Nasa puntod ang mag-asawa kagaya ng sinabi ni Dion kay Neptali noong isang araw ay naroon sila upang dalawin ang ina nito. Kung noon ay ayaw na ayaw niyang nagpupupunta doon dahil palagi niyang nararamdaman ang sakit at naalala ang tagpo kung saan nagpakamatay ang kanyang ina. Ngayon ay tanggap na niya, naliwanagan na siya sa lahat-lahat. Ang mga taong kanyang kinamuhian ay wala palang kasalanan na sa kanyang ina ang problema binulag lang siya nito noong bata pa siya sa kasinungalingan. "Miss na miss mo na siguro ang Mommy mo ano?" tanong ni Neptali kay Dion nang tingnan niya ito habang sila ay magkatabi. Kakatapos lang nilang mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila kasabay nang isang bouquet ng red roses. "Oo naman! Kahit ganoon lang siya mahal ko pa din siya kasi wala ako dito s