"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Cath.
Nakaupo ako dito sa couch nang dumating s'ya at nangungulit na mamasyal daw kami. Ang aga-aga n'ya mag-aya, halos kakagising ko lang at kakatapos ko lang mag-agahan.
Sabado ngayon kaya nandito na naman s'ya sa bahay namin. Ito na ang pinaka-hang out place n'ya kapag nabo-bored s'ya sa bahay nila.
"Sa Makati, may mga bago akong friends doon," sagot n'ya, "mga classmates ko."
Buti pa s'ya may mga bago ng kaibigan samantalang ako, meron din naman pero hindi ko masabi na close na kami. We chat sometimes pero aside from that, wala na.
Sabagay hindi naman na ako magtataka pa na may bago na s'yang mga kaibigan dahil likas naman sa kanya ang pagiging friendly. Samantalang ako med'yo aloof ako sa iba lalo na kapag bagong kakilala.
"Okay. So ano naman gagawin natin doon?" tanong ko.
"Maglalaro tayo ng basketball," sagot niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"Basketball? Bakit player din ba ang mga bago mong friend na taga roon? tanong ko.
"Actually hindi," sagot n'ya na nakangiti.
"Hindi pala, eh bakit doon pa tayo maglalaro?" naiinis ako, "Anong meron sa court nila na wala sa court natin?"
Tumikwas ang nguso n'ya sa tanong ko.
Natatawa ako pero pinipigilan ko lang. Mukha kasi siyang tanga kapag ginagawa iyon.
Gan'yan s'ya kapag nase-sense n'ya ang pagkapilosopo ko.
Nakakaasar naman kasi. Hindi naman kasi ako mahilig gumala tapos aayain ako roon, samantalang wala ako kahit isang kakilala na nakatira roon.
Ay mayroon pala, ang dragon palang si Anastasia ay taga roon. Napangiti ako ng maalala ko bigla ang babae na iyon.
"Oi sino 'yang naalala mo at bigla ka na lang ngumiti d'yan?" tanong n'ya.
Sinundot n'ya ako sa tagiliran kaya napaigtad ako.
"Huwag ka nga! Kapag ngumiti may naalala na agad?" tanong ko.
Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ko at naupo sa kama ko. Sumunod naman s'ya agad sa akin at naupo sa tabi ko.
"Oi, umiiwas s'ya. Guilty ka noh?" mapang-asar na sabi n'ya sa akin at sinundot na naman ako sa tagiliran ng sunod-sunod. "Aminin! Ayiee!"
Panay ang palag ko sa ginagawa niya sa akin. Feeling ko anytime babalik palabas sa bunganga ko ang kinain ko dahil sa pagsundot n'ya.
"Ano ba? Isa," sabi ko sabay tawa. "Dalawa. Ano ba? Tatadyakan kita makita mo!"
Pero kahit anong banta yata ang gawin ko sa best friend kong ito ay balewala sa kanya. Kahit yata mamatay na ako sa pagtawa ay hindi nya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang dahilan ng pagngiti ko.
"Oo na! Sasabihin ko na, l*tche ka!" sigaw ko at otomatik na tumigil s'ya sa ginagawa niya sa akin.
Ngiting tagumpay ang walanghiya habang hinihintay akong magsalita.
"Naalala ko lang si Anastasia," sabi ko ng makalma ko ang aking paghinga pagkatapos tumawa nang tumawa.
"Ayiee! Crush mo na ba?" tanong n'ya, "Kalahi na ba kita, bespren?"
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Crush ka d'yan! Kahit s'ya na ang nag-iisang babae sa mundo, hindi ko s'ya papatulan."
Humalakhak ang walanghiyang kaibigan ko, kaya maang akong nakatingin sa kanya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang s'ya.
Nakakahiya naman sa trip n'ya kung aabalahin ko s'ya sa pagtawa n'ya ng wagas na hindi ko alam ang dahilan.
Jusko! Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na may sayad at abnormal na kagaya n'ya?
Nagpunas s'ya ng gilid ng mata na may luha dahil sa pagtawa n'ya.
"Tapos ka na? Okay na? Baka gusto mo pang ituloy, ayos lang sa akin," sarcastic kong sabi sa kanya.
"Taray mo." sabi n'ya, "Sorry naman, natawa lang kasi ako dahil sa sagot mo, masyadong defensive."
"Defensive? Bakit naman ako magiging defensive? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Never kong magugustuhan ang babaeng 'yun, over my dead and sexy body!" sagot ko.
"Oo na. Sabi mo eh," sabi na lang n'ya na labas sa ilong, "Hindi pa rin ba kayo magkasundo? Dalawang linggo na kayong magkaklase, wala pa rin pagbabago?"
Umiling ako. "Paano magbabago ay ang init ng dugo n'ya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya."
Nahiga ako sa kama, parang gusto ko 'uli na matulog.
"Baka naman crush ka ng babae na 'yun kaya ganun s'ya sayo," sabi n'ya at nahiga sa tabi ko ng patigilid paharap sa akin bago yumakap.
"Tsansing ka na naman," biro ko.
"Oo, alam mo naman na type na type ko 'yang katawan mo na 'yan," sagot n'ya at ipinasok sa loob ng suot kong t-shirt ang kamay n'ya sa humaplos sa t'yan ko.
Napabalikwas tuloy ako ng bangon sa ginawa n'ya. "Kadiri ka!"
Tawa na naman s'ya ng tawa. "Ang arte! Lugi ka pa ba sa akin?"
"Oo lugi ako dahil madami ng babae ang tumikim d'yan sa katawan mo," sagot ko.
"Yabang mo! Naliligo naman ako araw-araw, at saka after s*x," tatawa-tawa pa rin s'ya. "Alam mo ba na dahil sa pagtanggi mo sa katawan ko ang laki ng nawawala sa'yo? Ang sarap kaya ng mani ko."
Basta kahalayan buhay na buhay s'ya sa usapan.
"Whatever," sagot ko habang nakangiwi na nakatingin sa pagitan ng mga hita n'ya.
Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kumakain ng ganun.
Seriously? Paano n'ya ba nasabing masarap s'ya o 'yung ibang kinakain n'ya? Ano bang lasa ng p*tangina 'yun?
Tinakpan n'ya ng dalawang kamay ang harapan n'ya kung saan nandoon ang kepyas n'ya na akala mo naman nakikita ko talaga.
"Kunyari ayaw, pero bakit ka nakatingin?" pang-aasar na naman n'ya sa akin. Alam n'ya kasing hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya kapag kalaswaan ang pinag-uusapan.
"Ewan ko sa'yo, d'yan ka na nga at maliligo muna ako," paalam ko at lumabas na ng kwarto.
"Bespen, hindi mo kailangan magsarili ha, nandito lang ako," pahabol na sigaw n'ya sa akin.
Napailing na lang ako at hindi na sumagot. Lalo lang n'ya akong aasarain.
Naligo lang ako ng mabilis at gaya ng dati kapag nandito si Cath, dito 'uli ako sa banyo nagbihis. Mahirap na at baka ma-rape ako ng wala sa oras.
Mukhang tigang ang babaita na 'yun kaya ako na naman ang pinag-iinteresan.
"Tara na f*ck girl," tawag ko sa kanya ng sumilip ako sa pintuan ng kwarto ko.
Nakahiga s'ya sa kama at nakapatong ang isang braso sa ibabaw ng kanyang noo.
"Hoy! Tara na sabi," sabi ko 'uli pero hindi pa rin sya gumagalaw.
Napakamot ako ng ulo ko bago pumasok sa kwarto at lapitan s'ya.
Inuga ko ang dalawang balikat nya, "Catherine, ano ba?"
Hindi pa rin sya kumikilos, iniinis na naman ako ng babaeng ito.
"Kapag hindi ka pa bumangon hindi na talaga ako sasama," sabi ko.
Tumayo na ako at lalabas na sana ng pinto ng magsalita s'ya.
"Wala ka talagang katiyaga-tiyaga pagdating sa akin. Nakakatampo ka na alam mo ba 'yun?" bumangon na s'ya ng kama pero nakaupo pa rin.
"Alam mo rin ba na malapit na akong maubusan talaga ng pasensya sa kaartehan mo?" ganti ko. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay.
"Sabi ko nga, tayo na." sabi n'ya sabay tayo. Kumapit s'ya sa braso ko ng nakangiti na akala mo ay hindi nagmaarte kanina. "Tara bespren, magpapawis tayo."
Napailing na lang ako. Kahit ba maayos naman ang sinabi n'ya feeling ko may kabastusan pa rin sa likod ng salitang iyon.
Sumakay kami ng kotse n'ya dahil wala naman akong kotse, so, sa kotse n'ya talaga kami sasakay.
Mabilis lang naman ang naging biyahe namin papunta sa Makati, mga 30 minutes siguro kung inorasan ko talaga.
Bumaba kami sa covered court ng Makati na mapapa-wow ka sa lawak at ganda.
Nakaramdam tuloy ako ng excitement maglaro ng basketball.
"Mitch," tawag sa akin ni Cath, sabay bato ng bola ng basketball. Kaagad ko 'yung nasalo at pinaikot sa hintuturo ko bago ko kinipit sa kilikili ko.
Naglakad kami papasok sa loob ng court. Ang kintab ng sahig, pwede na s'yang gawing salamin.
Pinatalbog-talbog ko ang bola habang palinga-linga sa paligid. Wala naman ibang tao rito kung hindi kami lang dalawa.
"Akala ko ba may mga friends ka na tatagpuin dito?" tanong ko. Nagdi-dribble ako ng bola bago ipinasa sa kanya.
"Oo, baka papunta na. Nai-text ko naman na sila na nandito na tayo," sagot n'ya at itinira ang bola sa ring.
Pumasok iyon kaya tumakbo ako para kunin ang bola. Muli ko iyong i-dribble habang nag-aantay ng tiempo si Cath na maagaw sa akin ang bola pero sorry s'ya, hindi ko s'ya pagbibigyan.
Pinadaan ko sa gitna ng mga hita ko ang bola habang patuloy pa rin sa pag-dribble bago nag-fake na titira kaya tumalon agad si Cath.
Isang ngiti ang pinakawalan ko dahil kumagat s'ya, inikutan ko s'ya bago ko itinira ang bola at pasok na pasok iyon sa ring. Hindi man lang sumayad kahit sa gilid ng ring ang bola. Ganun ako kagaling. Para saan pa at scholar ako sa larong ito kung palyado ako, 'di ba?
Nagpagpag ako ng gilid ng balikat ko habang nakangisi para asarin si Cath.
"Ang yabang. Pustahan tayo gusto mo?" hamon n'ya sa akin.
Napataas naman ang kilay ko. First time n'ya akong hamunin sa larong ito na ipinagtaka ko, dahil alam n'ya ang karakas ko. At isa pa, never pa s'yang nanalo sa akin sa larong ito.
Player din kasi itong si Cath noong high school kami. Hindi na nga lang s'ya nagpilit lumaro ngayon sa college dahil hindi na kakayanin ng schedule n'ya.
"Sure ka?" tanong ko, "Ano naman ang pagpupustahan natin?"
Ngumiti s'ya sa akin. "Unahan tayong maka-ten points, pero bawat isang shoot counted lang 'yun as one point. Tapos kung sino ang matalo ay susunod sa utos ng nanalo."
"Anong utos naman 'yan?" tanong ko. Mahirap na, kilala ko si Cath, puro kalokohan ang alam n'yan sa buhay at alam ko kapag nag-utos 'yan ay wala kang aasahan na tino sa ipapagawa n'ya sa'yo.
"Bakit mo itinatanong agad? Magaling ka naman, 'di ba?" nakakalokong tanong niya.
"Magaling ako, alam mo 'yan, pero sa laro walang magaling-magaling nasa diskarte at s'werte 'yun," sagot ko.
Para kasi sa akin bilog ang bola, kung magaling ka pero swerte ang kalaban pwede ka pa rin matalo. Ika nga walang kasiguraduhan sa buhay. Lahat kailangan mong sugalan para malaman kung mananalo ka ba o hindi sa landas na tinatahak mo.
May konek ba? Ewan, basta 'yun na 'yun!
Tumango si Cath, hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi.
"Sige ganito kapag ikaw ang nanalo, ipagawa mo na sa akin lahat ng gusto mong gawin ko, kahit ano pa 'yan, kahit na sa tingin mo ay hindi ko kaya. Kahit pa nga siguro sabihin mo sa akin na makipag-date ako sa lalaki ng isang buong linggo gagawin ko," mahabang sabi n'ya, "Tapos bibigyan pa kita ng 10 thousand sa allowance ko."
Napangiti naman ako. Ang laki kasi ng pusta n'ya kahit na never pa s'yang nanalo sa akin sa lahat ng laro namin.
"Paano kapag natalo naman ako? Wala akong perang pampusta dyan sa 10 thousand mo," sabi ko.
"Alam ko naman 'yun, baliw! Kapag natalo ka susundin mo lang ang utos ko with a proof," sabi n'ya sabay kindat sa akin.
Hindi ko pa man naririnig kung ano ang utos niya ay kinakabahan na ako. Ang laki ng pusta nya kapag natalo s'ya at alam ko na malaki rin ang kapalit kapag nanalo siya kahit na wala akong ilalabas na pera.
Pakiramdam ko hihingin nya ang puri ko sa larong ito.
"Ano bang ipapagawa mo sa akin kung sakali na matalo mo ako?" tanong ko.
"Kapag natalo kita, gusto kong subukan mong kumain ng tahong bespren," nakangiti na sabi nya.
"Tahong? G*gi ka ba? Kumakain naman ako talaga no'n," sagot ko.
"Alam ko, pero hindi naman kasi 'yung tahong na tahong talaga ang itinutukoy ko," natatawa n'yang sabi.
"Ha?" naguluhan naman ako. Ano ba 'yung tahong na hindi tahong? Nag-aadik na naman yata 'tong kaibigan ko..Kung ano-ano na namang sinasabi.
"Tahong na hilaw bespren," sabi n'ya, "p*pe ang tinutukoy ko."
Literal na napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Ako kakain ng ganun? Hindi pa naman ako kapatay gutom para kumain ng bilat ng may bilat. Isipin ko pa nga lang parang babaliktad na ang sikmura ko. Tsk!