Bumalik naman sina Neptali sa loob ng bahay para magluto. Habang palibot- libot naman ang mag- amang Spencer at Don Diego sa kabuuan ng resort. Naiwan naman si Dion sa loob ng kwarto nito dahil nakatulog pagkatapos uminom ng gamot. Pambawi ng kanyang lakas upang kahit papaano ay makatayo man lang ito maya- maya lamang. "Alam mo Marga, ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita ko si Don Diego kahit sa malayuan lamang. Para bang napapanatag ako at gusto ko siyang yakapin." Wika ni Neptali habang sila ay nagluluto. "Talaga? Siguro miss mo na ang mga magulang mo ano?" sagot ni Marga. "Sobra...wala lang kasi akong maalala." Malungkot na turan ng dalaga. "Ibig mong sabihin hindi mo sila naaalala?" nanlaki ang mga mata ni Marga. Marahang tumango si Neptali. "Paano nangyari 'yon?" maang na t