Bantulot na lumapit si Neptali kay Dion na nag-iisang umiinom sa may bar ng hotel. Although marami namang umiinom na iba pero nag-iisa ito sa isang table. Tumikhim pa ang dalaga nang makalabas ito sa kinaroroonan ni Dion. "Puwedeng maki- table Senyorito?" tanong ng dalaga. Gulat si Dion na napalingon sa may- ari ng tinig. "What are you doing here? You're supposed to sleep right now!" sagot nito. Tahimik namang umupo si Neptali. "Galit ka Senyorito?" tanong na naman ng dalaga. Hindi na nakatiis pa si Neptali dahil sa pananahimik ng kanilang Amo na para bang pasan nito ang buong mundo. Kahit na gustong-gusto niyang abutin ito ay pilit inilalayo ang sarili. Akala ni Neptali ay tuluyan nang nawala ang pader na namamagitan sa kanila ni Dion bilang mag- Amo. Subalit parang bumabalik sila s