"Ay!" sigaw ni Anastasia nang biglang lumakas ang ulan kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. Nagpalinga-linga ako sa paligid, nqgbabaka sakali na may makikita kahit kweba na maliit na kagaya ng mga napapanuod ko sa movie kapag napapadpad ang mga bida sa mga ganitong isla. Napapamura na ako sa isipan ko dahil sa sitwasyon na meron kami ngayon! Malas! "Ano na? Tutunganga ka na lang ba d'yan? Akala ko ba maghahanap tayo ng pwede nating silungan!" inis na sabi sa akin ni Anastasia, na halos hindi na makamulat dahil sa lakas ng ulan. Letche! S'ya pa talaga ang may ganang gumanito? Eh kung hindi naman dahil sa kanya wala kami sa ganitong sitwasyon. Naglakad ako palapit sa kan'ya, bitbit ko ang isang buwig ng bunga ng saging. Ang bigat! "Alam mo kesa nagtataray ka d'yan, bakit hindi m