Naiinis na si Lyree kay Dion dahil sa pagka- over protective nito sa kanya pero at the same time ay masungit sa kanya. Hindi maintindihan ni Lyree kung ano nga ba ang pinagkakaganoon ni Dion. Sa part naman niya ay nagsisimula na siyang mag- move on na talagang hindi sila puwede. Sumang-ayon siya sa mga sinabi ni Aivee kasi nga ito ang ama ng batang nasa kanyang sinapupunan. Ang hindi niya lang maintindihan ay ang pagkamasungit nitong ewan kung papaano niya i- describe. Nanggigil talaga siya kay Dion subalit pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumabog dahil nga bawal makaka-apekto sa bata. "Anong pakay mo?" malamig na tanong ni Dion ay Daniel sa umagang iyon. Papasok na sana sa opisina si Dion nang makita niya ang binata sa malawak na living room. "Good morning! Binilhan ko si Lyree n