Pansin ni Marga na hindi mapakali si Neptali nang umagang iyon. "Ano ba? Bakit ba hindi ka mapakali?" tanong nito nang hindi na makatiis. "Ha?! Ako?" gulat na tanong din ni Neptali. "Ay hindi ikaw, itong bulaklak ang kausap ko. Oo, tinatanong ko ang bulaklak kung bakit hindi siya mapakali kasi nahihilo ako sa kanya." Asar na turan ni Marga. Pilit ang ngiti ni Neptali at pilit na hinamig ang sarili. Muli itong napaigtad nang makitang paparating si Dion at papalapit sa kanilang kinaroroonan. Agad na tumalikod si Neptali at kunwaring hindi niya nakikitang dumarating si Dion. Naalala niya kasi kagabi, para siyang tanga na hindi nakatulog dahil sa nangyari. Napausal pa si Neptali na sana ay hindi maalala ng kanyang amo ang mga nangyari kagabi. "Balik na tayo sa Siargao mamaya, may emergenc