"How's the feeling Dad? Hindi ko sinabi sa'yo ang nadama ko no'ng time na nakilala ko siya, but same tayo ng pakiwari. Hindi ba kaya coincidence lang lahat? May malaki din silang pagkakaiba, which is her deep scar." Sabi ni Spencer nang nakauwi na silang mag-ama. "How do you know that we're the same of thought?" tanong ng Don. Natawa naman si Spencer sabay salin ng alak sa kopitang nasa harapan nito. "Dad, parehas tayo ng guni-guni na kamukha niya si Lyree kaya lang mas OA ang ginawa niyo kanina unlike sa akin na nagkunwari akong walang napansin noon." Paliwanag ni Spencer. Napabuntonghininga si Don Diego. "Bigla kasing kumabog ang dibdib ko pagkakita sa kanya, at first glance talaga para siyang si Lyree. Kung hindi lang sana nagkaroon ng malaking peklat si Neptali sa isang bahagi ng