Halos araw-araw ay nagdadasal si Lyree para sa kaligtasan ni Dion. Stable na ang kalagayan nito at successful ang kanyang operation subalit hindi pa rin nagkakamalay. Kung si Lyree lang sana ang masusunod ay ayaw niyang umalis sa tabi ng kanyang pinakmamahal. Gusto niya pagkagising ni Dion ay siya ang unang makita nito. Siya ang unang masisilayan ni Dion upang sa ganoon ay mapanatag na ang kanyang kalooban. Nakilala na din ni Lyree si Don Fermin ang tunay na ama ni Dion. Sobra ang kasiyahang nadama ni Lyree nang malaman niya ang buong katotohanan. Kung kaya't mas lalo siyang nasabik sa pagbabalik ng malay ni Dion. Gustong-gusto na niyang sabihin kay Dion na hindi pala sila magkapatid kung kaya't hindi na bawal ang kanilang relasyon at ang kanilang pagmamahalan. "Bakit mo nagawa kay Dion a