C-109: The big revelation

1782 Words

Ngising- ngisi si Dion habang nakasunod sa nakasimangot na si Lyree. Binantayan na nito hanggang dumating ang oras na bababa ito papuntang bulwagan. Pero ayaw siya nitong kausapin at pagkatapos nilang magbangayan sa may terasa ng dahil kay Tylane. Katakot- takot na dada ang narinig ni Dion mula kay Lyree na ikinakatawa na lamang niya. "Careful!" wika ni Dion nang medyo napahinto si Lyree dahil sa suot nitong gown. "I can manage don't touch me!" mataray namang sagot ni Lyree. "Bakit ba ang sungit mo kanina pa ha? Pinagbigyan na nga kitang manermon, hanggang ngayon hindi ka pa tapos diyan sa kasungitan mo." Wika ni Dion na napakamot sa sariling batok. "Para hindi ka nasusungitan sa akin, puwes iwanan mo ako, lumayo ka sa akin. Ganoon lang 'yon kasimple, at tungkol naman sa pagngangawa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD