"Ano na kayang nangyayari sa dalawang iyon? Bigla- bigla na lang bumalik sa resort," sabi ni Strawberry isang umaga habang nagkakape silang mag-asawa. "Hindi ko pa ba nasabi sa'yo? Kapwa baliw ang dalawang iyon, tiyak okay lang sila." Sagot naman ni Spencer. "Paano ka nakakasiguro aber?" nakairap namang tanong ni Strawberry. "Dahil palagi ko silang kinukumusta Wifey ko! Hayaan mo na muna silang dalawa kilala ko si Kuya, mapagmahal iyon kagaya ko!" may pakindat-kindat pang wika ni Spencer. "Asus, takot mo lang sa akin eh!" pambubuska naman ni Strawberry. "Wifey naman!" napakamot sa sariling batok si Spencer. Maya-maya pa'y nagkatawanan na silang dalawa, busy sila nitong mga nakaraang araw dahil nga sa up coming birthday ng triplets. Palagi na ngang hinahanap ni Kashimira ang kanyang f