Shocked ang lahat sa resulta ng ultrasound at transvaginal ultrasound ni Lyree. Halos hindi makagalaw si Dion habang nakatingin sa monitoring screen ni Aivee na siyang gumagawa ng test kay Lyree. Kunusot-kusot pa nito ang kanyang mga mata upang masigurado niyang hindi ito namalik-mata lamang. Habang si Lyree ay kagat nito ang kanyang labi dahil mukhang hindi siya ligtas sa sinapit ni Strawberry noong nagbuntis ito sa triplets. "Congratulations! Ang galing ng matres ni Lyree, magkapatid nga kayo ni Strawberry. And, ask ko lang if we need to clarify also their genders?" wika ni Aivee. Saka pa lamang yata natauhan si Dion na butil- butil ang pawis nito sa noo. Papaano ba naman kasi ay, triplets din ang nasa sinapupunan ni Lyree. "P- Puwede na bang makita ang genders nila?" nautal pang tano