Wala nang nagawa pa si Tylane kung hindi pirmahan na lamang ang mga papeles na hawak niya. Pagkatapos ay mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata pilit pinapakalma ang kanyang damdamin. Ayaw niyang magalit sa pagkakataong iyon, sapagkat ang emosyong masama na malilikha niya ay isa ring makakasama sa pagbuo ng bata sa kanyang sinapupunan. "Well done Tylane and thank you! Sa wakas, nakapirma ka na rin malaya na tayong dalawa. Sana, hindi na mag-krus ang ating mga landas in the future but for now, babantayan ko mga kilos mo habang processing ang fetus na mabubuo sa iyong sinapupunan. Kung mabubuo ito, I will keep the baby puwede mo naman siyang dalaw- dalawin." Wika ni Dion at ibinigay na nito ang mga papeles kay Deo. "Nooo..hindi ko kaya Dion na lalaki ang ating anak nang hindi tayo buo