C-55: Love is in the air

1531 Words

Gulong-gulo ang isipan ni Paeng hindi niya masabi-sabi kay Garry na mayroon itong napulot na bigkis at isang name tag. Iniisip niya kung nagkataon nga bang kapangalan lang ng kanilang Senyorito ang name tag na kasama ng bigkis pati na ang initial nito at ang burda. Ayaw naman nitong sirain ang araw ng kanyang Senyorito ng umagang iyon dahil may lakad sila ni Neptali. Kung kaya't minabuti na lamang ni Paeng na itago ang kanyang napulot at itikom muna ang kanyang bibig. "May sakit ka ba? Kagabi ka pa hindi naiimik diyan saka hindi mapakali!" pansin ni Garry sa binata. "Baka may nabuntis na babae 'yan at kanya ng pinagtagtataguan!" sabad naman ni Marga na nakaismid pa. "Sino naman kaya? May alam ka ba, bakit ako na sarili ko wala akong kilala?" angal naman ni Paeng. Napaingos naman si Mar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD