Hapon na nakauwi si Dion dahil sinulit nito ang kanyang pag-stay sa kanila Mansyon. Kahit na gustong-gusto na nitong umuwi sa resort ay tiniis na niya muna para naman hindi siya kantiyawan at tudyuhin ni Spencer. Baka mamaya ay mas lalo pang maghinala at magtanong ang kanyang Daddy. Gusto niya kasi ay siya mismo ang magsabi sa mga ito tungkol sa kanila ni Neptali. Kabado bente uno si Dion dahil nga ni hindi niya natawagan man lang si Neptali. Parang nakikini- kinita na niya ang hitsura at magiging kilos ni Neptali sa kanya mamaya pagdating niya sa resort. Ilang minuto pa at nakarating na sina Dion sa kanyang resort. Kita niya sina Paeng sa may bakuran ng resort pati na sina Aling Belinda at Yaya Carmen. Agad niyang binati ang mga ito saka hinanap ng kanyang mga mata ang bulto ni Neptali. T