Unti- unting bumabalik kay Neptali ang nangyari sa kanila kagabi ni Dion doon sa yate. Ang maiinit na kanilang halikan, mga haplos niyang nakakabaliw at ang kanilang mga ungol dahil sa pagtampisaw sa rurok ng kaligayahan. Ang masakit at makirot na pagkuha ni Dion sa kanyang virginity subalit napalitan naman nang hindi maipaliwanag na kasarapan upang kapwa silang parang nakalutang sa alapaap. Nagbalik ang kamalayan ni Neptali nang maramdaman nitong yumakap si Dion sa kanya, napalunok ang dalaga sabay gala ng kanyang paningin. Napaawang ang labi nito dahil nasa yate pa sila at hindi pa nga nakauwi. Biglang nagtalukbong si Neptali pagkagising nitong alisin ang kamay ni Dion na nakayakap sa kanya. Magkahalong hiya at pangamba ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Umungol naman si D