Kinabukasan. Makirot ang ulo ni Dion, mabigat iyon na para bang mabibiyak. Matagal- tagal na din siyang hindi nagkaganoon ilang taon na. Nagbagong buhay siya noong lumaki na parehas sila ni Spencer. Kung iinom man siya ay tama lang at bihirang sobra dahil alam niya ang epekto ng alak sa isang tao kapag nasobrahan. At ngayon nga ay nasobrahan niya hindi maikakaila iyon. "Gising ka na pala, dumating kahapon sina Mama at Papa kasama si Spencer at Strawberry." Boses ni Neptali. Nakatalikod kasi si Dion dahil nakaharap siya sa pader kung nasaan naroon ang malaki nilang larawan ni Neptali noong ikinasal sila sa huwes. Natigilan naman si Dion at nahimasmasan ito. Nakalimutan niya yatang iba na ang sitwasyon nila ni Neptali ang kanyang inasawa na kapatid niya pala sa ama. Napalunok si Dion, hind