Hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Spencer ang mukha ni Neptali. Puzzled siya kung bakit kawangis niya ang nawawalang si Lyree. Ang kaibahan nga lang ay may malaking peklat sa mukha si Neptali habang si Lyree ay napakakinis nito. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit magaan ang kanyang pakiramdam kaninang nakilala niya si Neptali. Pakiramdam niya ay napunan na ang kulang sa kanyang pangungulila sa taong matagal na nilang hinahanap. "Anong problema ng hubby ko hmmmm?" malambing na tanong ni Strawberry nang yumakap ito sa likod ni Spencer. Napangiti naman si Spencer at humarap siya sa kanyang asawa saka nito hinagkan sa noo. "Wala naman Wifey, nagpapahangin lang ako dito sa may veranda." Kaswal na sagot ni Spencer ayaw na muna niyang isiwalat ang kanyang napansin at ba