Chapter 20: Anastasia

2048 Words
"Bespren, dalian mo naman. Para kang hindi kumain ng tanghalian," sabi ni Cath kay Mariano. Nasa hulihan namin s'ya, sobrang bagal n'yang maglakad. Naiinis na naman ako. Bakit kasi sumama pa s'ya tapos mukhang hindi naman n'ya gusto ang gagawin namin. "Oo na," nakasimangot na sagot n'ya kay Cath, at naglakad nang mabilis. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad para maghanap ng bangka. Sumasabay na sa amin si Mariano pero mukhang bagot na bagot s'ya tapos panay pa ang hikab, nakakatamad s'yang panoorin. "Manong, pwede po magtanong?" tanong ni Cath sa lalaki na nakasalubong namin. Mukhang taga rito s'ya base sa suot at kilos n'ya. "Ano 'yon ineng?" tanong ni Manong pabalik. "Saan po kaya p'wede mag-rent ng bangka rito?" tanong ni Cath. Nakaabang kaming lahat sa isasagot ni Manong, mapwera kay Mariano. "Doon ineng," may itinuro si Manong kaya napasunod lahat ang tingin namin. "Subukan n'yo roon kung magpaparenta sila. May bagyo raw kasi kaya hindi ako sigurado." Bagyo? Napatingin ako sa kalangitan at sobrang aliwalas naman ng panahon, kaya paano naman nagkaroon ng bagyo ngayon gaya ng sinasabi ni Manong? "Sige po Manong, salamat po," sagot ni Cath. Tumango lang si Manong bago umalis. "May bagyo raw, tutuloy pa ba tayo?" tanong ni Mariano. "Baka malayo pa naman ang bagyo na sinasabi ni Manong, kita n'yo nga at ang ganda naman ng panahon," sagot ko kay Mariano. Kontrabida! Tumingin si Cath sa iba namin kasama, parang tinatanong niya ang suggestions ng iba. "Baka naman tama si Asia," sagot ni Irish. "Ikaw Irene? Anong tingin mo?" tanong ni Cath. Sumulyap muna si Irene kay Mariano bago tumingin sa akin. Parang iniisip n'ya kung kanino ba s'ya papabor. "Puntahan na lang natin 'yung rentahan na tinuturo ni Manong, tapos kung anong sasabihin sa atin saka tayo mag-decide," sagot ni Irene. "Okay sige, tara," sabi ni Cath. Naglakad na kami papunta sa dereksyon na itinuro ni Manong. "Magandang tanghali po," sabi ni Cath sa lalaki na nag-aayos ng lambat sa ibabaw ng isang bangka. "Pwede po magtanong?" Tumango lang ang lalaki kay Cath at hindi nagsalita, tuloy lang s'ya sa kanyang ginagawa. "Manong, nagpapa-rent po ba kayo ng bangka? Dito po kasi kami itinuro ng pinagtanungan namin kanina," sabi ni Cath. "Oo ineng, pero may bagyo raw kasi kaya hindi muna ako nagpaparenta ngayon," sagot ni Manong, na pansamantala na itinigil ang ginagawa. "Ang ganda ng panahon Manong, paano nagkabagyo?" sagot ko. Gusto ko talagang sumakay sa bangka at pumasyal. "Iyon kasi ang sabi sa weather report kahapon," sagot ni Manong sa akin. "Kahapon pa po pala balita pero tingnan n'yo po at hanggang ngayon ay ayos ang panahon," sabi ko. Hindi sumagot si Manong, parang iniisip ang sinabi ko. "Sige na Manong, pa-rent na kayo ng bangka. Magbabayad po kami ng doble sa binabayad kapag nagpaparent kayo," pamimilit ko. Gusto ko talagang sumakay, kaya kahit bumayad ako ng mas malaki kesa normal na presyo, gagawin ko. "Talaga?" parang kuminang ang mata ni Manong sa sinabi ko, "Pero wala akong mga life jacket para proteksyon n'yo." "Ayos lang 'yun Manong, gaya ng sabi ko, maayos ang panahon kaya hindi namin kailangan 'yun," sabi ko. "Asia, baka naman ikapahamak natin iyan," sabi ni Irene. "Oo nga naman, baka naman nag-enjoy ka pero mamatay naman kami," sabi naman ni Mariano. Napatingin tuloy ako sa kanya na nakataas ang kilay. Patay agad? Hindi ba p'wede na malunod muna s'ya bago mamatay? "Alam mo hindi naman kita pinipilit sumama, kung ayaw mo eh, 'di 'wag!" mataray na sagot ko. "Hep! Tumigil na nga kayo. Hindi na kayo magkasundo talaga," awat ni Irish sa amin ni Mariano dahil balak pa sana kanina n'ya na sumagot sa sinabi ko. "Ano Manong, paparentahan mo ba o hindi 'yung bangka n'yo? Kung hindi ay hahanap kami ng iba," sabi ko na med'yo may pagtataray na. Naiinis na kasi ako kay Mariano. Kanina pa s'yang kontra nang kontra. "Sige Ma'am, pero incase may mangyari ay hindi ko kayo sagutin," sagot ni Manong. "Sige po, walang problema. Basta kayo ang magmamaneho ng bangka papunta sa pupuntahan namin," sagot ko. "Sige. Sandali at aayusin ko lang ang bangka na ipapagamit ko sa in'yo. Hintayin n'yo na lang ako rito," tumango ako kaya umalis na si Manong. "Asia, sigurado ka ba rito? Baka naman tama si Mitchell," sabi ni Irish. Napabuga ako ng hininga. Pati ba naman s'ya papabor kay Mariano? Nakakaubos sila ng pasensya. "Okay, sige. Para wala naman kayong masabi, ako na lang ang sasakay mag-isa," sabi ko. Kung ayaw nila, 'di 'wag nila. "Tsk! Parang ka namang timang! Tingin mo ba hahayaan ka namin sumakay mag-isa?" napipikon na sagot ni Irish sa akin. "Iyon naman pala, hindi naman pala n'yo ko hahayaan, eh 'di tapos ang usapan," sagot ko. Dami nilang kontra sasakay rin naman pala. Bumalik si Manong na may dalang container na maliit. Kung hindi ako nagkakamali, gasolina ang laman noon. Inilagay n'ya ang laman ng container sa lagayan ng krudo ng bangka, tapos pinunasan n'ya ang uupuan namin. "Tayo na po," tawag n'ya sa amin kaya lumapit na kami. Sumakay kami ng bangka at naupo. Itinulak ni Manong ang bangka papunta sa dagat bago s'ya sumakay at buhayin ang makina. "Manong, doon tayo sa kabilang isla na 'yun," sabi ko at itinuro ang sinasabi ko. Tumango si Manong sa akin at minaobra ang bangka papunta sa sinasabi ko. Habang naglalayag kami ay napatingala ako sa langit. Ang ganda ng panahon, pero napansin ko na kung kanina ay walang kahit konti bahid ng maitim na ulap sa langit ngayon ay meron na. "Med'yo kulimlim na ang langit guys," sabi ni Irene na nakatingin din pala sa kalangitan. Napatingin din sina Cath, Irish at Mariano sa langit. "Medyo mas malakas na rin ang hangin kesa kanina, pansin n'yo ba?" sabi naman ni Mariano. Hindi nagsalita ang mga kasama namin sa sinabi n'ya pero aminado akong tama s'ya. Ibang-iba ang hangin ngayon kesa kanina. "Guys nahihilo na ako, ang galaw ng bangka natin," sabi ni Irish habang sapo ang t'yan n'ya. "Ako rin. Nasusuka na ako," segunda ni Cath kay Irish, "Manong, bakit masyado tayong magalaw?" "Mahangin po kasi masyado, tapos lumalaki at lumalakas ang alon," sagot ni Manong sa amin. Hindi man n'ya sabihin pero bakas sa mukha n'ya ang pangamba. Hindi ko lang alam kung ako lang ba ang nakakapansin niyon o hindi. "Bumalik na lang kaya tayo? Kinakabahan na ako, sobrang kulimlim na tapos ang lakas na nga ng alon," sabi ni Mariano. Babalik? Kung kelan nasa gitna na kami at konti oras na lang ay makakarating na kami sa pupuntahan namin. "Hindi, hindi tayo babalik. Malapit na tayo," sabi ko. "Ma'am, tingin ko kailangan na nga natin bumalik. Ang lalaki na po ng alon," sabi ni Manong. "Hindi, hindi tayo babalik ___" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang may humampas na malaking alon sa aming bangka at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa dagat na kasama ang iba ko pang kasama. Tumaob ang bangka na sinasakyan namin, lalangoy na sana ako palapit sa kanila ng isa na naman malaking alon ang dumating at humampas sa amin. "Asia," sigaw ni Irish at Irene sa akin na bahagya na lang marinig. Tinangka nilang lumapit pero masyado ng maalon sa dagat umaambon na rin ngayon. Lumangoy papunta sa akin si Mariano at nagtagumpay naman s'ya, hinawakan n'ya ang kamay ko para pumunta kami sa pwesto ng mga kasama namin. Malapit na kami sa mga kasama na namin ng may dumating 'uli na malakas at malalaking alon. Halos hindi na ako makahinga sa pagsalpok sa akin ng malakas na alon at hanggang sa hindi ko na nga kayanin dahil kinapos na ako talaga ng hininga. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko, ang huli ko lang naaalala ay si Mariano, nakapikit na rin s'ya pero ramdam ko na hawak pa rin n'ya ang kamay ko. "Hoy! Ano ba, gumising ka. Please Anastasia gising!" parang nauulinigan ko ang boses ni Mariano habang may parang nagpa-pump sa dibdib ko ng paulit-ulit. "Gising! Please naman, gumising ka!" sigaw pa rin ng tinig n'ya, kasunod ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko na humihihip ng hangin sunod ay pump 'uli sa dibdib ko. Napaubo ako kasabay ng paglabas ng tubig sa aking bibig. "Thank God!" sabi ni Mariano at parang pagod na pagod na humiga sa buhanginan sa tabi ko. Bumangon ako at nagpalinga-linga sa paligid. Umaambon pa rin at sobrang dilim na ng kalangitan. "Asan tayo? Nasaan 'yung mga kasama nating iba?" nanlalambot na tanong ko. Ang sakit ng katawan ko para akong sinipa ng sampong kabayo. "Wala sila, tayo lang ang nanditong dalawa," sagot niya. "Huh?! Anong tayo lang nandito?" naguguluhan na tanong ko. "Tayo lang, as in tayo lang ang nanditong dalawa. Iyong iba hindi ko alam kung nasaan na, basta nagising na lang ako na nandito tayo sa islang ito," sagot n'ya sa akin pero hindi ako sinusulyapan. "Tayo lang?" parang naiiyak na tanong ko. Kami lang ang nanditong dalawa. Anong gagawin namin? Sino ang magliligtas sa amin kung hindi nga namin alam kung nasaan na 'yung iba. "Oo, tayo lang kaya tumayo ka na d'yan, kailangan natin humanap ng masisilungan at mukhang nandito na ang bagyo pero kailangan muna natin humanap ng pwede nating kainin kung meron man dito," sabi n'ya. Bumangon s'ya at tumayo, iniabot n'ya ang kamay n'ya sa akin para tungan akong tumayo. "Saan tayo sisilong?" tanong ko ng makatayo na. Nilalamig na ako dahil basa ang damit na suot ko tapos ang sama pa ng pakiramdam ko. "Maghahanap nga," sagot n'ya sa akin. Hinawakan n'ya muli ang kamay ko. "Tara na." Naglakad kami papasok sa lugar kung saan kami nanduon. Hindi naman gaanong masukal pero nakakatakot pa rin lalo na at medyo madilim na ang paligid dahil masama ang panahon. "Saan ba tayo pupunta? Ang dilim na oh! Nakakatakot, dapat hindi na lang tayo umalis sa pwesto natin kanina," sabi ko. "Mag-isip ka nga. Kung hindi tayo umalis doon, baka mamaya madala 'uli tayo ng alon kapag mas lumakas ang bagyo," sagot n'ya pero hindi pa rin s'ya tumingin sa akin. Deretso lang s'yang naglalakad kasunod ako dahil hawak n'ya ang kamay ko. Nakarinig ako ng kaluskos kung saan, at nangilabot ako sa kung ano-anong pumasok sa isip ko. "Narinig mo 'yun?" tanong ko kay Mariano, pero hindi s'ya sumagot kaya inulit ko ulit ang tanong ko, "Narinig mo?" "Oo, ang kulit ko. Huwag kang maingay," sabi n'ya na pabulong pero madiin. "Tara na kasi, balik na tayo," sabi ko at hinihila ang kamay ko para hilahin s'ya pabalik. "Ano ba? Sabi ng mahirap lalo roon! Ang kulit mo. Kung ayaw mong sumama sa akin, bumalik kang mag-isa mo!" sabi n'ya at tinalikuran na ako. Naman eh! Pasalamat s'ya at takot ako ngayon dahil sa sitwasyon namin kung hindi kanina ko pa s'ya tinarayan. Dali-dali akong naglakad papunta sa kan'ya para abutan ko s'ya agad. Ayokong maiwang mag-isa. Naabutan ko s'ya na nakatigil at nakatingala. "Bakit? Anong meron?" tanong ko pero hindi s'ya sumagot. Naglakad s'ya kaya sumunod ako. Himinto kami sa isang puno ng saging, tumingala rin ako at nakita ko na may bunga iyon at hinog na. Ngingiti na sana ako dahil may makakain na kami kahit papaano pero napansin ko na sobrang taas naman at hindi namin maabot kahit pa may mahanap kami na p'wede tungtungan. "Ang taas, paano natin 'yan kukunin?" tanong ko habang nakatingala sa puno. "Papaakyat ko sayo," sabi n'ya kaya bigla akong napatingin sa kan'ya. "Ako?" Paano ko naman aabutin 'yan? Kung ikaw nga na mas matangkad pa sa akin ay hindi iyan abot ako pa kaya?" litanya ko. "Akyatin mo," sabi n'ya sa akin. Napamulagat naman ako sa sinabi n'ya. Akyatin? Palagay n'ya sa akin, unggoy?! "Bakit hindi ikaw ang gumawa tutal ikaw naman ang nakaisip!" sabi ko at tinalikuran s'ya. "Ang dami mong sinabi," sabi n'ya pero hindi na ako nag-abalang lumingon sa kanya. Maya-maya lang ay nakarinig na ako na parang may sumusuntok kaya napalingon ako. Kasabay ng paglingon ko ang pagbagsak ng puno ng saging. "Sinuntok mo?" maang na tanong ko sa kanya. "Hindi. Kinagat ko," sagot n'ya bago lumapit sa puno para kunin ang bunga. Pilosopo ang hudas! May araw rin s'ya sa akin, makita n'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD