Chapter 19: Mitchell

2030 Words
"Hello po Nay, maganda umaga," bati ni Cath, nang dumating s'ya para sunduin ako. Ngayon na kasi ang outing namin sa Batangas. "Magandang umaga rin sa'yo Catherine. Nag-almusal ka na ba? Kumain muna kayo ni Mitchell," sabi ni Inay sa kanya. "Sa daan na lang po kami kakain Nay, masyado pa pong maaga," tanggi ni Cath. "Nay, aalis na kami. Susunduin pa namin 'yung iba namin kasama," sabi ko. Isinukbit ko na ang backpack ko na naglalaman ng mga damit at iba pang gamit ko. "Oh s'ya, mag-iingat kayo roon," sabi ni Inay sa amin. "Opo," sabay namin sagot ni Cath. Inihatid kami ni Inay hanggang sa van ni Cath, na sasakyan namin papunta sa Batangas. Kumaway lang kami sa kanya bago isinara ang pintuan ng sasakyan. May kasama palang driver si Cath, akala ko s'ya ang magda-drive papunta sa Batangas. "Cath, dito ka na lang maupo kahit masundo na natin ang iba," sabi ko. Napatawa naman si Cath. "Bakit? Ayaw mo bang katabi si Irene? Malayo ang b'yahe natin, masarap 'yung may nabubutingting kahit papaano." Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya. Mukha ba akong mahilig magbutingting ng kepyas ng iba. "Tss! Hindi ako kasing hilig mo," sagot ko. "Weh? Kaya pala laging may nangyayari sa in'yo ni Irene," nakakalokong sabi n'ya sa akin. Hayst! Aminado naman nga ako roon. Ang hilig kasi n'ya, palaging na lang nagyayaya. "Oo, s'ya lang naman ang mahilig. Palagi n'ya akong inaakit kaya hindi ako makatanggi. At saka ang hirap naman tanggihan kapag ganun kasarap ang nakahain," sagot ko. Natawa naman si Cath sa sagot ko. Napasulyap ako sa driver nila na natatawa rin sa sinabi ko. Naman! Bakit ko ba nakalimutan na nandito si Manong. Nakakahiya! "Sino bang una natin susunduin?" tanong ko para maiba na rin ang topic. "Sa bahay tayo ni Anastasia pupunta, roon na lang daw tayo hihintayin nina Irene at Irish para hindi na tayo mahirap pang isa-isahin sila," sagot ni Cath sa akin. "Kelan nila sinabi?" tanong ko kasi ang alam ko na ang usapan kahapon ay hindi ganun. "Kahapon, bago kami umuwi," sagot niya. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Pumasok na ang sinasakyan namin sa subdivision nina Anastasia. "Saan ba nakatira sina Irene at Irish?" naalala ko itanong. Wala pala akong alam sa address ng dalawang iyon. Condo unit lang ni Irene ang alam ko. "Dito rin sa subdivision na ito ang alam ko, pero medyo malayo sila sa bahay ni Anastasia," sagot ni Cath. Huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay ni Anastasia. Bumusina si Manong driver at ilang saglit lang ay lumabas na ang tatlo. May mga sukbit din silang backpack. "Hi Mitch," bati agad sa akin ni Irene na ngiting-ngiti. Ang ganda n'ya lalo kapag ganyan ang ngiti n'ya. Sarap n'yang jowain, kaso kapag naging jowa ko s'ya baka araw-araw akong pagod. "Hi," bati ko rin na nakangiti. Tatabi na s'ya sa akin sa pag-upo ng pigilan s'ya ni Cath. "Doon ka sa likod Irenapot, baka hindi makapag-swimming si bespren dahil sa pagod kapag tinabihan mo s'ya ngayon," nakangiti na sabi ni Cath. Napasimangot naman si Irene dahil doon. "Ang sama mo, parang sinasabi mong mahilig ako." "Hindi ba?" sabi ni Cath kaya nagkatawanan kaming lahat. Naupo na si Irene sa likuran namin, kasama n'ya sina Irish at Anastasia. Nagkukwentuhan sila habang nasa b'yahe, minsan nakikisabat si Cath sa kanila pero ako tahimik lang. Ayokong sumabat dahil baka atakihin na naman ng kasungitan si Anastasia at awayin ako. Ipinikit ko na lang ang mata ko tutal inaantok pa ko dahil maaga akong gumising. "Bespren," naulinigan kong tawag sa akin na may kasamang tapik sa pisngi ko. "Bespren, gising na." Idinilat ko ang mga mata ko, nakangiting mukha ni Cath ang bumungad sa akin. "Nandito na tayo," sabi n'ya kaya inilibot ko ang paningin ko at nandito na nga kami. Kita ko na sa labas ng bintana ang malawak at maasul na dagat. "Sorry, nakatulog pala ako," sabi ko habang nag-iinat. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na sa van kasunod si Cath. "Wow! Ang ganda naman dito!" sabi ni Irene nang makababa silang tatlo. "Oo ang ganda nga," sagot naman ni Irish na nakangiti habang nagmamasid sa paligid. Samantalang si Anastasia ay blangko lang ang mukha habang may suot na sunglasses. Wala man lang s'yang sinabi na kahit ano. "Tara na, roon na tayo sa k'warto na gagamitin natin dito," yaya ni Cath sa amin, "Manong, pakibaba na lang ng mga pagkain tapos pakidala roon sa cottage na iyon." "Sige Ma'am," sagot ni Manong driver habang nakatingin sa cottage na itinuturo ni Cath. Sabay-sabay kami na nagpunta sa kwarto na tutuluyan namin dito. "Isang k'warto lang tayo?" tanong ni Irene nang pumasok kami sa loob. "Oo. Bakit? Malawak naman ito ah," sagot ni Cath, "at saka tatlo ang kama, hindi naman tayo magsisiksikan." "Wala kaming privacy ni Mitchell," maktol niya na ikinatawa ni Cath at Irish. Napangiwi naman ako bago napatingin kay Anastasia na hindi maipinta ang mukha na nakatingin kay Irene. "Privacy ka d'yan! Nandito tayo para lumangoy at mag-enjoy hindi para sisirin mo si Mitchell," sabi ni Cath at naghalakhakan sila ni Irish. Mga walanghiya talaga. Nakakahiya na ang sinasabi nila! Ito naman kasing si Irene, daming reklamo sa buhay. Kapag ako nainis, kakainin ko s'ya ng walang pahingahan para hindi na s'ya hirit nang hirit ng isa pa. "Tabi kami ni Cath sa kama," sabi ko. Tiningnan naman ako ni Irene ng masama pero dedma lang ako. Aish! Wala ba s'yang kaumayan sa akin? "Oh, narinig mo naman si Mitchell, Irene. Si Cath ang gusto n'yang katabi at hindi ikaw, baka raw manyakin mo na naman s'ya," si Irish naman ang humirit. "Che! Mga inggit lang __" "P'wede bang kumain na tayo? Tama na ang harutan na iyan," putol ni Anastasia kay Irene, seryoso ang mukha. "Tayo na kayo at gutom na si Princess Anastasia, baka tayo ang kainin n'yan," sabi ni Cath at nagtawanan silang tatlo. "Hindi ako kumakain ng kauri!" sagot ni Anastasia sabay labas ng kwarto. Nagkatinginan tuloy kaming apat dahil sa sinabi n'ya, ang hard kasi. "Anong problema ng babae na 'yun at ang bitter masyado?" tanong ni Cath sa dalawa, "May problema ba s'ya sa kagaya namin ni Irene?" Nagkibit ng balikat si Irish. "Ewan ko roon, baka hindi na naman nakainom ng gamot at sinusumpong na naman ng katarayan." Natawa ako. "Tara na, at baka maging dragon na 'yun kapag hindi pa tayo lumabas." Sabay-sabay kaming lumabas, si Irene ay nakakapit sa braso ko. Naabutan namin si Anastasia na kumakain na ng baon namin. Nandoon din si Manong driver pero hindi s'ya kumakain. "Gutom na gutom Anastasia?" sabi ni Cath nang makalapit kami. "Oo, kanina pa ako gutom kaso ang dami n'yong dakdak kaya umuna na ako," sagot n'ya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Manong, kain na rin po kayo. Tapos ang kwarto n'yo eh 'yun katabing kwarto namin. Mag-enjoy na lang din po kayo rito para hindi kayo mainip," baling ni Cath sa driver nila. "Sige po Ma'am," sagot ni Manong driver. Kumuha kami ng plato at kutsara, inabutan ni Cath si Manong driver ng plato at mga kurbiyertos. Magana kaming kumain, ang sarap naman kasi ng mga baon ni Cath. Si Cath lang ang may dala sa aming pagkain dahil nagpresinta s'ya na s'ya na lang ang magdadala ng lahat so wala naman kumontra kaya heto dala n'ya lahat ng luto ng cook nila sa bahay. "Magsu-swimming na ba tayo agad?" tanong sa amin ni Cath. Hindi ako sumagot dahil kung ako ang tatanungin, gusto ko munang matulog. Inaantok ako sa sobrang kabusugan. "Pahinga muna tayo, inantok ako bigla," sagot ni Irish. Ay akala ko ako lang ang nakakaramdam ng antok bigla, hindi naman pala. "Magpalit na tayo ng damit panligo tapos mamasyal tayo sakay ng bangka," sabi ni Anastasia sa amin. "Mamaya na lang Asia, iglip muna tayo," sabi ni Irish bago napahikab. "Mamayang gabi ang iglip Irish, kaya nga tayo nagpunta rito para mag-swimming, 'di ba? Kung tutulog lang tayo sana hindi na tayo dumayo pa rito," sagot ni Anastasia na mukhang hindi papatalo. "Saglit nga lang ___" "Hep! Tama na 'yan. Sige na maliligo na tayo," awat na ni Irene sa dalawa. Tiningnan ni Irene si Irish at sinenyasan na pumayag na. "Okay fine," sagot na lang ni Irish. Kita kong may maliit na ngiti sa labi si Anastasia dahil sa pagpayag ng kaibigan n'ya. "Alright, tayo na magpalit ng swimsuit natin," sabi ni Cath. Hayst! Kakainis! Inaantok ako talaga. Pagpasok sa loob, isa-isa silang nagpunta sa banyo para magpalit ng panligo nila. "Ikaw Mitch, hindi ka pa magpapalit?" tanong ni Irene sa akin. Lahat sila ay naka-swimsuit na. Grabe! Ang gaganda ng katawan nilang lahat. Nakakapaglaway! "Hindi, ganito na lang suot ko," sabi ko at itinuro ang suot ko. Nakasuot ako ng sando na boxer style at short short. "Bakit 'yan? Sayang ang body mo kung hindi mo idi-display," sabi ni Irene. "Hay naku! Hayaan mo na si bespren Irene, hindi mo 'yan mapagpapalit kahit anong gawin mo," sabat ni Cath. "Tara na," sabi ko na lang at lumabas na. Ramdam ko naman na sumunod na rin sila sa akin. Patakbo kaming nagpunta sa dagat. Ang daming napapatingin sa amin na mga nag-a-outing din na kagaya namin mapalalaki man o babae. "Ang lamig!" sigaw ko pagtapak ng paa ko sa tubig. Parang ayaw ko na tuloy maligo. Nagbasaan muna kami ng tubig lahat bago sabay na nag-dive sa dagat. Habang nakababad ka sa tubig nawawala ang lamig. Ang ganda ng dagat, ang linaw ng tubig. Sumisid ako ng konti at ang dami ko na agad nakikita na mga coral reefs may mga isda rin akong nakikita na maliliit. "Guys! Tingnan n'yo 'to, dali!" tawag sa amin ni Cath, saktong pag-angat ko ng ulo pagkatapos kong sumisid. Lahat kami ay lumangoy papunta sa p'westo ni Cath. "Ano ba 'yun?" tanong ni Anastasia. "Sisid kayo para makita n'yo," sagot ni Cath kaya sumisid kaming lahat. Nakakamangha, ang ganda ng mga coral at ang daming isda kahit medyo mababaw pa lang ang pwesto namin. "Ang ganda naman," sabi ni Irene nang umangat kami mula sa pagsisid. Sumang-ayon kaming lahat dahil maganda naman talaga. Mukhang alagang-aalaga ang dagat. Unlike sa ibang beach na madumi at may makikita ka pa minsang basura na lumalangoy kasama mo. "Pagkatapos nating lumangoy, saan tayo?" tanong ni Irish. "Saan n'yo ba gusto?" tanong naman ni Cath. "Mag-rent tayo ng bangka, tapos tawid tayo sa kabilang pangpang," sabi ni Anastasia habang nakatanaw sa kabilang ibayo. "Ayos ba sa in'yo 'yun?" tanong ni Cath sa amin. "Sige, ayos lang. Mukhang masayang mamangka, for experience na rin," sang-ayon ni Irish na tinanguan naman ni Irene. "Ikaw, bespren? Ayos lang sa'yo?" baling sa akin ni Cath, lahat tuloy ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. "Ayos lang naman, ang kj ko naman kung hindi ako sasama," nakangiti na sagot ko. "Okay, magbabangka tayo. Hahanap lang ako ng p'wede nating rentahan," sagot ni Cath. Ipinagpatuloy namin ang paglangoy at pagsisid sa dagat. Tiyak pagbalik namin sa Manila bukas mga sunog ang balat namin. Ang init kasi ng sikat ng araw. "Ahon muna tayo guys! Ayokong mangitim," sabi ni Irene. Namumula na ang balat n'ya, hindi, halos lahat kami namumula na ang balat dahil sa init. Umahon kami at pumunta sa k'warto namin para magpatuyo muna kahit konti. "Tayo muna kumain tapos maghahanap na ako ng pwedeng rentahan na bangka," sabi Cath. Nagsuot sila ng mga robe, ako naman nagbalabal lang ng towel sa katawan ko na hindi nagpapalit ng damit. Lumabas 'ulit kami at nagpunta sa cottage namin para kumain. Tinawag ni Cath si Manong driver para pakainin din. "Sinong sasama sa akin sa paghahanap ng bangka?" tanong ni Cath at lahat ay gustong sumama ako lang yata ang walang reaksyon kaya tumingin sa akin sina Irene, Irish at Anastasia. "Hindi ka sasama? Ano, sasakay ka na lang basta na hindi napagod sa paghahanap?" mataray na tanong ni Anastasia sa akin. "Sino bang may sabi na hindi? Sasama ako 'wag kang nega!" naiinis na sagot ko. Ako na naman ang nakita ng babae na 'to. Kainis! Tinatamad akong maghanap ng rerentahan. Gusto ko ng matulog muna. Badtrip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD