Tensyonado at kabado ang lahat nang nasa resort. Sino ba naman ang hindi kakabahan at matetensyon kung biglaang marami ang susugod na animo may bakbakang magaganap? "Nasaan si Neptali? Nasaan siya?!" atat na tanong ni Strawberry nang makarating sila doon sa resort. "Nasa taas po!" sagot ni Marga. "Ang anak ko Carmen nasaan siya? Alam kong nabigla ito sa revelation ni Neptali," tanong naman ni Don Diego kay Yaya Carmen. "Iyan nga ang ipinag- aalala ko Don Diego pero kasama naman niya 'yong tatlo kaya kahit papaano medyo kampante naman akong wala siyang gagawing hindi maganda." Tugon naman ni Yaya Carmen bagama't may pag-aalala pa din sa mukha nito. Tumango-tango si Don Diego saka na ito umakyat sa may hagdan kasunod ang iba pa. On the way na din si Donya Magdalene na umiyak pa dahil sa