"What is an income statement?" tanong ng teacher namin sa finance na si Ms. Cueto.
Nagtaas ng kamay ang mga kaklase ko pati itong katabi ko na si Anastasia. Tsk! Kung bakit kasi sa lahat ng subject namin na magkaklase kami ay lagi rin kaming magkatabi.
"Ms. Salvador," tawag ni Ma'am kay Anastasia para s'ya ang sumagot.
Mayabang pa s'yang sumulyap sa akin bago tumayo na akala mo big deal ang gagawin n'ya.
"Income statement, is a financial statement that provides aggregate data regarding all cash inflows a company receives from its ongoing operations and external investment sources," mahabang sagot ni Anastasia.
Natatawa na lang ako ng pasimple dahil bukod sa kulang na nga ang sagot niya ay mali pa.
Ang yabang, hindi naman pala alam ang sagot.
"Wrong answer Ms. Salvador," sabi ni Ma'am, "Who would like to answer?"
Nagtaas ulit ang mga classmates ko ng kamay, samantalang ako ay tahimik lang na nakaupo. Hindi ko kailangan makipagsabayan dahil hindi naman ito graded recitation. Isa pa baka awayin na naman ako ng babaeng dragon kapag sumagot ako tapos tama ang sagot ko.
"Ms. Mariano," tawag sa akin ni Ma'am, "what is an income statement?"
Napakamot ako ng kilay, bago sumulyap kay Anastasia na nakatingin na pala sa akin.
Parang pinapatay na naman n'ya ako ng mga tingin n'ya.
"Ma'am, income statement, shows a company's expenses, income and losses, which can be put into a mathematical equation to arrive at the net profit or loss for the time period," sagot ko.
"Very good Ms. Mariano!" nakangiti na sabi ni Ma'am sa akin.
Naupo na ako sa upuan ko. "Nananadya ka ba?" pabulong pero madiin na tanong ng katabi ko.
Bored na tiningnan ko lang s'ya. Mukhang naghahanap na naman ng away ang demonyita.
"Ano na naman bang ginawa ko?" tanong ko kahit alam ko naman ang tinutukoy n'ya.
"Wala, masyado ka lang nagmamagaling!" inis na inis na sabi n'ya.
Itinuro ko ang sarili ko bago mahinang sumagot dahil baka marinig kami ni Ma'am na abala pa rin sa pagtatanong.
"Ako? Nagmamagaling? Bakit? Dahil tama ang sagot ko at sa'yo ay mali?" tanong ko, "Hindi pagmamagaling ang pagsagot ng tama, Anastasia. Ang nagmamagaling ay 'yung akala mo kung sinong matalino pero hindi naman pala alam ang sagot."
Nakakapikon na talaga ang babae na 'to. Kahit ano yatang pagka-matured na meron ako, mapapatulan at mapapatulan ko s'ya. Para s'yang bata na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Ayaw n'yang malamangan ko siya kahit na in the first place naman ay hindi ako nakikipag-compete sa kanya.
Nagtagis ang mga bagang n'ya dahil sa sinabi ko pero hindi na s'ya nakasagot pa. Masama lang lagi ang tingin niya sa akin hanggang sa matapos ang klase.
Hinintay ko lang makalabas ang mga kaklase ko bago ako lumabas. Ayokong makipagsiksikan sa kanila kagaya ng ginawa ni Anastasia.
Palabas na ako ng room namin ng makatanggap ako ng text galing kay Cath, lunch din daw nila at niyaya n'ya akong sabay raw kaming kumain.
Mabilis lang akong nag-reply ng okay, bago ako naglakad papunta sa canteen.
"Bespren!" sigaw ni Cath na may pagkaway pa ng makita n'ya ako na palinga-linga para hanapin s'ya.
Agad akong napangiti nang makita s'ya at dali-daling lumapit pero nabura agad ang ngiti ko nang makita kong kasama n'ya pala sina Irish, Irene at ang demonyita.
Aish! Kung alam ko lang na nandito ang impaktang si Anastasia hindi na sana ako sumabay kay Cath. Nakakawalang gana ang pagmumukha n'ya.
"Ceased fire muna kayo, p'wede? Mamaya n'yo na ituloy ang away n'yo pagkatapos nating kumain," sabi ni Cath, nang makita na masama rin ang tingin sa akin ni Anastasia.
Natawa at napailing na lang sina Irene at Irish dahil doon.
"Mitchell, dito ka na sa tabi ko maupo," sabi ni Irene ng nakangiti. Isang tipid na ngiti na lang din ang ginawa ko bago ako naupo sa tabi n'ya.
Paano naman ako makakakain nito ng maayos kung nasa tabi ako ng babaing kakainin ko sa isang araw.
Napasulyap ako kay Cath na nakangisi sa akin. Alam n'ya kasing naiilang ako kay Irene dahil sa mangyayari sa amin.
Kung bakit ba naman kasi masyadong curious ang babae na 'to sa relationship ng lesbian and how they have s*x. Pwede naman kasing mag-search na lang at manuod.
Bakit kailangan pa n'ya ng personal experience? And bakit hindi na lang si Cath, ang pakainin n'ya ng kepyas n'ya, 'di ba? Bakit kailangan madamay ako? Bakit ako?
Kasalanan lahat ng kasakiman ko sa pera. Kung hindi lang sana ako nasilaw sa pera ni Cath, wala ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Okay ka lang?" tanong ni Irene sa akin, sabay patong ng kamay n'ya sa hita ko.
"O-oo o-okay lang," sagot ko na nagkanda-utal pa.
Shit naman kasi! Bakit may paghawak pa sa hita?
Napahagalpak naman si Cath, ng tawa kaya napatingin sa kan'ya sina Irish at Anastasia.
Sinamaan ko naman si Cath ng tingin. Kanina pa siguro n'ya kami pinagmamasdan ni Irene.
"Sorry," nag-peace sign s'ya sa aming lahat. "Order na tayo."
Sinabi namin kay Cath at Irene ang gusto namin kainin. Sila kasi uling dalawa ang nagpresinta na bumili ng mga pagkain namin kagaya noong kumain kami sa Mcdee noong sabado.
Mag-aabot na sana ako ng pera kay Cath ng pigilan ako ni Irene.
"Huwag na, libre na lang kita," matamis ang ngiti n'ya sa akin kaya kahit gusto ko sanang tumanggi ay hindi ko na lang ginawa.
"Nakz! Gusgusin ka na nga, user ka pa," sabi ni Anastasia ng makaalis sina Irene kasama si Cath.
"Excuse me? Ako ba pinaparinggan mo?" tanong ko kay demonyita na wala na yata ibang nakita kun'di ako.
"Oo, may iba pa ba? Ikaw lang naman ang pulubi rito," walang kagatol-gatol na sagot n'ya sa akin na nakataas pa ang kilay.
"Asia, sumosobra ka naman na," saway ni Irish sa kaibigan.
Jusko! Makakapatay yata ako ng tao ngayon!
"Ano bang problema mo, ha?! Kanina ka pa. Hindi ako nagpalibre d'yan sa kaibigan mo, kusa n'ya iyon. Nahiya lang akong tumanggi tapos sasabihan mo agad ako ng user?" sabi ko.
Galit na galit ang pakiramdam ko ngayon sa kanya. Nangangatal ang buo kong katawan at med'yo naiiyak na rin ako.
Ganito kasi ako magalit, naiiyak ako at gusto ko talagang manakit.
"Ano na naman bang nangyayari rito?" tanong ni Irene nang makarating sila ni Cath. Narinig din yata nila ang sinabi ko kaya ganun.
Si Cath ay nakatingin lang sa akin ng may pagsimpatya bago sumulyap kay demonyita.
"Si Asia kasi," sabi ni Irish at sumulyap kay Anastasia.
"What? Wala akong ginagawa, I'm just saying a fact," baliwalang sagot niya.
Napailing na lang ako bago tumayo at umalis na lang doon dahil baka hindi talaga ako makapagpigil.
Dinig ko ang pagtawag ni Cath at ni Irene sa akin pero hindi ako lumingon.
Kailangan ko munang magpalamig, at mailabas ang galit ko para maging ayos ang pakiramdam ko. Hindi ako p'wede um-attend ng afternoon class ko na ganito ako.
Nagpunta ako sa rest room para roon umiyak at magpalamig. Panay ang vibrate ng cellphone ko pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino.
Pagkatapos kong maiiyak ang galit ko. Kinuha ko ang panyo at compact mirror ko at nagpolbos ng konti para naman hindi masyadong halata ang mata ko.
Lumabas na ako ng cubicle ng masiguro kong okay na ako kahit paano.
"Okay ka na?" tanong ni Cath, paglabas ko ng cr.
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Oo, med'yo okay na. Bakit ka nandito?"
"Wala, gusto ko lang i-check kung ayos ka lang ba," sagot n'ya. Naglakad na kami papunta sa next class ko kahit na may kalahating oras pa naman bago magsimula iyon.
"Parang hindi mo naman ako kilala, iiyak ko lang ang galit ko at okay na ako pagkatapos," sagot ko.
Nandito na kami sa tapat ng classroom ng next class ko pero hindi muna ako pumasok. Tumambay muna kami ni Cath sa pathway para mag-usap.
"Ay! Muntik ko ng makalimutan, may ipanapabigay pala si Irene," sabi ni Cath. Binuksan n'ya ang backpack n'ya at may kinuha sa loob.
Iniabot n'ya sa akin ang isang supot. Kinuha ko 'yun at tiningnan ang laman.
"Nag-abala pa s'ya, baka kung ano-ano na naman sabihin ng kaibigan n'yang demonyita," sabi ko.
Natawa naman si Cath sa sinabi ko. "Huwag mo ng intindihin si Anastasia, baka may crush lang 'yun sa'yo at nagseselos kay Irene."
Ako naman ang natawa. "Tangina n'ya 'wag na s'yang magka-crush kung ganun ang ugali n'ya. Malapit na akong maubusan talaga ng pasensya sa babae na 'yun."
"Hayaan mo na, 'wag mo na lang pansinin. Sige na, pumasok ka na sa loob ng makakain ka muna bago magsimula ang klase mo," sabi ni Cath, "Ako'y pupunta na rin sa building namin."
"Sige salamat, pakisabi na rin kay Irene," sabi ko.
Tumango lang si Cath sa akin bago umalis, ako naman ay tumalikod na rin at pumasok sa loob.
Binuksan ko ang supot na padala ni Irene at napangiti ako. Kompleto 'yun, may kanin, ulam at may saging pa. Meron din palang bottled water na kasama.
Kinain ko ang pagkain, kahit naman paano bumalik na 'yung gana ko sa pagkain, isa pa gutom na rin ako.
Inaalok ko ang mga classmates ko na napapatingin sa akin. Nakakahiya naman na kain ako nang kain tapos hindi ako nag-aalok.
Saktong tapos akong kumain ay dumating na ang teacher ko sa entrepreneurship.
Nag-disscus lang s'ya ng mga kung ano-ano. Sinabi ni Ma'am na makinig kami dahil bukas ay may suprise quiz s'ya.
Natawa pa nga ako kasi bakit suprise kung sinabi naman n'ya ngayon.
Mabilis lang naman natapos ang klase ko sa buong maghapon at ngayon nga ay uwian na.
Pagkatapos kong maayos ang gamit ko sa bag ko ay lumabas na ako ng classroom, pero nagulat ako ng paglabas ko ay nandoon si Irene sa gilid ng pinto.
"Hi," alanganin bati n'ya sa akin na may alanganin din ngiti. Infairness naman ang cute n'ya kapag ganito s'ya.
"Hello, bakit ka nandito?" tanong ko. Nakangiti rin ako sa kanya.
"Wala, gusto lang sana kitang makausap, kung free ka?" tanong n'ya na parang nahihiya.
"Sige, sige. Wala naman na akong klase at pauwi na rin ako ngayon talaga. Saan mo ba gustong mag-usap?" tanong ko.
Iniisip ko kung ano ba ang pag-uusapan namin at mukhang importante dahil hinintay n'ya pa talaga ako rito.
"Okay lang ba kung sa Mcdee tayo? Para makapag-merienda na rin," sabi n'ya.
Tumango ako kaya naglakad na kami palabas ng university at nagpunta sa parking lot ng mga estudyante.
Sumakay kami sa kotse n'ya at nagsimulang bumiyahe papunta sa Mcdee na malapit lang naman rin dito sa university namin.
"Anong gusto mong kainin?" nakangiti na tanong n'ya sa akin pagpasok namin sa Mcdee.
Dahil sa tanong n'ya bigla kong naisip ang deal namin ni Cath. Ang deal kung saan kakainin ko ang bilat niya.
"Kahit ano na lang," sagot ko na hindi makatingin sa kanya. Feeling ko kasi nag-iinit ang pisngi ko dahil sa naalala.
"Sige ako na lang," sagot n'ya. Napatingin naman ako sa kan'ya bigla dahil sa sinabi n'ya.
"H-huh?" nautal na sabi ko.
"Ako na lang ang bahalang um-order kako," natatawa n'yang sabi sa akin. "Ang cute mo, alam mo ba 'yun?"
Umalis na s'ya at nakipila na sa counter ay tulala pa rin ako na nakatingin sa kanya.
Natauhan lang ako ng lumingon s'ya ulit sa akin at kinindatan ako.
Ipinilig ko ang ulo ko para matauhan. Hayst! Matalino ako pero kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko dahil sa mga pakulo ni Cath.
Habang hinihintay ko si Irene sa pag-order n'ya ay pinagmasdan ko s'ya.
Maganda si Irene, sexy at maputi. Kutis ng isang mayaman ika nga ng iba. Walang lalaki o may pusong lalaki ang hindi mapapahabol ang tingin sa kanya kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pa n'ya si Cath para tulungan s'ya humanap ng magiging ka-partner n'ya sa lesbian s*x.
"Matunaw naman ako," sabi ni Irene na nakangiti. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala s'ya sa akin.
"Okay lang, handa naman akong dilaan ka," wala sa sarili na sagot ko at huli na para bawiin pa.
Pulang-pula ang mukha ko dahil sa hiya habang si Irene ay tawang-tawa sa akin.