Napaungol si Dion kasabay nang pagmulat ng kanyang mga mata. Agad na lumapit si Don Fermin na siyang nagbabantay sa kanya ng araw na iyon. "Water," anas ni Dion. Mabilis na inabot ng Don ang bottled mineral water sa may bedside table. Binuksan niya iyon at kanyang inalalayan si Dion sa pag- inom nito nang tubig. "Thanks!" mahina pa din ang boses ni Dion. "You're welcome anak!" masayang sagot ni Don Fermin. Tila noon lang nag- sink kay Dion ang taong nasa kanyang harapan nang matitigan niya ito. Napakunot noo pa nga si Dion dahil pilit nitong inaalala kung sino ang lalaking nasa kanyang tabi sa mga oras na iyon. "Sino po kayo?" magalang na tanong ni Dion. "Mabuti naman at gising ka na! Teka at tatawagin ko ang lahat," bagkus ay iyon ang sagot ni Don Fermin sa tanong ni Dion. Pindot