Nag-repory si Damien kay Don Diego nang umagang iyon. Umaasa ang Don na mas may malinaw nang natuklasan ang kanyang private investigator na maihahatid nito sa araw na iyon. "Anong balita Damien?" tanong agad ng Don. "Wala pa po akong nakalap na maraming impormasyon Don Diego. Subalit may isa po akong nalamang alam kong magugustuhan niyo." Sagot naman ni Damien sabay lapag sa hawak nitong brown envelope. Tiningnan nang Don ang laman ng nasabing envelope, nag-igting ang kanyang mga panga. "Magdalena have a plastic surgery in Washington, gaya din ni Venus na nagpa-retoke two months ago sa New Zealand." Sabi ni Damien. "Sinasabi ko na nga ba!" bulalas ng Don. "Ang hindi ko pa alam sa ngayon ay kung anong mukha ang kanilang kinopya." Wika ni Damien. Tumango-tango naman si Don Diego saka