Panay pa din ang update ni Lyree kay Daniel, nahihiya kasi siya sa binata dahil lagi na lamang niya itong hindi pinagbibigyan. Ilang beses na siya nitong niyaya subalit hindi naman sila natutuloy. Gusto din sana ni Lyree upang kahit papaano ay makahinga din siya at pansamantalang makalimutan ang nadaramang lumbay at lungkot. Kagaya sa mga sandaling iyon, magka- chat pa sila ni Daniel kahit gabi na, nakaramdam ng gutom si Lyree kung kaya't bumangon ito at bumaba papuntang kusina. Hindi na binuksan ni Lyree ang ilaw at ang kanyang selpon na lamang ang kanyang ginamit. Kumuha siya ng ilang prutas saka malamig na tubig at naglakad na ito pabalik sa kanyang kwarto. Nang biglang bumukas ang ilaw, napasigaw nang bahagya si Lyree mabuti na lamang at hindi niya nabitawan ang kanyang mga hawak. Pag