"Asan na ang damit, Irene?" tanong ko agad pagkaupo ko sa loob ng kotse n'ya.
Isang kotse na lang kasi ang sinakyan namin papunta rito sa court kaya nandito ako ngayon sa kotse n'ya.
Ugh! Kung alam ko lang na ang babaeng ipakta ang kikitain namin dito hindi na sana ako sumama. Lagi akong nadidisgrasia kapag nandito ang babae na 'yun. May balat yata sa pwet ang bruha!
Inabot sa akin ni Irene, ang damit n'ya na agad ko naman kinuha. Mabuti na lang at magka-size kami ng katawan ni Irene kung hindi, magtitiis ako sa basa at malagkit na damit.
"May wives ka ba d'yan? Ang lagkit ng pakiramdam ko," sabi ko habang nakasimangot.
Natatawang kumuha si Irene, ng wives sa pinaka-compartment ng kotse n'ya. Inabot n'ya sa akin iyon at agad kong kinuha. Dali-dali kong pinunasan ang mukha ko na naligo sa iniinom kong strawberry shake kanina.
Binuhay na ni Irene ang kotse n'ya at nagsimulang paandarin at sundan ang kotse ni Cath, 'yung classmate nila ni Irish.
Naghubad ako ng damit at agad na nagpalit pagkatapos kong makapagpunas ng mukha ko. Ayos lang naman maghubad ako rito sa loob ng kotse dahil tinted naman 'yun at hindi ako makikita sa labas. Wala rin naman problema kung makita ako ng dalawa kong kaibigan na ito dahil matagal na nilang nakita ang katawan ko. Noong elementary kasi kami may time na sabay-sabay kaming naliligo na tatlo.
"What? Don't tell me nagkaka-interest ka na sa katawan ko?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Irish. Nakita ko kasi s'yang nakatitig sa akin sa front mirror ng kotse.
Lumingon s'ya sa akin ng may nakakalokong ngiti. "Paano kung sabihin ko sa'yo na oo? Ibibigay mo ba ang katawan mo?"
Ibinato ko ang hinubad kong damit sa kan'ya at sapol s'ya sa mukha. "G*gi! Hindi tayo talo."
Wala naman problema sa akin ang same s*x relationship, pero hindi ko type 'yung mga magkaibigan na nagkakaroon ng relasyon.
Iniisip ko kasi na paano kapag hindi nag-work ang relasyon, sayang ang friendship. Hindi na babalik kung paano kayo dati kahit na ano pa ang gawing pag-aayos.
Humalakhak lang si Irish sa sinabi ko. Si Irene, naman ay panay lang ang sulyap sa aming dalawa at hindi nagkomento.
"Sobrang close n'yo na ba 'yung si Cath?" pag-iiba ko ng topic. Bigla na kasi silang tumahimik, parang ang awkward bigla sa loob ng kotse.
"Yes, mabait kasi si Cath at maloko," sagot ni Irene habang si Irish naman ay tumango lang.
"Tomboy ba 'yun?" tanong ko. Para kasing ang angas niya, hindi naman maangas na nakakainis parang maangas na astig.
Humarap si Irish sa akin ng seryoso ang mukha. "Bakit? Crush mo?"
"Baliw! Para nagtatanong lang, ang astig kasi ng dating n'ya lalo na ng naglalaro sila ni bruha kanina," sagot ko.
Nakaabot kasi kami ng konti ng laro ng dalawa kanina. Ayos na sana, kaso itong si Mariano hindi sports dahil ng mai-shoot ni Cath ang bola ay ibinato n'ya ang bola dahilan nga para tamaan ang iniinom ko.
"Kala ko crush mo, bubugbugin ko na sana," bulong ni Irish.
"Ano?" tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi n'ya.
"Wala," sagot n'ya sa akin. Nag-alis na s'ya ng seatbelt at bumaba ng kotse.
Naguguluhan naman akong nakatingin sa kan'ya habang nag-aalis rin ng seatbelt ko. Nandito na kasi kami sa Mcdee.
"Huwag mo na lang pansinin si Irish, binubuwan na naman 'yun kaya ganun," nakangiting sabi ni Irene sa akin bago bumaba ng kotse.
Bumaba na rin ako, sabay kaming pumasok ni Irene sa loob ng fast food chain.
Nakita ko sina Cath at si Mariano na nakaupo na sa may med'yo gilid. Nandoon na rin si Irish, nakaupo na sa tabi ni Cath.
Parang may pinag-uusapan sila dahil nakatingin silang dalawa sa akin. Si Mariano naman ay inirapan lang ako.
Sapakin ko 'tong babae na 'to! Siya na nga may kasalanan sa akin tapos s'ya pa itong may ganang gumanon.
"Hi, naka-order na kayo?" tanong ni Irene. Naupo s'ya sa tabi ni Mariano.
"Hindi pa, hinihintay namin kayo," sagot ni Cath.
Naupo ako sa gilid, kaya nagmukhang pabilog ang pagkakaupo namin lahat. Napatingin ako sa p'westo ni Mariano at Irene.
Hindi ko alam pero parang hindi mapakali si Mariano sa t'wing lalapit sa kanya si Irene. Parang ilang na ilang na hindi ko mawari.
"Tara na, order na tayo. Sinong sasama sa akin pumila?" tanong ni Cath.
"Ako na lang," sagot ni Irene at tumayo. Sinabi namin sa dalawa kung ano ang mga order namin. Nag-abot ako ng pera kay Irene at ganun din ang ginawa ni Irish. Tinitingnan ko si Mariano pero hindi s'ya nagbigay ng pera kay Cath.
"Tss! Ano 'yun asa na lang sa libre?" sabi ko sa isip-isip ko.
Umalis na ang dalawa at pumila na para um-order. Panay ang kwentuhan ng dalawa na parang ang ganda ng pinag-uusapan dahil panay ang tawa nila, tapos susulyap sila kay Mariano.
Curious tuloy ako kung anong meron. Kahit na pansin din ni Mariano ang ginagawang pagtingin sa kanya ng dalawa ay magyuyuko na lang s'ya ng ulo na parang nahihiya na ewan.
Napataas tuloy ang kilay ko. Kasi kapag ako ang gumagawa sa kanya ng ganito tatarayan na n'ya ako kaagad. Tapos ngayon parang yupi s'ya.
"Pulubi," tawag ko. Wala lang gusto ko lang s'yang galitin kaya ko s'ya tinatawag na ganun.
Hindi naman ako talaga matapobre, sadya lang mainit ang dugo ko sa kanya, dahil na rin siguro sa unang encounter pa lang namin, ay tapang na agad n'ya.
Tumingin siya sa akin ng masama. "Bakit demonyita?"
Demonyita? Ako? Sa ganda kong ito?
"Crush mo ba si Irene?" deretsang tanong ko. Pinili ko na lang hindi mag komento sa sinabi nya sa akin.
"Ano? Bakit mo naman natanong?" kunot ang noo na sagot n'ya sa akin tapos sumulyap sa pwesto nina Irene at Cath.
"Para ka kasing hindi ka mapaitlog dyan kanina pa, noong katabi mo si Irene," sagot ko.
"So, pinagmamasdan mo pala ako? Baka naman ikaw ang may crush sa akin?" sabi n'ya sabay ngisi.
Nagkunyari akong masusuka sa sinabi n'ya. "Eww! Yuck! Kadiri ka, hindi ako pumapatol sa pulubi!"
Nakita ko naman ang pagtagis ng mga bagang n'ya. Napakapikon n'ya.
"Arte! Don't worry hindi rin ako pumapatol sa demonyita na kagaya mo. Iyong tipong kahit na ikaw na lang ang tao rito sa mundo hinding-hindi kita papatulan," mataray na sagot n'ya sa akin.
"Whatever!" sabi ko na lang.
"Oh, 'wag n'yong sabihin nag-aaway na naman kayong dalawa?" tanong ni Irene.
Ibinaba nila ni Cath sa table namin ang mga order namin.Hindi ako sumagot, ganun din naman si Mariano. Nagsimula na kaming kumain, panay ang kwentuhan nina Cath, Irish at Irene, samantalang kaming dalawa ni Mariano ay tahimik.
"Tayo na, gusto ko ng umuwi," sabi ko. Kanina pa kami tapos kumain pero parang wala yata silang balak na umuwi.
"Oo na po Madam Asia," sabi ni Irish sa akin, "Tayo na, at naiinip na ang aking reyna."
Natawa naman si Cath at Irene sa sinabi ni Irish. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin dahil parang niloloko n'ya ako.
"So paano? Kita na lang tayo sa lunes?" sabi ni Cath sa amin.
"Sige, ingat kayong dalawa," sagot naman ni Irish at ngumiti kay Mariano.
"Cath, next week na, ikaw na lang magsabi, nahihiya ako," sabi ni Irene, tapos panay ang sulyap kay Mariano.
Iyong ngiti ni Mariano kanina kay Irish ay naging ngiwi kay Irene.
"Sige, ako ng bahala," nakangiting sagot ni Cath, sabay akbay kay Mariano.
Meron talagang nangyayari na hindi ko alam. Tumingin ako kay Irish, kung anong reaksyon n'ya. Iniisip ko kung may alam kaya s'ya sa pinag-uusapan nila Cath at Irene.
Sumakay na kami sa mga kotse namin. Sina Cath ay sa kotse n'ya kasama si Mariano, kami naman ni Irish ay sa kotse ni Irene sumakay.
"Anong meron sa inyo ni Cath?" tanong ko. Nasa daan na kami. Kanina pa rin nakalampas sa amin ang kotse ni Cath.
"Anong meron?" tanong pabalik sa akin ni Irene. Sumulyap lang s'ya saglit sa akin sa salamin.
"Para kasing may sekreto kayong dalawa, 'di ba Irish?" sabi ko at kinalabit si Irish.
"Wala akong alam d'yan," sagot ni Irish na natatawa.
Hinampas ko s'ya sa balikat. L*tche! Mukhang alam n'ya kung anong meron.
"Ang daya n'yo! Ako lang ang walang alam dito," maktol ko. Humalukipkip ako habang nakasimangot. Nakakainis silang dalawa. Kailan pa sila naglihim sa akin?
Natatawa lang ang dalawa sa akin pero walang sinabi hanggang sa dumating na kami sa bahay ko.
Bumaba ako ng walang imik at padabog na isinarado ang pintuan ng kotse ni Irene. Nakakainis sila!
Pumasok ako sa loob ng gate namin ng hindi lumilingon. Narinig ko na lang ang pag-andar ng kotse ni Irene paalis.
Nagpapapadyak ako habang naglalakad na parang bata. Akala ko kasi hahabulin ako ng dalawa gaya ng ginagawa nila dati kapag nagtatampo ako. Nagbago na sila, hindi ko sila bati!
"Bakit ganyan ang mukha mo, hija?" tanong ni Yaya Loring sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay namin.
"Sina Irene po kasi, ang daya hindi nila sinasabi sa akin kung ano 'yung sekreto nila," sagot ko at padabog na naupo sa sofa.
Natatawa naman na naupo sa tabi ko si Yaya. "Alam mo hija, may mga bagay kasi na kahit sa kaibigan kailangan mo rin maglihim."
"Alam ko naman po 'yun Yaya, pero bakit po alam ni Irish, tapos sa akin ay hindi sabihin ni Irene," reklamo ko pa rin.
Naiinis ako talaga. Ang daya nila, parang hindi nila ako best friend.
"Baka nahihiya sa'yo si Irene kaya hindi n'ya sabihin sa'yo. Hayaan mo lang muna s'ya, sasabihin din siguro ni Irene 'yun, hindi pa lang s'ya ready sa ngayon," sabi ni Yaya.
Tumango na lang ako, kahit na naiinis pa rin ako. Hindi ko makuha ang sinasabi ni Yaya.
Bakit naman mahihiya sa akin si Irene, eh ang tagal na namin magkakaibgigan na tatlo, tapos ngayon pa s'ya mahihiya sa akin.
"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong ni Yaya.
"Hindi na po, busog pa po ako," tanggi ko, "Akyat na po ako sa taas."
Tumango si Yaya kaya tumayo na ako at naglakad paakyat nang tawagin n'ya ko ulit.
"Po?"
"Tumawag pala si Ma'am Loida, tawagan mo raw s'ya pag-uwi mo, sinabi ko kasi na lumabas kayo nina Irene. Hindi ka raw n'ya makontak kanina," sabi ni Yaya.
Tumango ako. "Sige po."
Huminga ako sa kama ko, dinukot ko ang cellphone ko sa bag na dala ko kanina.
Tinawagan ko si Mommy sa video call. Nakailang ring lang iyon bago sagutin ni Mommy.
"Hello My, tumawag ka raw po kanina?" sabi ko. Hindi ako nag-abalang bumangon sa pagkakahiga ko.
"Oo, kakamustahin lang kita. Hindi ko kasi makontak 'yang number mo kanina," sagot ni Mommy. Base sa background ni mommy, nasa company namin s'ya ngayon.
"Ayos lang po ako, kayo po?"
"Maayos din ako anak, saan ba kayo galing nina Irene kanina? Ang aga n'yo yatang umalis at bumalik? sabi ni Mommy na parang pinagmamasdan ako ng maige.
"Wala po may kinatagpo lang po kaming kaibigan nilang bago," sagot ko. Tumagilid ako sa pagkakahiga ko. Nangangawit akong humawak ng cellphone ko.
"Talaga? Nice! Gusto ko 'yung kahit may bago na silang kaibigan isinasama ka rin nila para mkilala 'yung bago," nakangiti na sabi ni Mommy, dahilan para sumimangot ako.
"Isinasama nga po ako, pero naglilihim naman na sila sa akin ngayon," nakangusong sabi ko.
"Lihim? Paanong lihim naman? Paano mo nasabi?" nakakunot ang noo na tanong ni Mommy. Ngayon lang kasi nangyari na nagsumbong ako ng ganito, never pa kasing naglihim sa akin ang dalawang iyon kaya naiinis ako talaga ngayon.
Ikinuwento ko kay Mommy ang mga nangyari kanina ng lumabas kami kasama sina Cath, sinabi ko ang mga napansin ko at kung paano ko tinanong si Irene kanina.
"Baka naman balak ligawan ni Irene, 'yung mortal mong kaaway. Baka kaya ayaw sabihin sa'yo dahil baka pigilan mo s'ya sa gagawin n'ya," natatawang sagot ni Mommy, pagkatapos kong magkwento.
May mga sinasabi pa si Mommy pero hindi ko na naintindihan. Ang pumasok lang sa utak ko ay ang possibility na may gusto si Irene kay Mariano.
Walang bang taste si Irene para magkagusto sa gusgusin na 'yun?! And wait! Bakit hindi ko alam na babae ang gusto ni Irene?
Feeling ko biglang sumakit ang ulo sa mga naiisip ko. Haist!