Chapter 3: Mitchell

2028 Words
Naman! Bakit naman sa tabi ko pa pinapaupo ni Ma'am ang babae na 'yan? Nakakaasar! Naglakad ang babae na lagi yatang may dalaw papunta sa upuan sa tabi ko. Padabog s'yang naupo na akala mo nalugi. "Ano? Anong sinisibangot-sibangot mo d'yan?" mataray na tanong n'ya sa akin, "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napaupo rito!" "Ako?" sabi ko sabay turo sa sarili ko. "Bakit ako? Ako ba ang na-late? Ikaw ang late, kaya kasalanan mo!" Sisihin daw ba ako kung bakit s'ya napaupo sa tabi ko. Adik lang ang peg n'ya. Siya ang pahuli-huli ng dating sa klase tapos sa akin isisisi. "Kung hindi mo ako binangga kanina at tinapunan ng kape, hindi sana ako pupunta ng banyo para magpalit ng damit!" bulong n'ya pero madiin bawat salita. Ano raw? Iyon pa rin ang issue n'ya hanggang ngayon, na kung tutuusin naman ay kasalanan n'ya naman talaga iyon at hindi sa akin. Asar akong bumaling sa kan'ya. "Hindi mo ba alam ang salitang move on? Ang bitter mo masyado sa akin, samantalang kasalanan mo naman lahat." Hindi na s'ya nakasagot dahil nagsalita na ang teacher namin. "Class, iyang mga inuupuan n'yo ngayon ay ang magiging permanent seat n'yo sa klase ko sa buong school year. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Ms. Alvarez ang aming adviser dito sa aming home room and teacher namin sa subject na Business Law. What? Putcha naman! Gusto kong sumigaw ng objection Ma'am, ayoko po sa katabi ko. Kaso sumagot na ang mga classmates namin ng yes Ma'am kaya ano pa bang magagawa ko. Wala rin naman akong lakas ng loob magreklamo, baka ma-bad shot pa ako kay Ma'am kapag ginawa ko 'yun. Ayoko pa man din ng may nagagalit sa akin na sexy at maganda na babae este ayoko ko na may nagagalit sa akin. Ano ba self, focus! Nahahawa ka na sa best friend mo ng kamanyakan. Nato-tomboy na rin yata ako. Sumulyap ako sa katabi ko at mukhang parehas talaga kami na ayaw makatabi ang isat-isa. Nakasimangot kasi s'ya at ng hahaba ang nguso. Sa sobrang haba nga niyon, p'wede na sigurong pagsabitan ng palayok. Natawa ako sa naisip ko kaya tumingin sa akin ang babaeng dragon na katabi ko at ang sama ng tingin sa akin. Balewala lang naman akong tumingin sa kan'ya. Bahala s'ya d'yan. "Okay class before we start our class, you will introduce yourself one by one here at the front," sabi ni Ma'am, "I will call you one by one. So let's start." Ano ba 'yan?! Ito 'yung pinakaayaw ko sa unang araw ng klase, ang pagpapakilala. Feeling ko para pa rin akong nasa elementary. Nagsimula ng magtawag si Ma'am, at nakinig naman ako sa mga kaklase ko na nagpapakilala ng kanilang sarili. Unlike rito sa katabi ko, na parang walang pakialam na nakatingin lang sa kan'yang kuko. Gusto ko tuloy tanungin kung anong meron doon at kanina pa s'ya nakakatitig. Kaso alam ko natatarayan lang ako ng babaeng dragon na 'to. Mabilis lang ang naging pagtawag ni Ma'am dahil konti lang kami sa klase siguro nasa 30 lang kami rito, kaya ngayon ay turn ko na agad. Naglakad ako papunta sa unahan sa tabi ni Ma'am. s**t ang bango ni Ma'am! Ang sarap kainin, ay amuyin pala. Hayst! Kailangan ko na talagang magsimba, inaagiw na yata ang utak ko talaga. "Hello, good morning. I'm Mitchell Mariano, 19 years old from Sampalok, Manila," 'yun lang ang sinabi ko at naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Letche! Daig ko pa ang sumagot sa recitation sa kabang nararamdaman ko. May tinawag pa si Ma'am na dalawa pang kaklase ko bago pa maging turn ng katabi ko. Naglakad s'ya papunta sa unahan na akala mo rumarampa sa catwalk. Sarap sipain! Ang arte! Akala mo naman maganda. Puno ng confidence na tumayo s'ya roon at parang tiningnan isa-isa ang mga narito sa loob ng classroom bago pumunta ang tingin sa akin. Sige na nga, maganda na s'ya, demonyita lang ang ugali. "Hello everyone, I'm Anastasia Salvador, 19 from Makati City," pagpapakilala n'ya. Natatawa ako pero pinipigilan ko lang. Hindi ko kasi alam kung ako lang ba o parang ang way n'ya ng pagpapakilala ay parang lumalaban sa Ms. Universe. Napatingin ako kay Ma'am, at amuse rin s'yang nakatingin kay Anastasia. "Thank you Ms. Salvador, you can go back on your seat," sabi ni Ma'am kaya naglakad na s'ya pabalik sa tabi ko. Tumingin s'ya sa akin at maarteng nag-flip ng kan'yang buhok, bago naupo. Inirapan ko lang s'ya. Akala mo ang ganda-ganda n'ya. Kalbuhin ko s'ya makita n'ya! "Okay, let's start class. Copy this for now and we will discuss it tomorrow," sabi ni Ma'am at nagsisimula ng magsulat sa white board. Kinuha ko ang notebook ko para sa subject na ito at nagsimulang magsulat at kopyahin ang sinusulat ni Ma'am, ng bigla na lang akong sikohin ng katabi ko dahilan para mapaguhit ako sa sinusulat ko. Punyemas! Sa lahat naman ng ayoko ay ang madumi ang kopya ko. Tumingin ako sa katabi ko kung magso-sorry ba s'ya o ano. "What?" mataray na tanong n'ya sa akin. Makakasapak talaga ako ng tao ng maaga! "Hindi ka man lang ba magso-sorry?" tanong ko at ipinakita ang notebook ko sa kan'ya. "Bakit ako magso-sorry? Ako ba ang gumuhit d'yan sa notebook mo?" nakataas ang kilay na tanong n'ya. Anak naman ng tupa! S'ya pa talaga ang mataray ngayon. Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko! Naghahanap yata talaga s'ya ng gulo! Hindi porke't mayaman s'ya ay hindi ko na s'ya papatulan. Hindi ako sumagot, useless makipagtalo sa kagaya n'yang may saltik yata sa utak. Humanap ako ng tiempo bago ko ginawa ang plano ko na pagganti sa kan'ya. Habang focus na focus s'ya sa ginagawa n'ya ay saka ako sumugod. Inuga ko ang upuan n'ya dahilan para magulat s'ya at mapaguhit din sa sinusulat. Ngiting tagumpay ako ng makita ang guhit sa sinusulat n'ya. "What the f**k Mariano?!" sigaw n'ya, dahilan para mapalingon si Ma'am sa amin. Napapikit ako dahil sa ginawa n'ya. Hay naku! Anong feeling n'ya nasa pakengke s'ya? "Ms. Mariano and Ms. Salvador, what's the commotion there?" naglakad si Ma'am palapit sa amin. "She drew on what I was writing," sumbong n'ya na parang bata. Tuktukan ko kaya s'ya?! Anong ako ang gumuhit ay s'ya naman ang may gawa niyon at hindi ako. "Ms. Mariano, why did you do that?" tanong ni Ma'am. "Sorry Ma'am, but she's the one who started it," sabi ko, "she elbowed me, that's why I drew also on my copy." Napakamot naman si Ma'am sa kilay n'ya. "Ms. Salvador, you started it, so why you react like that? I'll just remind you that you're in college, avoid acting like a child. And one more thing, you're not in the market to shout like that. Watch your manners." Hindi s'ya sumagot at nagbaba lang ng ulo, habang ang mga kaklase namin ay natawa dahil sa sinabi ni Ma'am sa kan'ya. Naglakad na si Ma'am pabalik sa unahan. Naupo na kami at nagsulat na 'uli. Sumulyap ako sa katabi ko na ngayon ay tahimik na nagsusulat. Med'yo nakonsensya ako sa nangyari sa kan'ya kanina. Napahiya s'ya sa buong klase dahil sa akin. Hayst! Kung bakit naman kasi kailangan n'yang sumigaw ng ganun kalakas. Pinilit ko na lang mag-focus sa ginagawa ko hanggang sa matapos na ang aming klase. Naunang naglakad palabas si Anastasia. Napailing na lang ako habang nakahabol ang tingin sa kanya. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay naglakad na rin ako palabas para pumunta sa next subject ko. Pagdating ko sa class room, madami na ang nanduon na estudyante. Nakaupo na sila sa mga upuan kaya naghanap ako ng bakante na p'wede kong upuan ng makita ko ang gitnang bahagi na bakante sa tabi ng bintana. Agad akong naglakad papunta roon at nakangiting naupo. Ang presko ng hangin sa p'westo ko. Nakaka-relax kahit papaano. Naisip ko bigla si Cath, kung kamusta kaya ang araw n'ya. Magkaiba kasi kami ng course kaya wala kami kahit anong subject na magkapareho. Medicine ang course ni Cath, pangarap n'yang maging doctor bata pa lang kami. Samantalang pangarap ko naman maging isang pulis noon pero habang lumalaki ako naisip ko na mas maganda kung pang opisina ang maging trabaho ko para malaki ang sweldo, kaya ito ako ngayon, accounting student. "Excuse me, p'wede bang umusod ka ng konti," sabi ng isang boses na pamilyar sa akin, kaya lumingon ako. Nagsalubong din ang kilay n'ya ng makita ako. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" mataray na naman tanong ni Anastasia sa akin. "Namamalengke?" sagot ko. Gusto ko lang s'yang asarin. Nakakainis ang taray na naman n'ya. Akala ko dahil napagalitan na kanina titigil na s'ya. "Niloloko mo ba ako?" inis na tanong n'ya at naupo sa tabi ko. I guess wala ng ibang bakante kaya s'ya naupo sa tabi ko. Ano bang meron at pinagtatagpo kami palagi ng dragon na 'to? "Hindi. Kaso kung nag-iisip ka naman kasi, hindi mo na ako tatanungin kung anong ginagawa ko rito 'di ba?" sabi ko. "Whatever!" sabi n'ya at tumalikod na ng upo sa akin. Sakto naman dumating na rin ang teacher namin para sa subject na ito. Gaya sa unang klase namin, nagpakilala rin kami isa-isa sa unahan. Pero unlike naman sa unang klase namin, tahimik kami ngayon ni dragona. Hindi nga s'ya lumilingon sa p'westo ko. Parang isang malaking kasalanan para sa kan'ya kapag ginawa n'ya iyon. Mabilis din lang natapos ang klase namin dito. Gaya kanina ay naunang umalis ang babaeng dragon. May lakad 'ata kaya laging nagmamadali. Lumabas na ako ng makalabas na ang halos lahat ng kaklase ko. Tinawagan ko si Cath, at sinabing magkita na lang kami sa canteen dahil lunch na. Pagpasok ko sa canteen nakita kong kumaway si Cath sa akin. Nakaupo na s'ya sa isang table at may pagkain na rin sa kan'yang harapan. "Kanina ka pa?" tanong ko. Inilapag ko sa isang upuan ang bag ko at naupo ako sa tabi n'ya. "Hindi naman masyado bespren," sagot n'ya, "Tara kain na tayo." Tumango ako at kinuha ang binalot ko sa aking bag. Mas mura kasi kung magbibinalot ako kesa rito bibili sa canteen. Mayayaman ang nag-aaral dito so malamang sa malamang mahal ang mga pagkain na itinitinda nila. Si Cath naman minsan ay nagbabalot din ng pagkain noon sa school namin para sabayan ako. "Kamusta ang klase mo bespren?" tanong n'ya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako sumagot. "Ay naku! Malas Cath." Kumunot naman ang noo n'ya habang ngumunguya. Sumubo 'uli ako ng pagkain ko, gutom na gutom na ako. Nakakaubos ng energy ang makipagtalo sa babaeng dragon. "Bakit malas?" tanong n'ya, bago muling sumubo ng pagkain. "Gusto mo bespren?" Umiling ako sa inaalok n'ya na pusit. Hindi ako kumakain ng pusit, alam naman n'ya iyon, siguro hindi lang talaga n'ya mapigilan ang hindi mag-alok. "Paano naman kasi Cath, nagkita 'uli kami ng babae na sinabi ko sa'yo noon na nagwala sa mall," sabi ko. "Nagkita lang pala kayo bakit naman malas agad?" tanong n'ya na nagtataka. "Kasi Cath, natapon 'uli 'yung iniinom n'ya kanina umaga tapos ako na naman ang sinisisi n'ya," nakangusong sabi ko kaya natawa s'ya sa k'wento ko. "Alam mo bespren, kung kagaya kita iisipin ko na baka destiny kayo ng babae na 'yun. Biruin mo, lagi kayong pinagtatagpo ay hindi pala, lagi kayong pinagbabanggang dalawa." "Ay naku Cath! Kahit pa kagaya mo ako ayoko sa babae na 'yun. Saksakan ng kaartehan at katapangan. If I know hangin lang laman ng utak ng babae na 'yun at puro pagpapaganda lang ang alam," sabi ko. "Grabe ka naman bespren. Kelan ka pa naging gan'yan ka judgemental?" napailing na sabi ni Cath sa akin. "Ngayon lang Cath, at sa kan'ya lang. Nakaka-badtrip talaga ang babae na iyon, porke't mayaman kung umasta akala mo reyna," sabi ko. Natawa naman si Cath, sa sinabi ko pero hindi na s'ya nakapagkomento dahil may nagsalita bigla sa likuran ko. "Reyna naman talaga ako, hindi kagaya mo. Mukha kang gusgusing pulubi!" sabi ni Anastasia bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Edi wow!" sagot ko at inirapan s'ya. Reyna raw! Ay oo reyna na nga s'ya, reyna ng mga demonyita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD