "Wala," sagot ko. Ayokong makipag-usap ngayon sa kan'ya. Med'yo nakaramdam ako ng disappointment sa kanya dahil sa nakita ko. Like seriously?! Kahit nandito sa canteen may ginagawa s'yang ganito. Kahit madaming tao na p'wedeng aksidente na makakita sa ginagawa n'ya wala s'yang pakialam. Napasulyap ako kay Mariano, na ngayon ay nakatingin din sa akin. Inirapan ko s'ya. Naiinis ako sa kan'ya dahil sa nakita ko kahit na kita ko naman na tumatanggi s'ya kay Irene. "Ito na ang mga food n'yo guys," isa-isang inilalapag ni Irish at Cath ang mga pagkain na dala nila. Kinuha ko ang kape ko at humigop agad doon, baka sakaling mawawala ang iritasyon ko kahit paano. Nagsimula na rin silang kumain ng mabilis dahil malapit ng magsimula ang klase. "Tara na," 'aya ni Irish sa amin pagkatapos nilang kumain. Saktong ubos na rin naman ang kape ko kaya tumayo na ako. Sabay-sabay kaming lumabas ng canteen. "Kita na lang tayo bukas," sabi ni Cath. tumango ako bago tumalikod para pumunta sa building namin. "Wait lang!" tawag sa akin ni Mariano. Kilala ko na ang boses n'ya kaya kahit hindi ako lumingon ay alam ko na s'ya iyon. Habol ang hininga n'ya ng abutan ako. Hindi ako nagsasalita dahil wala ako sa mood, isa pa hindi naman kami close na dalawa. "Ayos na ayos na ba ang paa mo?" tanong niya sa akin na med'yo hinihingal pa dahil sa paghabol sa akin kanina. "Oo," sagot ko. "Mabuti naman," sabi n'ya, at hindi na ulit nagsalita hanggang sa pumasok na kami sa loob ng classroom namin. Paupo na sana kami sa aming upuan na magkatabi ng aksidente n'ya mahawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng parang spark dahil sa simple na pagkalapat ng kamay n'ya sa kamay ko kaya napasulyap ako sa kanya. Nagkatinginan kami dahil nakatingin din pala s'ya sa akin. "Sorry," sabi n'ya. Hindi ako sumagot, napatingin ako sa kamay n'ya na napahawak kanina sa kamay ko kaya napamura ako sa isipan ko. "P*tanginang! Iyon ang ipinapasok ni Irene kanina sa keps n'ya! Eww!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD