Sumailalim na si Lyree sa operation para maalis ang malaking peklat nito sa kabiling pisngi at maayos na ang kanyang mukha na kagaya jg dati. Okay naman ang procedure safety para sa kanya bilang buntis. At mamaya pa gagawin ang ultrasound para masiguradong walang apekto sa baby ang isinagawang operation. Habang si Dion naman ay hindi mapakali sa labas habang nasa operating room pa lang si Lyree. "Bakit hindi ja mapakali diyan? Relaks ka lang, she's brave and a warrior, kaya niya ang operation." Pampakalma naman ni Spencer sa kanya. Napabuntonghininga naman si Dion saka naupo din sa wakas. "Hindi ko lang maiwasan na hindi kabahan." Sagot nito. "Asus! Hindi mo pa ba kilala ang mga Agoncillo? Matatapang mga 'yan, walang inuurungang laban!" pagmamayabang naman ni Spencer. Napangisi naman