Abala ang Mansion sa paghahanda sa nasabing big event na magaganap. May tema pa ito sa mini stage na "The real heiress". At masaya iyong pinagmamasdan ni Lyree, ang gaan ng ganyang dibdib. Dahil sa bawat ara na dumaraan ay nakukumpleto na ang mga nawawala niyang ala- ala. Mga nagdaang nangayari na pansamantala niyang nakalimutan sa ilang taon. Bagaman nahuhuli ang kanyang mga ala- ala noong bata pa siya. And it's okay, basta ang mahalaga ay nakaka- alala na siya. Na noon ay hirap na hirap siyang alalahanin kung saan ba siya nanggaling, sino ba ang kanyang nga magulang at bakit siya na- amnesia. Iyon naman pala ay naroon na siya sa kanyang tunay na pamilya nang hindi niya alam. Nang hindi niya namamalayan, tadhana siguro ang siyang nagpatagpo sa kanila ni Dion upang matagpuan na niya ang ka