C-108: May kasunduan?

1074 Words

Nakapaganda ng Mansyon, makikita mong pinaghandaan talaga ang okasyon na magaganap. Napakaraming taong bisita, maraming handa at mga inumin. May mga nagsasasayaw, nagkakatawanan at iba't-ibang mga nakakaaliw na mga gawain. Ang lahat ay nag-i- enjoy sa naturang okasyon at ang mga nandoon ay pawang mga kilala sa alta sosyedad. Kung kaya naman ngiting- ngiti si Venus na nakatunghay habang hawak ang kopitang may laman na alak. "This is it! Saya now, bagsak later!" bulong nito sa kanyang sarili. Siya namang paglapit ni Strawberry kay Venus na nakangiti nang bonggang-bongga. "Happy?" tanong ni Strawberry. "Yes, I'm very happy! Sino ba naman ang hindi masisiyahan nang bonggang-bongga kapag bibigyan ka ng isang big party as an heiress ng billionaire clan?" namimilog pa ang mga mata ni Venus.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD