Pabalik na sana sina Dion sa pampang subalit hindi niya maandar ang yate. Nakadawalang bote pa nga sila ng champagne ni Neptali, nagtataka nga ito dahil hindi gaanong nalasing ang dalaga. Kadalasan kasi sa mga hindi umiinom ng alak na babae ay agad nalalasing sa ilang shot lamang. "Ano ba 'yan, papadilim na kaya!" angal ni Neptali. Hinihingal na din si Dion at lupaylay na rin ito sa pagod at idagdag pang mas marami siyang ininom kaysa sa dalaga. "Ayaw talagang umandar, okay naman kanina eh!" sagot ni Dion sabay upo. Napairap naman si Neptali at kinuha ang bote ng alak, mamula- mula na ang mga pisngi nito pati mga mata. Lihim na napangiti si Dion ang ganda talaga kasi ni Neptali kapag nagba- blush ito. "Tawagan mo na sina Deo para pumunta sila dito," utos ni Neptali sabay abot sa kopit